Chapter 11 Preparation

1136 Words
Mabilis ang t***k ng puso kong lumalayo sa opisina ng CEO. Mabilis ang lakad ko para lang makaalis na kaagad. Narinig ko na ang pagsara ng pinto at napapikit ako kasi alam kong nakalabas na rin si Sir Kendrix. Hindi ko mapigilan na hindi mapalingon kaya lumingon ako. Nakita kondiyang nakatayo pa rin sa may tapat ng opisina ng CEO habang nakapamulsa at nakatingin sa akin na walang emosyon. Sa takot ko ay iniwas ko na ang tingin ko at mas binilisan pa ang aking lakad. Hingal na hingal akong pumasok sa break room. Inayos ko na ang dapat ayusin. Kinausap ko na rin ang mag-aayos ng party at dahil this week na nga gaganapin iyon hindi na muna ako nagtrabaho sa front desk. Inasikaso ko na muna lahat lahat talagang naging busy ako. "You need help?" tanong sa akin ni Sean nang matapos siyang kumatok sa may pinto. Napatingin ako ako sa may pinto sabay ngiti. "No, it's okay I can handle it naman e tsaka mayamaya nandito na rin si Ashley." Naglakad siya habang nakamulsa ang dalawa niyang kamay. "Oh right! Siya nga pala ang tutulong sa'yo. How about Diana? Hindi ba kasama niyo rin siya sa pag-aayos?" "Yes, pero kailangan dalawa lang dahil need ng tao sa front desk so nagresinta naman si Ashley kaya siya na ang makakasama ko," sagot ko rito. "Oh okay. Gusto mo bang tawagin ko na si Ashley pwra matulungan ka na niya?" Sandali akong nag-isip at tiningnan ang mga kailangan ko pang asikasuhin. "Hmm, oh sige kung wala siyang masyadong ginagawa." "I'll call her right away kahit may ginagawa siya.. Excuse naman siya 'di ba? Since kayo nga ang in-assign sa night party," wika nito habang naglalakad palabas ng breaktime room. Pagkalabas niya ay muli akong nag-focus sa inaasikaso ko. Madami pa akong kailangan asikasuhin tulad ng pagtawag sa mag-aayos, pag-oorganize at madami pang iba kaya kailangan ko talaga ng makakasama. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto kaya naman agad akong napatingin doon. Bumungad sa akin si Ashley na nakangiti. "Tara, ayusin na natin 'to dahil dalawang araw na lang ay night party na natin." Mabilis siyang naglakad at umupo sa harap ko. "Ano na ba ang naayos mo? Ako na lang kakausap sa mag-aayos kung hindi mo pa nagagawa," wika niya. "Sige, ikaw na kumausap tapos ako na lang magda-drawing kung paano ang design para mas masundan nila ulitin ko," wika ko. "Bakit hindi mo na lang ipagawa kay Sean or kay Zack, kaya nilang i-drawing 'yan sa laptop." "Ano ka ba? Busy sila at saka kaya ko naman eh," pagtanggi ko. Nagkibitbalikat siya. "Sabagay. Oh siya, ibigay mo na sa akin 'yong page or number para makausap ko na." Kinuha ko ang contact card nila sa may folder at inabot ko sa kan'ya. "Ikaw nang bahala diyan ah." Tumango naman siya at saka niya kinalikot ang cellphone niya para makausap na nga niya. Nagsimula na rin akong mag-drawing ng maayos dahil iyon nga ang ibibigay ko. Kailangan ko matapos iyon ngayong hapon dahil bukas ipre-prepare na ang dapat ayusin dahil kinabukasan ay iyon na ang night party. Nag-double time talaga kami para maayos naman iyon ng mas maaga. Pagod man pero kailangan namin magmadali. Ang CEO kasi talaga ay mahilig sa pabiglaan pero hindi ko ine-expect na mas mapapaaga at iyon ay dahil sa anak niya na ang senior manager. Kung mahilig siya sa biglaan mas mahilig naman sa biglaan