PINAGMASDAN niya sa malayo kung paano lagyan ng mga posas ang kamay nina Aristhon at Mikal. Aminin niya man o hindi wala rin naman siyang nararamdamang tuwa sa nangyayari. Hindi niya na alam kung tama pa ba ang kaniyang ginawa. Ang iniisip niya na lang ay para sa kabutihan hindi lang niya kundi ng iba pa kaya kailangang makulaong si Aristhon. Bukod tangi rin naman itong halang ang kaluluwa. Madali lang dito ang pumatay na hindi magandang pag-uugali ng isang tao. Sa paglingon ni Aristhon sa kaniyang kinatatayuan matapos na malagyan ng posas nito hindi na niya makayanang pagmasdan pa ito. Nagkasalubong ang kanilang mga matang dalawa. Wala siyang ano mang nakikitang galit sa mga mata nito nang sandaling iyon. Nakangiti pa rin ito sa kaniya na siyang nagbibigay ng kaba sa kaniyang dibdib. Bago
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


