Kabanata 31

2579 Words
HABANG abala ang lahat ng preso sa bakanteng lupa pagdating ng dapit hapon nakaupo lamang si Benjo katabi si Aristhon sa mahabang upuan na nagbabaso ng diyaryo. Hindi nila kasama nang sandaling iyon ang alalay nitong si Ismael. Nakatutok lamang ang mga mata niya sa taong nakakalat. Napapansin niya sa mukha ng karamihan ang pagiging malaya sa pising minsang iginapos sa mga ito ng paghariharian ni Gustavo. Sa pagkamatay nga ng mga matandang lalaki nagagawa ng mga preso ang gustong gawin ng mga ito dahil wala rin namang pakialam doon si Aristhon. Ang akala nga ng lahat ay tumakas nga ang matandang lalaki nang magpakalat itong ng usok sa piitan. Hindi na nababanggit nino man ang pangalan ng matandang lalaki. Kahit na silang dalawa ni Aristhon ay hindi nila ito pinag-uusapan. Wala nga rin namang halaga ang buhay ni Gustavo kaya hindi problemang nawala na ito sa piitan na iyon. Ang hindi niya alam ng mga sandaling iyon ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Aristhon. Ilang hakbang mula sa kaniyang kinauupuan ay ang dalawang preso nagbubunong-braso sa isang mesa. Nagsilabasan ang mga ugat hindi lang sa mga kamay ng mga ito, pati na rin sa mukha't leeg ng mga ito. Walang nais na magpatalo sa dalawa kaya hindi bumababa ang mga magkatagpong kamay ng mga ito. Dahil dito napapasigaw na lamang ang mga presong nanonood na nakapaikot dito. Umuungol pa na parang aso ang iba para udyukin ang dalawang nakikipagbunong-braso na galingan pa ng mga ito. Naghihintay nga rin naman sa premyo ang mga pumusta sa mananalo sa larong iyon. Naroon naman sa likuran ng nagbubunong-braso ang dalawang preso na nagpapasahan ng bola para sa baseball. Walang gamit na gloves ang mga ito na hindi rin naman alintana ng mga ito sa kapal ng mga kalyo sa mga kamay. Sa lakas ng pagbato ng isang preso sa bola na malayo sa kanila hindi nasalo iyon ng kalaro. Kung kaya nga lumampas iyon sa kinatatayuan nito't umabot patungo sa kanilang kinauupuan ni Aristhon. Nang mapagtanto niyang tatama iyon sa kaniyang mukha balak niyang umilag. Hindi na rin naman niya nagawa iyon dahil humarang ang kamay ni Aristhon sa harapan ng mukha niya. Walang kahirap-hirap na sinalo nito ang bola't pinagmasdan pa nito iyon na ibinababa ang hawak na diyaryo sa kandungan. Nang sandaling iyon nag-aalangang lumapit ang presong hindi nakasalo. Ang kalaro naman nito ay nakatingin lang sa kanila na nag-aabang sa mangyayari. Sa takot ng preso napapayuko na lamang ito ng ulo. Hindi na rin naman ito tuluyang nakalapit sa kanilang kinauupuan nang itapon na ni Aristhon ang bola patungo rito. Tumama iyon sa dibdib ng preso bago nito masalo. Sa ginawa ni Aristhon naiyuko na lamang ng preso ang ulo nang mas mababa pa bago nito binalikan ang kalaro upang ipagpatuloy ang pagpasa sa bola. "Ano bang sinabi mo sa mga preso't mukhang wala silang iniisip?" ang naitanony niya kay Aristhon. Tinaas nito ang binabasang diyaryo upang ipagpatuloy ang pagbabasa. "Wala naman. Ang sabi ko lang ay gawin nila ang gusto nila. Huwag lang nilang akong gugulihin pati na rin ikaw," paliwanag naman nito sa kaniya sa paglipat nito sa pahina ng diyaryo. "Buo ang tiwala mo sa sarili mo na walang magtratraydor sa iyo," komento niya rito. "Oo naman. Nakikinig sila sa akin. Ikaw lang ang hindi," ang nasabi naman nito sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya napapakunot na lang ang kaniyang noo. "Hindi malayong sasaksakin mo ako nang patalikod," dugtong pa nito na lalo niyang ikinatahimik. Hindi nga rin naman ito nagkakamali sa bagay na iyon. Posibleng magagawa niya nga itong traydorin lalo na kung ginusto ng mga kasamahan niyang pulis. Hinihintay niya lang talaga na mayroong mahanap ang mga ito na katibayan ng mga ginagawa nitong hindi maganda para matapos na rin niya ang buhay nito habang naroon pa siya sa piitan. Mas pinili niyang itikom na lamang ang kaniyang bibig kaysa kausapin pa ito. Sa