NAGTUNGO siya sunugan ng basura dala sa isang kamay ang sakong naglalaman ng pinaghalong tuyong damo, dahon at sanga na nanggaling sa taniman. Napapaikutan iyon nang mataas na pader na siyang naghihiwalay sa ibang mga kalapit na gusali, mataas ang bubong nito na mahigit isang palapag ang taas. Pumasok siya roon na tinutulak ang tarangkahang bakal na umirit nang bahagya. Sa unang niyang hakbang pa lang tumama kaagad sa kaniyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Naisip niyang gumagamit ng gasalino para madaling masunog ang mga basura. Nakatambak sa loob ang mga kumpol ng mga basura, lumapit siya sa isa mga iyon na malalaki ang paghakbang. Sa balak niyang pagbuhos mayroon siyang narinig na pagsigaw dahil sa nararamdamang sakit. Naibaba niya na lamang ang sako't pinuntahan kapagkuwan ang

