NAGISING na lamang siya na natatalian ang kaniyang mga kamay at paa nang sobrang higpit gamit ang lubid. Nabubusalan ang kaniyang bibig ng maruming panyo kaya nalalasahan niya pa ang natuyong semelya rito. Iniupo niya ang kaniyang sarili na isinasandig ang likod sa mahabang mesang bakal na nababalot ng alikabok. Nag-iisa lamang ang ilaw na bukas nang mga sandaling iyon na makikita sa kaniyang uluhan sa pagdilim nf kalangitan sa labas. Nang iikot niya ang kaniyang paningin nalaman niyang nasa hindi siya pamilyar na lugar. Nasa loob siya ng isang abandunadong gusali na dating klinika ilang kilometro ang layo sa pangunahing gusali ng piitan. Nahaharangan ang kinalalagyan niya nang plastik na kurtinang nabalot na rin ng alikabok. Sinubukan niya pang tumayo na nagawa niya rin naman. Naghana