ginawa niyang iyon namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan na nabasag lamang sa pagdating ng guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. Mabilis ang naging paglalakad nito kaya nakatayo kaagad ito sa kaliwa ni Aristhon. "Pinapatawag ka ng warden. Mayroon daw kayong kailangang pag-usapan," ang nasabi ng guwardiya. Ibinaba ni Aristhon ang hawak na diyaryo matapos marinig ang sinabi ng guwardiya. "Ano naman kaya ang sasabihin ng taong iyon sa akin." Tiniklop nito ng dalawang beses ang diyaryo bago nito inilapag sa upuan sa pagitan nilang dalawa. Lumingon ang guwardiya sa mga nagbubunong braso sa ingay ng mga ito. "Sa palagay ko ay tungkol sa paglabas mo rito sa piitan," ang naisipang sabihin nito. Napatitig siya sa mukha ni Aristhon dahil sa narinig. Isa lang ang ibig sabihin niyon, maiiwan siya roon na walang tumutulong sa kaniya para makalabas din. Hindi pa nga naman niya na kakausap ang kasamahan niyang pulis. "Lalabas ka na ba talaga?" paniniguro niya kay Aristhon. Ibinaling nito ang tingin sa kaniya. Sinalubong ang kaniyang mga matang nagtatanong. "Oo," tugon naman nito. "Baka bukas na bukas kapag maayos ngayon ang lahat ng kailangan para makalabas ako." "Paano naman ako?" Dumagok siya sa kaniyang sarili. "Mayroong tayong naging usapan. Nakakalimutan mo ba?" Bumuntonghininga ito nang malalim. "Sino ba ang may nagsabi sa iyo na hindi kita tutulungang makalabas?" Hinawakan nito ang kaniyang ulo sa pagtayo nito. "Sinabi ko na sa iyong mayroon akong isang salita." "Maniwala sa iyo. Nababali ang mga salita. Hindi ko alam. Wala akong tiwala sa iyo." Inalis niya ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang ulo. Pinakatitigan siya nito kapagkuwan ay ngumisi nang matalim. "Hindi ka pala naniniwala pagkatapos dumidikit ka sa akin," ang nasabi nito sa kaniya. "Nagbakasali na ako na gawin mo talaga." "Gagawin ko naman talaga kahit nasa labas na ako," sabi nito sa kaniya. "Huwag kang mag-aalala ilalabas kita rito kung hindi ka talaga tutulungan ng nag-utos sa iyo." "Mangako ka para maniwala na ako nang buong-buo," hirit niya rito. Nailing ito ng ulog para sa kaniya. "Nababali rin ang pangako kaya huwag na," sabi naman nito na hindi rin naman mali. Sumasangayon din naman siya rito tungkol sa bagay na iyon. "Tama ka." Mataman siya nitong pinagmasdan kapagkuwan ay lumakad na ito paalis ng upuan. Nang mapagtanto nitong hindi siya nakasunod nilingon siya nito. "Ano pang ginagawa mo riyan?" sabi nito. Tumayo nga siya matapos niyang maintindihan kung ano ang gusto nitong mangyari. Humabol siya sa paglalakad at sumabay sa paghakbang nito kasunod ang guwardiya. Nakuha na naman siya nitong akbayan na nang sandaling iyon ay hindi niya inalis. KUMATOK sa pinto ang guwardiya pagkarating nila roon kapagkuwan ay lumayo ito nang hakbang patalikod. Lumipas lamang ang ilang segundo bago bumukas iyon. Hawak ng warden ang doorknob ng tingnan sila nito. Unang tumama ang tingin nito sa kaniya't tumigil kay Aristhon na nasa kaniyang kaliwa. "Ikaw lang ang papasok. Hindi sila puwede," ang nasabi ng warden kay Aristhon. Hindi naman nagtaka si Aristhon sa mga naging salita nito nang hapong iyon. "Walang problema," sabi nito sa warden sabay baling sa kaniya ng atensiyon dito. "Dito lang kayo. Pumasok ka na lang kung puwede na," dugtong nito para sa kaniya. "Kahit hindi na," pagtanggi niya na lamang. "Hintayin ka na lang namin pagkatapos bumalik na tayo ng selda." "Kung iyan ang gusto mo," ang mabigat nitong sabi na masama ang tingin. Lumakad na ito patungo sa pinto't pumasok nang tuluyan. Napapasunod na lamang siya ng tingin sa likod nito na natigil lang sa pagsara ng pinto. Naiwan nga siyang kasama ang guwardiya. Ibinaling niya ang atensiyon dito na nagtataka niyon. "Ano ang problema ng taong iyon?" ang sabi niya rito para lang mayroong masabi. Inasahan niyang wala itong magiging sagot ngunit nagkamali siya sa pagkakataong iyon. "Tinanggihan mo kasi ang alok niya sa iyo," pagbibigay alam nito sa kaniya. Tumango-tango siya sa narinig. "Gusto mo ba talagang lumabas?" ang naisipan nitong itanong sa kaniya. "Oo. Ano ang gagawin ko pa rito?" sabi niya rito. Sumandig siya sa pader katabi lang ng pinto. