NAGKAROON din siya ng bisita na hindi niya kailangang tumawag sa kasamahan niya bilang pulis. Dinala nga siya ng guwardiya sa kubol. Naupo siya sa upuan at naghintay dahil wala pa roon ang bisita niya nang mga sandaling iyon. Pinatong niya ang kanang paa sa kaliwa habang pinaglalaro ang daliri sa kaniyang tuhod. Tumatama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana na siyang nagiging dahilan ng pagpikit niya ng kaniyang mga mata. Inilagay niya pa nga ang kaliwang kamay sa harapan ng kaniyang mukha nang maharangan ang liwanag. Naibaba niya lamang ang kaniyang kamay nang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang kasamahan niya bilang pulis na nakasuot ng ternong itim matapos ihatid ng guwardiya. Hindi maganda ang nakikita niya sa mukha nito. Namumutla iyon sa kakulangan ng tulog

