SA HABA ni Aristhon sa pakikipag-usap nito sa naging dalaw nito natagalan itong makabalik ng selda. Hinintay niya pa nga ito kaya sa tuwing mayroon siyang marinig yabag sa pasilyo napapatayo na lamang siya't napapasilip sa pintuan. Sa palagay niya ay ang ama niya nga rin naman ang nagpunta ng piitan nang bisitahin siya ng kasamahan niyang pulis. Naiisip niya ang ama niya pa rin ang naging bisita nito nang araw na iyon. Nais niyang tanungin si Aristhon nang malaman niyang hindi siya nagkakamali. Naroong kinakagat niya pa ang kaniyang kamao sa kaniyang pag-upo na malayo ang kaniyang tingin. Hindi niya gustong malaman ng kaniyang ama na naroon siya. Kahit na wala rin naman itong pakialam sa kaniya mas mainam na hindi nito alam na nakulong siya. Hindi niya rin gustong isipin na sinabi ng matan

