NAALIS din naman sa kaniya ang atensiyon ng dalawang matandang lalaki sa pagsasalita ni Aristhon. "Ituloy na natin ang pag-uusap. Huwag niyo na lang siyang pansinin," ang nasabi ni Aristhon. Ang bawat salita nito'y mayroong mga diin na nagsasabing dapat sumunod ang dalawa rito. Kumilos nang bahagya ang matandang lalaking nasa kanan nang makaupo ito nang maayos. Mahahalata sa mukha nito ang kabang nararamdaman, napapalunok pa ito ng laway sa pagtitig ni Aristhon kahit na hinid na rin naman ito umiinom ng alak sa hawak nitong baso. Samantalang ang matandang lalaking namumuti ang buhok ay matapang na sinalubong ang mga mata ni Aristhon. Hindi nito iniwas ang mga tingin dito't nakuha pa ng ipagsalin ang sarili ng alak. Nilagyan nito iyon ng yelo't marahang hinalo na may kasama pang mag-amoy

