"Wala rin naman tayonv choice kundi sundin anv utos nila lalo na ang utos ni Sir Kendrix, pero at least 'di ba? Naranasan mo 'yong galit at inis niya," natatawa niyang wika.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "So ano na nga? Pinag-uusapan na ba ako?"
Tumango-tango siya habang nakapikit. "Oo, simula nong pagpasok ko dito sa hotel naririnig ko na pangalan mo mula sa mga kasamahang empleyado natin."
"Anong sinasabi nila?" curious kong tanong sa kan'ya.
"Ang naririnig ko, ang sabi nila ikaw na ang next target ni Sir Kendrix kaya need mo raw mag-ingat.. naalala mo ba si Madison? Hindi ba naging target siya ni Sir Kendrix dahil natapunan niya ito ng malamig na pineapple juice tapos doon na nag-start 'yong galit niya sa kan'ya," wika nito.
"Hindi ba siya iyong nag-resign dahil hindi niya nakaya 'yong inis at galit ni Sir Kendrix?" tanong ko.
"Yes, siya nga kaya ikaw kailangan mo talagang mag-ingat," paalala niya.
"Don't worry, I can handle." Ngumiti ako ng matamis kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan nga rin ako.
"I know you! Alam kong nanginginig na ang mga tuhod mo diyan," pang-aasar niya. "Basta gawin mo na lang 'yong best mo para ipakita sa kan'ya at mabago ang pananaw niya sa'yo."
Tumango ako. "Oo, susubukan ko.. pero, narinig mo rin bang pinag-uusapan 'yong red lingerie?"
"Oo naman ano! Akala nga nila ay kay Sir Kendrix iyon at pinagtritripan ka niya gamit iyon na akala nila ay utos niya 'yon na sundan siya at at ipadampot sa'yo iyong red lingerie. Buti nga kamo iyon ang inaakala nila at hindi nila naisip na sa'yo iyon at least nakaligtas ka," natatawa niyang wika.
"Bakit ba panay tawa ka diyan?" inis kong tanong sa kan'ya.
Mas lumakas ang tawa niya. "Bakit ba? Natatawa ako e. Never ko talagang inaasahan na ganito ang sasapitin mo sa kan'ya."
"Maybe after ng night party, baka hindi na ako i-target no'n lalo na kapag naipakita kong maganda ang magiging kalalabasan ng party," nakangiti kong sambit.
"Iyon nga ang sinasabi ko para makalimutan niya iyong ginawa mo."
Natigil ang usapan namin nang tumawag ang mag-aayos ng night party sa susunod na gabi. Agad na sinagot iyon ni Ashley kaya naman nag-focus na lang din muna ako ginagawa ko.
MAKALIPAS ang apat na oras, after lunch na nang matapos kami. Lahat ay settled na ang hihintayin na lang ay ang gabi na kung kailan gaganapin ang night party pero hindi pa regular ang work ko bukas dahil kailangan ko pang i-check ang mga gagamitin pero ngayong araw ay okay na.
"Ano? Kain na ba tayo? Nagugutom na rin ako eh. Grabe sobrang nakakapagod," sabi ni Ashley sabay hinga ng malalim.
"Tara, gutom na rin ako."
Pagkakuha ko ng bag ko, narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya ang inaakala ko ay lalabas na kaagad si Ashley kaya agad ko itong nilingon pero nakatayo lang siya sa may gilid at nakatingin din sa may pinto na akala mo ay nanigas habang pinipigilan na ngumiti kaya naman tumingin na rin ako sa direksyon ng pinto.
Ano bang meron?
Pagtingin ko ay bumungad sa akin ang CEO na ang dalawang kamay niya ay nasa likod niya at dahan-dahang naglalakad papasok habang nakangiti.
"Good afternoon, sir!" masaya naming bati ni Ashley.
"Good afternoon! Okay na ba ang lahat?" tanong nito.
"Yes sir, okay na po ang lahat," nakangiti kong sagot.
Napatingin ako sa likod niya nang biglang sumingit si Sir Kendrix. Tiningnan ako nito na walang emotion at dahilan na naman iyon para kabahan ako.
"Can I see the final design?" sabi sa akin ni CEO.
Nakangiti kong inabot sa kan'ya ang malinis na folder at agad naman niyang tiningnan iyon at pagkatapos ay inabot niya kay Sir Kendrix para siya naman ang tumingin.