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" Inayos nito ang pagkasuot ng sinturon nitong tumabingi nang kaunti. Sinalubong niya na lamang ang mga nito. Napagtanto niya ngang hindi nga pala nito alam ang tungkol sa dahilan kung bakit siya napasok sa piitan na iyon. "Wala naman. Nababagot na ako rito sa loob," palusot niya na lamang dito. "Marami akong magagawa kung nasa labas ako." "Mahihirapan kang lumabas. Hindi lang naman isang tao ang napatay mo, hindi ba?" paalala nito sa kaniya. Tama nga rin naman ito sa nasabi. Ang hindi nito alam mayroong tutulong sa kaniyang makalabas na kung magiging palpak si Aristhon nga ang gagawa niyon. "Nariyan si Aristhon," sabi niya naman dito. "Gaano ka nakakasigurado na tutulungan ka niya? Naisip mo bang pinaglalaruan ka lang niya?" Napatigig siya sa mukha nito. Hindi nga malayong wala siyang balak na tulungan ni Aristhon. Mayroon lamang itong mga nasabi sa kaniya para kunin ang kaniyang tiwala. "Posible ang sinabi mo. Pero gaya ng narinig mo kanina sa labas tutulungan niya nga ako. Mayroon siyang isang salita." "Hindi mo dapat pinagkakatiwalaan ang lumalabas sa bibig niya. Hindi mo siya kilala." "Bakit sinasabi sa akin ang ganiyan?" Hindi na rin naman siya nasagot ng guwardiya nang bumukas ang pinto. Nakatayo sa kabila niyon si Aristhon na kakaiba ang tinging pinupukol sa kanila ng guwardiya. Napaubo-ubo ang guwardiya dulot ng pagkabigla't dumagok nang makailang ulit sa dibdib nang matigil iyon. "Ano ang pinag-uusapan niyo?" pag-usisa nito sa kanilang dalawa ng guwardiya. Pinanliitan siya nito nang tingin na kaniya namang binalewala. "Wala naman," ang naisagot niya rito kaagad. "Natapos na ba ang pag-uusap niyo? Kung tapos na'y bumalik na tayo ng selda. Gusto kong humiga." "Mamaya pa tayo babalik. Pumasok muna kayo nang makakain." Tumabi pa nga ito sa pintuan nang makadaan sila ng guwadiya. Tiningnan niya ang guwardiya't humakbang na nga siya papasok ng opisina ng warden. Naalis kaagad ang pagtataka niya kung bakit kailangan nilang kumain nang masilayan niya ang cake na nakalagay sa mababang mesa. Sa gitnang sofa nakaupo ang warden hawak ang in can na beer. Katabi ng cake ang ilang putahe na inihanda ng warden. "Sino ba ang mayroong birthday?" ang naitanong niya kaagad dito nang maupo na siya sofa na nasa kanan nito. Sumunod na rin naman ng pasok ang guwardiya matapos iiwan ni Aristhon ang pinto na nakabukas. Uminom ng beer ang warden nang lumingon ito sa kaniya. "Ako ang may birthday," pagbibigay alam nito. Kumuha siya ng paa ng fried chicken kahit hindi pa nito sinasabi na maari na siyang kumain. "Hindi mo ba gustong malaman ng iba na birtday mo kaya hindi ko kami pinapasok?" Tiningnan niya ang hawak na fries chicken para malaman kung naluto iyon nang maayos. "Hindi naman. Mayroon lang talaga kaming pinag-usapan na mahalaga," sabi naman nito't muling uminom ng beer. Tumahimik na lamang siya sa nalaman. Kinagat na niya ang hawak na fried chicken na siya ring pag-upo ni Aristhon sa kaniyang kanan. Tumama ang tuhod nito sa kaniyang hita na kaniyang ikinalingon dito. Kasunod nitong maupo ang guwardiya sa kasalungat na sofa. "Bakit?" ang tanong niya kay Aristhon kahit na mayroong laman ang bibig. Sinalubong nito ang kaniyang tingin. Mahahalata sa mga mata nito ang pagtataka. "Ano'ng bakit?" tanong nito pabalik imbis na sumagot sa kaniya. "Akala ko mayroon kang sasabihin. Wala naman pala," ang naisatinig niya rito. Pinagpatuloy niya ang pagkain sa hawak na fried chicken. Inalis ni Aristhon ang tingin sa kaniya. Kumuha ito ng beer na binuksan nito kaagad. Hindi naman kumikilos ang guwardiya na napuna ng warden. "Anong tinutungaga