NAGING matagal ang pagbuhos ng ulan kaya nang malapit nang mawala iyon lumamig na rin ang kanilang kinakaing noodles. Hindi siya nagsalita sa pag-ubos niya sa noodles. Samantalang si Aristhon ay itinabi na lamang ang kaniyang noodles habang hawak nito ang cellphone. Dahil sa ulan lumamig na rin pati ang hangin na sa pagsiismula ng gabi'y bahagyang mainit. Walang ano mang nakaguhit na emosyon sa mukha ni Aristhon sa pagtitig nito sa cellphone. Napapalingon na lamang siya rito sa paghigop niya nang sabaw. Hindi niya tinigilan hanggang hindi nasisinop ang huling patak. Nagsalita lamang siya nang ibaba niya ang walang lamang papel na bowl. "May problema ba?" ang naisipang niyang itanong. Pinunasan niya ng likod ng kaniyang kamay ang gilid ng kaniyang mga labi nang maalis ang butil-butil ng s