"Well, I already expected it na talagang maganda ang magiging ayos ng night party. Mahalaga iyon sa atin kaya need talaga natin ayusin at hindi niyo naman ako binigo," nakangiti niyang wika.
"Yes sir! Gagawin po namin lahat para maging maganda po ang night party natin," nakangiti kong sambit.
"Pakitang tao," rinig kong wika ni Sir Kendrix.
Tumingin ako sa kan'ya at tumingin din siya sa akin. Tinaas niya ang dalawa niyang kilay habang nakatingin siya sa akin dahan-dahan na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Mukhang hindi naman iyon narinig ni Mr. Harrison at ni Ashley dahil ngayon ay nag-uusap na sila tungkol sa pakikipag-usap ni Ashley sa organizers. Para kaming pusa na ready na makipagkarmutan sa isa't isa. Ang akala ko ay magiging okay na ako pero naiinis na ako lalo sa kan'ya.
"Okay, everything is good so I will really expect," sabi ng CEO. "See you around."
"Thank you, sir," sabay naming sabi ni Ashley.
Tuluyan na nga siyang naglakad palabas ng breaktime room at gano'n na rin si Sir Kendrix. Nagtinginan kami ni Ashley at bigla niya akong nilapitan at kumapit sa braso ko at tumalon talon.
"OMG! Napakapogi talaga niya! Halos hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil baka matunaw ako," kinikilig niyang sambit.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ka nga! Pogi nga pangit naman ugali wala rin."
"Ah basta! Ang cool kaya niya kahit gaano pa kasama ugali niya binabawi naman niya sa mukha," nakangiti niyang sabi habang nakatingala. "Medyo matagal ko siyang nakita ngayon. I'm so happy!"
Dinabog ko ang kamay ko kung saan siya nakakapit para mabitawan niya iyon. "Alam mo, ewan ko sa'yo! Tara na nga at kumain na tayo."
"Ito naman bitter kay Sir Kendrix!"
"Che!"
Tuluyan na nga kaming lumabas ng breaktime room. Pagkalabas na pagkalabas namin nakasalubong namin si Lilia na papalapit sa amin.
"Stella, pakitulungan naman akong dahilan kay Miss Cris 'yong mga papers na need para bukas," paghingi na tulong nito sa akin.
"Papers? Iyon ba 'yong pinatago mo sa akin sa storage room last week?" pagkukumpirma ko.
Tumango siya. "Oo, hindi ko rin kasi alam kung saan mo nilagay kaya sa'yo na lang ako papatulong. Okay lang ba? May gagawin ka ba?"
"Kakain na sana kami ng lunch pero sige kunin ko na muna tapos bigay ko na lang sa table mo," sambit ko.
"Sige salamat ah! Nagmamadali rin kasi ako may kailangan pa akong asikasuhin." Hinawakan niya ang balikat ko habang nakangiti ng matamis sabay lakad nito papalayo sa amin.
"Bakit kasi hindi mo sinabi or tinuro sa kan'ya kung saan mo nilagay edi sana hindi ka naabala ngayon," inis na sabi ni Ashley.
"Sobrang busy kaya hindi na rin naisip," sagot ko. "Mauna ka na sa cafeteria. Susunod na lang ako sandali lang naman iyon."
"Oh sige gutom na gutom na ako eh, bilihan na rin ba kita?"
Tumango ako. "Oo."
"Sige."
Nauna na nga siyang naglakad habang ako ay sumusunod sa kan'ya. Nag-iba na rin kami ng direksyon nang lumiko ako para pumunta na sa storage room. Kinuha ko ang cellphone ko para malaman ko kung saan ko banda nilagay iyon. Bago kasi ako umalis noon ay pinicturan ko na muna para hindi ako malito just in case na ako ang kukuha at tama nga.
Habang naglalakad ako, nagulat na lamang ako bumangga ako sa isang tao sa harap ko. Ang tigas na akala mo ay pader ang nabangga ko.
"Ouch..." daing ko sabay hawak sa noo ko habang nakapikit.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaki na matangkad na nakatalikod sa akin at nakahinto nakasuit siya ng black suit alam ko na kaagad kung sino ito. Sino pa ba? Edi si Sir Kendrix! Yari na naman ako nito!