Kabanata 22

2586 Words

PAGKABALIK ng selda nanonood na lamang si Aristhon ng balita sa telibisyon na nalilipat lamang sa opisina ng guwardiya. Iisang channel lamang ang pinapakita roon na madalas balita ang pinapalabas. Hindi na sana niya balak manood ngunit nang makita niya kung ano ang balita na ipinapahayag ng babaeng tagapagbalita naupo na lamang siya sa sahig sa kaliwa ni Aristhon na hindi nakasandig sa dingding. Ibinabalita nang mga sandaling iyon ang pagkakawang gawa ng senador na nakausap niya bago siya makulong. Nakangiti itong kumakaway sa mga tao habang naglalakad sa kahabaan ng pinagawa nitong seawall sa isang probinsiya. Nakasunod lamang dito ang mga alalay nito't ang mga sumusuporta ritong mga mamayan. Sumama ang mukha niya nang makita niya si Daniel sa mga naglalakad sa kanan lamang ng senador.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD