SA NAGING usapan nila Aristhon lalo pa siyang pinagmasdan ng dalawang tauhan nito. Mahahalata sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka sa nangyayari. Sino nga rin naman siya na kung kausapin ang lider ng mga ito'y para bang mayroon siyang kontribusyon sa nagiging desisyun ni Aristhon at siya talaga ang magmamay-ari ng mga maiiwan ito kahit wala pang mangyari ritong masama. Puno man ng pagtataka ang mga ito, wala rin namang halaga sa kaniyang kung ano ang tingin ng mga ito sa kaniya nang mga sandaling iyon. Hindi niya bibigyan ng kahulugan. Hindi rin naman makakapagsaita ang mga ito sa harapan niya. Paano nga rin naman makakapagsalita ang mga ito gayong hindi naman siya kilala. Liban pa roon takot ang mga ito na ibuka ang mga bibig dahil na rin sa pinuno ng mga ito na si Aristhon. Hinid man k

