Chapter 10 Proposal

1494 Words
Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko. Pumunta ako sa break room at tinago ang lingerie sa bag ko. Saktong dumating na sila Ashley at Diana habang nakangiti agad ko naman sila sinamaan ng tingin. "Ano na naman ba? Ang aga aga gan'yan hitsura mo!" bulalas ni Diana. "Kasalanan niyo ito e! Kung hindi niyo ako niregaluhan ng lingerie edi sana hindi ito nangyayari sa akin," inis kong sagot sa kanila. "Bakit kami na naman? Ano bang ginawa mo?" nagtatakng tanong ni Diana. "Paano ba naman kasi sumakay sa ibang kotse at ang malas niya sa kotse pa ni Sir Kendrix! Tapos nalaglag niya pa iyong lingerie sa kotse," kwento ni Ashley sa kan'ya. "What?!" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Diana. "Still, it's your fault," sabi ko sa kanilang dalawa. "Bakit naman namin naging kasalanan pa namin? Eh ikaw nga itong nakalaglag sa kotse niya," saad ni Ashley. "Alam niyo ba kumg anong ginawa niya? Nilaglag niya lang naman ang lingerie na ito sa harap ng mga empleyado at syempre malaking kahihiyan sa akin iyon pero hindi ako makaangal at inisip na lamang na hindi ko iisipin ang sasabihin ng ibang tao." "What? Ginawa niya yon?" tanong ni Ashley. "Hindi na bago 'yan.. gan'yan talaga si Sir Kendrix kaya masanay ka na rin wala na rin 'yan sa ibang empleyado kasi sanay na sila at mukhang kailangan mo na mag-ingat dahil for sure mainit na ang dugo niya sa'yo," wika ni Diana. "Mukha nga," sambit ko. "Kalimutan mo na lang ang nangyari ngayon.. katulad nga ng sinabi mo hahayaan mo na lamang." Sabay tapik ni Ashley sa balikat ko. "Ano pa nga ba?" Huminga ako ng malalim. Makalipas ang ang ilang minuto ay start na ang trabaho namin. Sa sobrang stress ko ngayong umaga ay sobra ko na lamang nilibang ang sarili ko. Ayaw ko tuluyang masira ang araw ko dahil lang kay Sir Kendrix lalo na ay madami pa akong kailangan gawin mamaya para sa event na magaganap this week. "Stella, hinahanap na pala ng CEO iyong proposal mo for next week event," sabi sa akin ni Lilia nang makarating siya dito sa front desk. "Anong oras daw niya kailangan?" tanong ko. "In one hour," sagot niya. Tumingin ako sa relo ko sabay tango. "Okay sige, dadalhin ko na lang sa office niya." "Okay." Agad na siyang umalis. Mabuti na lamang ay handa ako dahil inayos ko na iyon kagabi at napagtulungan na rin namin iyon nila Ashley kaya naman wala akong tulog ngayon. Sobrang itim na ng eyebugs ko. "Mukhang busy ka ngayong week," sabi sa akin ni Sean. "Oo eh, pero okay lang 'yon basta maging maganda lang ulit 'yong event this week," nakangiti kong sagot. "Magiging maganda talaga 'yan lalo na ikaw ang nag-isip." "Excuse me lang ah? Kasama niya kami sa nag-isip ng theme ng party," singit na sabi ni Diana. Napatawa naman kami ng mahina. "Oo na," natatawang sagot ni Sean at sabay back to work na. "I think you should fix it now total excuse ka naman na kasi nga ikaw ang inatasan sa pag-aayos ng event," sabi naman ni Diana. "Diana is right! Ayusin mo na at para maipakita mo na sa CEO," sabi naman ni Ashley. "Oh sige, mukhang kailangan ko na ngang ayusin," wika ko. "See you later! Agad na akong umalis na nagmamadalinpapunta sa break room. Inayos ko na ang dapat ayusin at sinigurado ko na okay na ang lahat bago ako pupunta sa office ni Mr. Harrison. Nang matapos ko na ay umakyat na ako pinuntahan ang office niya. Kumatok na muna ako. Ilang sandali lang ay automatic na nagbukas ang pinto ng office niya. "Good morning po!" masaya kong bati nang makita ko si Mr. Harrison sa upuan kung saan katapat niya ang pahabang lamesa na babasagin. Napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid at biglang napawi ang ngiti ko nang makita si Sir Kendrix na nakacross legs at nakatingin sa akin ng seryoso. Pinilit ko na lamang ngumiti para sa respeto ko sa kan'ya. "Come in," wika ng CEO. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kan'ya at inilahad niya ang kamay niya sa may upuan na katapat pa kung saan nakaupo ngayon si Sir Hendrix na gano'n pa rin ang tingin niya sa akin. Nakakatakot siya. "Thank you po." "Okay, you may show us your proposal." Tumango naman ako habang nakangiti. Hindi ko na lamang pinansin si Sir Kendrix at mas nag-focus ako sa CEO. "Ito po." Pinakita ko sa kan'ya ang plano namin. Agad naman niyang kinuha iyon at sinuri ng mabuti. Hindi ko maiwasan na hindi lumingon kay Sir Kendrix kaya dahan-dahan akong tumingin sa kan'ya at nakatingin lang siya papa niya na tinitingnan ang proposal namin. Nakacross legs pa rin siya at hinahawak-hawakan niya ang baba niya. Pogi talaga e. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kan'ya ay mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring nagmamasid lang sa loob. Mukha yatang halata? Narinig ko ang pag ngisi niya kaya napatingin ako sa kan'ya at nakita ko ang pag-iling niya habang nakatingin sa akin. "Hmmm.. I think this is better than last year, what do you think?" Tumingin siya kay Sir Kendrix. Agad naman kinuha iyon ni Sir Kendrix at siya naman ang sumuri. Sinusubukan kong tingnan ang reaksyon ang mukha niya. "Stella, I like the theme that you made this time! Last year was very beautiful but this time is better, you make it more lively so I think Kendrix will like it too," nakangiting wika sa akin ni Mr. Harrison habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng matamis. "Thank you so much po! Pinag-isipan po namin nila Ashley at Diana ang proposal po na iyan at para mas mapaganda pa po ang event natin this year." Ngumiti naman siya at tumango at saktong nagsalita na si Sir Kendrix sa nais niyang sabihin about sa proposal. "I don't like it," tipid niyang sabi sabay lapag sa lamesa ang folder na puti kung nasa'an ang proposal. "What do you mean? It's so beautiful," sabi ng CEO sa kan'ya habang nakakunot ang noo nito. "OA para sa akin," tipid niyang sagot muli. Pilit akong ngumiti. "Paano po naging OA 'yan sir? Paki point out naman po sa akin." "Lahat OA! Hindi ko 'yan gusto pero wala naman akong choice dahil ikaw naman dad ang magdedesisyon diyan," sambit nito sa seryoso at kalmadong tono. Napakagat ako sa lower lip ko sa sinabi niya. Paanong hindi niya nagustuhan eh ito na nga ang alam naming pinakamagandang theme na ginawa namin compare last year. "I don't understand why you don't like it, son but for me, I like it.. This proposal is approved!" nakangiti niyang sabi at tumingin sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kabila ng pagkainis ko sa anak niya. "Thank you so much po! Thank you for appreciating it." "We can have a night party tomorrow night," wika niya. "Po?!" "What?! Why so suddenly?" hindi makapaniwalang ni Sir Kendrix sa papa niya. "Excited na ako sa night party dahil alam kong madaming magaganap na kaaya-aya! Hindi naman imposible na i-prepare na ngayon total okay na ang lahat kaya bukas ng gabi na ang night party," masiglang sabi nito. "Pero dad..." "Shh!" Bigla itong tumayo sa kinauupuan niya. "Ako naman ang masusunod hindi ba? Huwag ka nang magreklamo diyan at pumunta ka na lang bukas," sabi niya habang naglalakad papunta sa kan'yang table. "Are you sure? But the proposal for the night party is not really good. Sobrang nakakahiya sa mga clients 'yan," walang preno niyang wika. Totoo ngang pasmado ang bibig nito. Sinamaan ko siya ng tingin sa sobrang inis ko.. kung hindi ko lang talaga 'to boss baka kinaladkad ko na ito at kiniskis ang bibig sa semento. "You two can go out of my office now," utos niya at hindi pinansin ang sinabi ni Sir Kendrix. "Opo," sambit ko. Huminga ng malalim si Sir Kendrix bago ko narinig ang paghakbang niya. Naglalakad na ako papunta sa pinto para makalabas na nang buksan ko ang pinto ay nakikiunahan pa siya sa akin pero hindi ako pumayag kaya para kaming sardinas na nagsisiksikan dito sa may palabas ng pinto. "What do you think you are doing?!" inis nitong tanong sa akin. "Lumalabas po," pilosopo kong sagot. "Pwede bang umatras ka muna at hayaan mong ako ang mauna." "Kailangan ko na rin pong maunang lumabas dahil may trabaho pa po ako," lakas loob kong sagot. Hindi na siya sumagot at pinipilit niya ang sarili niyang makalabas kaagad at gano'n din ang ginawa ko. Mukha na kaming ewan sa ginagawa namin ang taas ng pride naming parehas! "What are you doing?" nagtatakang tanong ng CEO sa amin. "Be gentleman, Kendrix! Paunahin mo ang babaeng makalakas bago ka." Hindi siya sumagot at tumingin lang siya sa akin. Muli niya akong binigyan ng nakakatakot na tingin bago siya umatras at hinayaan na akong makalabas. Mukhang tama nga na kailangan ko nang mag-ingat dahil iba na ang awra sa akin ng senior manager namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD