Kabanata 23

2529 Words

HINDI pa man nakatatagal ang araw nang huling ipinasok siya sa bartolena ngunit naroon nga siya't ibinalik siya roon. Sumuksok na naman sa kaniyang ilong ang hindi kaaya-ayang amoy nito. Nasapo niya ang kaniyang ulo sa pagmulat ng kaniyang mata dahil sa pagkirot niyon matapos nga siyang iumpog ni Aristhon sa dingding. Namumuo sa kaniyang dibdib ang galit para rito habang sumasagi sa kaniyang isipan ang nangyari. Mabagal siyang kumilos nang maiupo niya ang kaniyang sarili na siyang pagkatok sa pintong bakal ng bartolena. Naiangat niya ang tingin sa manipis na butas sa pinto kung saan pumapasok ang liwanag. Sumisilip roon ang pares ng mga mata na kaagad din naman niyang nakilala kung sino ang nagmamay-ari. Hindi nga siya nagkamali sa bagay na iyon dahil nag-iisa lang naman ang taong kung tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD