NAGMADALING itinulak siya ni Aristhon sa kaniyang balikat matapos ng kaniyang sinabi. Sa ginawa nito'y napaupo na lamang siya sa daan. Pinagmasdan na lamang niya ang kaniyang katawan kung natamaan nga siya ng baril. Maging ito ay sinuri nito ang kaniyang kabuuan na hindi nito inaalis ang kamay sa kaniyang mga balikat. Walang ano mang nakaguhti na emosyon sa mukha nito na kahit pag-aalala sa kaniya'y hindi makita. Hindi ito nakuntento sa basta pagtitig lang sapagkat nakuha pa nitong itaas ang laylayan ng kaniyang suot. Hindi naman makikitaan ng sugat na nagdurugo ang kaniyang katawan ngunit hindi pa rin ito natigil. "Tumalikod ka. Tingnan ko ang likod mo," utos pa nito sa kaniya. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi na kailangan. Maayos ako. Wala naman akong tama ng baril," sabi niya