mo riyan? Kumain ka na," ang nasabi ng warden. "Pasensiya na," paghingi ng paumanhin ng guwardiya kapagkuwan ay kumuha iyo ng paper plate na naroon din sa mesa. Nagsalin ito ng makakain sa hawak at muling umayos nang upo. Nang mga sandaling iyon nabaling ang tingin niya kay Aristho nang ilagay nito sa harapan ang binuksan nitong beer. "Maruno ka banb uminom?" ang nasabi nito sa kaniya. Nagsalubong ang dalawang kilay niya para rito. "Ano namang tanong iyan? Siyempre umiinom ako ng alak. Malakas akong uminom," saad niya nang hawakan niya ang beer. Sa ginawa niyang iyon dumikit ang kamay niya sa kamay nitong hindi pa inaalis sa hawak na beer. Nagkatinginan pa nga silang dalawa matapos nilang pagmasdan ang kanilang mga kamay. "Siguraduhin mo lang. Hindi ko gustong magbuhat." Pinakawalan na nito ang hawak na beer. Inilapit niya kaagad ang beer sa kaniyang bibig nang bitiwan nga nito iyon. Uminom siya na nakatingala nang bahagya. Hindi niya iyon tinigilan kaya napapatitig na lamang ito sa lalagukan niyang tumataas-baba. Dahil nga sa hindi niya paghinto tuluyan na ngang naubos ang beer. Nagpalabas pa nga siya ng hangin matapos niyang maibaba ang wala nang lamang lata. Niyupi niya iyon sabay patong sa gilid ng mesa. Sinulyapan niya si Aristhon na pagkahanggang sa sandaling iyon ay nakatitig pa rin sa kaniya. "Ano naman ngayon?" Kumagat siya sa kaniyang hawak na fried chicken. Nginunguya-nguya niya iyon habang naghihintay sa magiging sagot nito. "Akala ko ay nagbibiro ka lang. Pero sa ginawa mong pag-inom tubig lang sa iyo ang beer," ang nasabi nito nang kumuha naman ito ng pakawalang beer na binuksan naman nito kaagad. "Tama ka." Pinigilan nito ang kamay niyang mayroong hawak sa fried chicken. Inakala niyang papatigilin siya nito sa pagkain. Ngunit nagkamali lamang siya nang inasahan, sapagkat inilapit lang nito sa labi ang manok. Kinain nito ang natitirang karne sa buto imbis na kumuha sa mesa. "Gusto mo ba ng hard ng maiinom?" Pinakawalan nito ang kamay niya matapos nga nitong makagat ang karne. Inilagay niya sa bakanteng paper plate ang buto't kumuha ng panibago. Nagkasabay pa sila ng warden na ngumiti na naman sa kaniya. Binalewala niya lamang ang ngiti nito sa pag-upo niya nang tuwid. "Mayroon ba kayo rito?" ang naitanong nito kay Aristhon. Hindi siya nito sinagot sa pagbaling niyo ng tingin sa warden. "Saan na iyong espesyal mong alak?" ang naitanong ni Aristhon. Napatitig dito ang warden. "Itinatabi ko iyon. Regalo mo sa akin iyon," ang naibulalas ng warden sa kagustuhan nitong hindi ilabas ang mamahaling alak. "Papalitan ko nang marami," pangungumbinsi naman ni Aristhon dito. "Ipapadala ko na lang sa iyo kapag nasa labas na ako." "Sige. Kapag hindi mo lang talaga ginawa, kakalimutan ko talagang magkaibigan tayong dalawa." Ipinatong nito sa mesa ang hawak na beer kapagkuwan ay tumayo na ito. Umalis ito nang upuan sa paglalakad nito patungo sa silid nito. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito roon. Naibalik niya lang ang atensiyon kay Aristhon nang muli siya nitong kausapin. "Uminom ka pa. Mahaba pa ang gabi," sabi nito na mayroong kasamang pagpisil sa kaniyang hita. Pinagmasdan niya ang kamay nito't sinalubong ang mga mata nito. "Kung balak mo akong lasingin, huwag mo nang ituloy. Hindi ako nalalasing kahit anong dami nang nainom ko," pagbibigay alam niya rito. "Alam ko," sabi na lamang nito. Inilapit nito ang bibig sa kaniyang tainga't bumulong. "Baka tigasan ka na kung marami kang mainom. Maapektuhan ng alkohol ang isipan mong nagsasabing huwag kang tigasan. Sigurado akong sa matapos mong uminom magkakaroon ka na rin ng reaksiyon. Pang-painit nga rin naman ang alak. Nasubukan mo na bang makipaglaro ng apoy na puno ng alak?" "Hindi pa." "Malalaman natin mamaya kung tama ang naiisip ko." Gumuhit ang ngisi sa labi nito na siya ring muling pagpisil nito sa kaniyang hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD