bc

Sa Pangarap Kita Mamahalin

book_age18+
75
FOLLOW
1K
READ
dark
contract marriage
family
HE
opposites attract
arranged marriage
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
campus
office/work place
enimies to lovers
secrets
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isang kasal na hindi dapat nangyari.

Isang pangarap na hindi dapat inangkin.

Si Jassie, isang simpleng estudyante na may malaking pangarap sa buhay. Ang tanging hangarin niya ay makapagtapos at iahon ang pamilya sa kahirapan. Ngunit isang desisyon ang magpapabago sa lahat, ang pagpapakasal kay Keano Ishikawa, ang lalaking matagal na niyang hinangaan mula sa malayo.

Si Keano, makapangyarihan, malamig, at hindi marunong magmahal. Para sa kanya, ang kasal ay isang kasunduan. Isang obligasyon. Isang paraan para protektahan ang reputasyon at ang mundo na kanyang ginagalawan.

“Don’t fall in love with me,” babala niya.

“I will give you everything—money, power, marriage… but not love.”

Isang taong kontrata.

Isang relasyong walang damdamin.

Isang pusong tahimik na umaasa.

Habang si Keano ay may girlfriend sa labas ng kanilang kasal, si Jassie naman ay pilit tinatanggap ang papel na “asawa sa papel.” Ngunit paano kung unti-unting magbago ang lahat? Paano kung ang lalaking naniniwalang hindi siya marunong magmahal ay magsimulang magselos? At paano kung ang babaeng nangakong hindi mangangarap ay mapagod na?

Sa mundong puno ng kapangyarihan, reputasyon, at mga lihim,

Sino ang unang susuko?