ang anak niya. MAKALIPAS ang ilang minutong pag-uusap ni Ashley at ng mag-aayos medyo nakahinga na kami ng maluwag dahil may natapos na kami. "Okay na?" tanong ko sa kan'ya pagkababa niya ng telepono. Tumango siya at ngumiti. "Yep, okay na! Finally may natapos na." Bigla siyang napahinto at tiningin ako na mas malapitan. "Teka nga, hindi ba ang night party ay gaganapin next week? Eh bakit biglang naging ngayong week tapos in two days?" nagtataka niyang tanong sa akin. Huminga ako ng malalim. "Kasi nga ganito, sa pag-uusap kasi namin kanina sa opisina ni Mr. Harrison, sinabi niya na balak na niyang ganapin ang night party ngayong week pero wala pang exact date tapos alam mo ba biglang sumingit ang anak niyang mokong," wika ko sa inis. "Do you mean Sir Kendrix?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Sino pa nga ba? Eh siya lang naman ang anak niyang nandito ngayon kasama niya sa company nila." "Lower your voice! Mamaya may makarinig sa'yo at isumbong ka, alam mo naman kung paano magalit si Sir Kendrix," wika nito habang tumitingin as kan'yang paligid. "Wala naman tao ah, tayo lang naman," sagot ko. "Malay ba nating may nakikinig pala sa labas." "At ano naman ang purpose nila sa pakikinig sa atin?" nagtataka kong tanong. Inayos niya ang upo niya. "Alam mo ba, mas naging matunog ang pangalan mo sa mga kasamahan nating empleyado dito dahil sa nangyari kaninang umaga." "H-huh? Kanilang umaga? Anong nangyari ba kaninang umaga?" Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Wala akong maisip na ginawa ko kaninang umaga o ano man ang nangyari kaninang umaga. "Pinagsasabi mo? Bigla ka bang nagka-amnesia?" Bigyan niya ako ng matalim na tingin. "Hindi ko nga alam." Binalik ko rin sa kan'ya ang matalim niyang pagtingin sa akin. Kinagulat ko nang tapikin niya ang noo ko kaya mabilis kong hinawakan ang noo ko habang nakabuka ng kaonti ang bibig ko at gulat na nakatingin sa kan'ya. "Alam mo ikaw baliw ka! Iyon ang malaking kahihiyan na naranasan mo dito at iyon pa lang ang eksena na naging sangkot ka," sambit niya. Sa pag-iisip ko ay biglang nanlaki ang mga mata ko dahil naalala ko na nga ang sinasabi niya. "Gosh!" "Oh? Naalala mo na? Anong nangyari sa'yo at nakalimutan mo?" "Siguro sa sobrang busy ko hindi ko na talaga iniintinfdi iyon! Pero ano ba? Usap-usapan na ba ako?" curious kong tanong. "Honestly, yes!" "Paano?" Halata ang pagkainteresado ko. Malamang dahil ako ang usapan eh kaya kailangan ko talagang malaman. "Sabihin mo muna sa akin ang rason kung bakit biglang in two days na agad ang night party." "Kasi nga sinabi ni Sir Kendrix kay Mr. Harrison na ganapin na lang kapag ang night party in two days para mas maagang matapos dahil nga next week mas madaming guests ang inaasahan kaya mas okay na raw na ganapin ng mas maaga.. pero alam ko naman na sadya niya 'yon dahil alam niyang ako ang mag-aasikaso at para pahirapan ako. He even suggested it to his father at agad naman um-agree si Mr. Harrison. Kaya tingnan mo ngayon, nagru-rush tayo! Nangigigil ako doon eh! Kumukulo talaga dugo ko sa kan'ya. Kainis!" Kumunot ang noo ko habang iniisip ang pangyayaring iyon. Alam kong ramdam ni Ashley ang galit at inis ko sa senior manager namin. Hindi ko nga akalain na ganito ang mararamdaman ko sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD