MARIRINIG sa kabuuan ng klinika ang pagsigaw ng kumukulong tubig sa maliit na heater. Nakalagay iyon sa mataas na mesang naroon sa sulok. Sa tabi ng mesang iyon nakatayo ang alalay ni Aristhon na si Ismael, binantayan nito ang pagkulo ng tubig mula nang isaksak nito ang heater. Hindi na ito umalis pa sa kinalalagyan. Mistula itong naging estatwa na hindi gumagalaw. Ang mga mata talaga nito ay nakatutok sa lumalabas na singaw. Walang magawa si Benjo kaya nakaupo lamang siya sa swiver chair na kumukulo ang tiyan. Samantalang ang kasama nilang si Aristho ay nakahiga sa isa mga kama na nakapikit ang mga mata. Ang mga braso nito ay magkatagpo sa matigas nitong dibdib. Sa lalaki nakatutok ang kaniyang mga mata dahil pagkahanggang sa mga sandaling iyon laman pa rin ng isipan niya ang sinabi ni

