SA INIT ng panahon hindi na nagiging maganda ang kaniyang pakiramdam. Napagdesisyunan niya na lamang na maligo. Umalis nga siya ng selda na walang sinasabi sa kaniyang mga kasama roon. Kasama niyang nagtungo sa paliguan ang guwardiya na naglalakad sa kaniyang likuran. Nang makarating siya roon wala siyang nadatnan na ibang presong naliligo na kaniya rin namang ikinatuwa. Sa pintuan pa lang pagkatayo niya roon naamoy na niya ang singaw ng init na nabinbin sa kalaparan niyon. Pagkahakbang niya nga papasok naramdaman niya ang init sa kaniyang balat, higit na mainit doon sa kawalan ng hanging pumapasok. Nagpaiwan ang guwardiya sa labas ng paliguan na walang sinasabi sa kaniya sa kaniyang pagtuloy-tuloy. Bago pa siya dumiretso sa shower nanatili muna siya sa bihisan matapos lang ng pinto kung s