At kapag dumating ang araw na kaya nang lumaya ni Jassie…

Hahayaan ba siya ni Keano?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Jassie POV Nagising ako dahil sa matinis na sigaw ng isang babae kasabay ng biglang pagbukas ng ilaw sa silid. “What is going on here?!” galit na sigaw ng isang pamilyar na boses. Napakurap ako, naninibago sa liwanag. Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin ang nag-aapoy na mukha ni Mrs. Ishikawa. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. Sa likod niya ay si Mr. Ishikawa, halatang gulat at hindi makapaniwala. Napaupo ako agad at doon ko lang napansin ang lalaking katabi ko. Oh my gosh… Si Keano Ishikawa. Ang ultimate crush ko simula pa yata noong nagsimula ang mundo. Namilog ang mga mata ko. Paano kami nagkatabi sa iisang kama? Bakit wala akong maalala? Mabilis kong sinuri ang sarili ko. Wala namang masakit. Maayos pa ang suot kong damit. Huminga ako nang kaunti, pero nang mapatingin ako kay Keano, halos tumigil ulit ang mundo ko. Nakahubad siya ng pang-itaas at boxer shorts lang ang suot. Tumingin siya sa akin, malamig ang mga mata. “Excuse me, walang nangyari sa atin, okay?” aniya, may halong pagmamataas ang tono. “Do you really think papatol ako sa isang katulad mo?” Parang may matulis na bagay na tumarak sa dibdib ko. Pero hindi ako nagpahalata. “Excuse me rin,” sagot ko, pilit pinatatag ang boses ko. “Hindi ako gano’ng klase ng babae. Chine-check ko lang ang sarili ko. Baka ikaw ang may ginawa at hindi mo maalala.” Napangisi siya. “You’re crazy to even think that.” Umiling siya, tila nandidiri. “Enough!” Umalingawngaw ang malalim na boses ni Mr. Ishikawa sa buong kwarto. “Pareho kayong mag-ayos. Pumunta kayo sa opisina ko. Right now.” Ang galit sa kanyang boses ay hindi na kailangang ipaliwanag. Nagkatinginan kami ni Keano, parehong may tanong sa isip. Ano ba talaga ang nangyari kagabi? Nang kami na lang dalawa ang naiwan sa silid, hindi pa rin nawala ang masamang tingin niya sa akin. “This is my room, Jassie. Why are you here?” malamig at puno ng galit ang tono niya. Napalingon ako sa paligid. Modern, minimalist, kulay abo at itim—oo nga, kuwarto nga niya ito. Pero paano ako napunta rito? Wala talaga akong maalala. Ang huli kong alaala ay ang birthday party ng Daddy niya… at ang pag-inom ko ng wine. “Nilunok mo na ba ang dila mo? That’s why you’re not talking?” dagdag pa niya habang walang pakialam na nagbibihis. Napatingin ako sa kanya, at agad ding napaiwas. Grabe naman kasi ang katawan. Parang hinulma ng mga diyos ng Olympus. Konti na lang, puwede na siyang gawing endorsement ng gym. Napalunok ako nang hindi ko namamalayan. Hoy, Jassie. Control. “Hey.” Bigla siyang nagsalita kaya napatingin ulit ako. “What are you thinking? Don’t tell me iniisip mo na binigay ko ang fantasy mo. In your dreams.” May diin ang bawat salita. May halong inis at pagmamataas. Parang gusto kong batuhin siya ng unan. Pero bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at lumabas ng kuwarto, iniwan akong mag-isa. Napasandal ako sa kama. Lokong ’yon. Ang sakit magsalita. Oo, crush ko siya. Matagal na. Pero hindi ako ilusyonada. Alam ko ang limitasyon ko. Alam ko kung nasaan ako sa mundo niya. Para lang siyang artista, pwede mong hangaan, pwede mong titigan, pero alam mong hindi ka mapapansin. Kaya hindi ako dapat masaktan. Hindi ako dapat umasa. Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili ko bago sumunod palabas ng silid niya. Kung ano man ang nangyari kagabi, malalaman ko rin ang totoo. At kapag nalaman ko… Sana handa siya. Nasa opisina na kami, tahimik ngunit mabigat ang hangin. Kaharap namin ang mga magulang ni Keano. Nakatayo ako sa gilid niya, pero pakiramdam ko ay mag-isa lang ako sa laban na ’to. “Dahil sa nangyari,” seryosong panimula ni Mr. Ishikawa, “we decided na ipakasal namin kayo. Civil muna, sa huwes. After one year, saka sa simbahan.” Parang may sumabog sa utak ko. Nanlaki ang mga mata ko. Parang nawala ang hangin sa baga ko. “A—ayoko!” napabulalas ako bago ko pa mapigilan ang sarili ko. “Magpapakasal? Sir, may mga pangarap pa po ako. Hindi puwedeng ganito na lang!” Tumayo ako nang bahagya, nanginginig ang mga kamay ko. “Sir,” mariin kong dagdag, “wala pong nangyari sa amin ni Keano. Totoo po ’yon.” Bumaling ako sa kanya, desperado. “Di ba, Keano? Sabihin mo.” Sandaling tumahimik ang lahat. Tumingin siya sa akin—walang emosyon. Walang pagtatanggol. Pagkatapos… nagkibit-balikat lang siya. “Hindi ko rin alam,” malamig niyang sagot. “Wala akong maalala.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Doon ko nakita ang tinginan ng mga magulang niya, mas lalong tumibay ang desisyon nila. “See?” sabi ni Mrs. Ishikawa, may halong diin. “Hindi malinaw ang nangyari. At bilang babae, ikaw ang mas maaapektuhan. We won’t allow any scandal.” “Exactly,” dagdag ng Daddy niya. “Mas mabuti nang ayusin ito nang tama.” Mas mabuti para kanino? Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero wala akong magawa kundi tumayo roon, habang ang buhay ko ay unti-unting binabago ng desisyong hindi ko naman pinili. At ang mas masakit, Ang lalaking pinapangarap ko… siya pa ang unang nagbitaw ng kamay ko. Jassie POV Pagkalabas namin ng office, hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Anong problema mo?!” habol ko sa kanya sa hallway. “Bakit nagkibit-balikat ka lang doon? Alam mo namang walang nangyari sa atin!” Huminto siya sa paglalakad pero hindi agad lumingon. “Stop overreacting, Jassie,” malamig niyang sagot. “Overreacting?!” Napatawa ako nang walang humor. “Keano, ikakasal tayo dahil sa ‘hindi mo alam’?!” Doon lang siya humarap sa akin. Matigas ang panga niya. “I said I don’t remember. I won’t lie just to save you.” “Save me?” nanlaki ang mga mata ko. “Sarili mo ang sinasave mo!” Nag-igting ang panga niya. Isang hakbang ang inilapit niya sa akin. “Do you think I want this?” mariin niyang bulong. “Do you think I would marry someone like you kung may choice ako?” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. “Someone like me?” ulit ko, mas mahina na ang boses. “Yes.” Diretso ang tingin niya. “You’re not even my type.” Tumahimik ako sandali. Masakit. Pero sanay na ako. “Don’t worry,” pilit kong pinatatag ang boses ko. “Hindi rin ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay.” Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Isang segundo lang. Parang hindi niya inaasahan ang sagot ko. Lumapit pa siya, halos ilang pulgada na lang ang pagitan namin. “Then prove it,” hamon niya. “Call off the wedding. Sabihin mo sa parents ko na ayaw mo.” Napatawa ako nang mapait. “Akala mo ba ganun kadali? Pamilya mo ’to, Keano. Pangalan niyo ang nakataya. Hindi ako kasing-privileged mo para basta na lang tumanggi.” Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng mga mata niya. “So what? Tatanggapin mo na lang? You’ll marry me kahit alam mong ayoko?” Huminga ako nang malalim. “Hindi dahil gusto kita,” diretso kong sagot. “Kundi dahil ayokong masira ang pangalan ko sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.” Tumitig siya sa akin. Tahimik. Mabigat. Sa unang pagkakataon, hindi galit ang nakita ko sa mga mata niya. Kundi… pagkalito. “At kung sakaling may nangyari?” bigla niyang tanong, mababa ang boses. Napalunok ako. “Then we find out the truth,” sagot ko. “Because I know myself. At alam kong hindi ako gano’n.” Saglit kaming nagkatitigan. Isang sapilitang kasal. Isang gabing walang alaala. At isang lalaking matagal ko nang mahal… na ngayon, kailangan kong kalimutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook