INABALA niya ang kaniyang sarili sa paglalaba ng damit niya bilang preso sa piitan na iyon dahil dalawang pares nga lang naman ang mayroon siya. Sinuot niya na ang natitirang malinis na damit kung kaya kailangang malabhan ang narumihan. Natatagalan siya nang kaunti dahil sa estado ng kaniyang nilalabhan. Napapabuntonghininga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang nasunog na laylayan. Mabuti na lamang kaunti lamang ang nasunog. Kahit anong gawin niyang pagkusot doon hindi na talaga maalis ang pangigitim niyon. Hindi na siya nagtungo sa paliguan para maglaba. Pinili niya na lamang na gawin iyon sa banyo sa kanilang selda. Ginamit niya ang maliit na palanggana sa paglalaba na nakabaluktot ang dalawang tuhod. Hindi siya gumamit ng bangko dahil wala namang ganoon doon. Tanging pagkusot

