HINDI inabot ng tatlumpung minuto ang kanilang paghihintay na dumating Rustom sa tindahan. Maririnig na lamang ang paghinto ng sasakyan mula sa labas. Sinundan iyon ng mga yabag patungo sa bodegang kanilang kinalalagyan. Mayamaya nga'y pumasok sa pinto ang kaaway ni Aristhon na si Rustom kasabay ang isa pang tauhan nito. Natatago ang putol nitong kamay sa likuran ng suot nitong diyaket. Gumuhit kaagad ang pagkagulat sa mukha nito nang tumama ang mata nito kay Aristhon nakaupo lang. Sa balak na pagbunot ng tauhan ni Rustom sa baril nito sa tagiliran itinaas ni Aristhon ang baril na hawak patungo sa mga ito. "Huwag niyo nang subukang lumaban. Hindi pa rin naman kaya mananalo," pagbabanta ni Aristhon sa dalawa. Hindi na nakakilos nga ang tauhan ni Rustom nang bayuhin ni Mikal na nagtago sa

