Jassie POV Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik ang buong bahay. Tanging mahinang liwanag ng umaga ang pumapasok sa bintana ng kwarto. Sandali akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Naalala ko ang usapan namin ni Keano kagabi. Kung paano niya ipinaliwanag ang tungkol sa project… at kung bakit niya kami binara sa meeting. Hindi ko inakala na may ganoon palang dahilan. Maybe… hindi pala siya ganoon kasama. Napabuntong-hininga ako at bumangon. Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko agad ang nilulutong pagkain. Napakunot ang noo ko. May gising na? Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. At doon ako napahinto sa pintuan. Si Keano. Nakatayo siya sa harap ng stove habang nagluluto ng itlog. Naka plain na t-shirt at jogger lang siya. Medyo basa pa ang buhok niya, halatang

