Kabanata 25

2542 Words

Sa kaniyang pag-upo sa sahig ng selda, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na hapuin ang kaniyang pumipintig na tiyan matapos na pinagsisipa ni Aristhon. Ang kaniyang mga mata ay nakapako sa lalaki sa pagbabasa naman nito ng libro, masama ang kaniyang tingin. Sa kabilang bahagi ng selda nakapuwesto ang lalaki isang dipa't kalahati ang layo sa kaniya. Inilayo niya ang kaniyang sarili rito dahil sa nararamdaman niyang galit para rito. Samantalang ang kasama nilang si Ismael ay inabala na naman ang sarili sa paglalaro ng baraha. Mabilis nitong binasa ang baraha kapagkuwan ay inilatag ang mga iyon sa sahig. Ilang hakbang lamang ang pinto sa kaniyang kinauupuan kaya naririnig niya pa ang ingay na nagmumula sa labas. Naroong mayroong nagsisigawan na preso, nahahaluan iyon ng pagsigaw nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD