SA PAGKASAKAY nila ng kotse para makaalis ng port na iyon naging tahimik sa loob na sa kalabisan nakakabingi na iyon. Kapwa sila nakaupo ni Aristhon sa hulihan na wala ngang lumamabas sa kanilang mga bibig. Hindi rin siya nito pinagmamasdan, nakapako lamang ang mga mata nito sa unahan ng sasakyan. Siya naman ay binaling ang kaniyang mga mata sa nadadaanang mga patong-patong na cargo box. Katamtaman lamang ang bilis ng sasakyan nakadagdag lamang sa pagbagal ng takbo ng oras. Hindi man sila nakalalayo sa pinaghimpilan nila ng kotse, bigla na lamang mayroong nangyari sa kanila. Dahil sa nakatingin sa nakatingin siya sa labas ng sasakyan kitang-kita niya ang mabilis ng takbo ng malaking puting truck patungo sa kanila mula sa kaliwa. Hindi nakabukas ang dalawang headlight ng truck kaya hindi i

