Jassie POV
Nakaimpake na ako. Handa na para sa flight papuntang Davao. Maaga akong aalis para siguradong hindi malate. Napag-usapan naman namin ng team na magkikita na lang kami sa airport.
Wala na si Keano. Maaga raw itong umalis.
Siguro ayaw na niyang magkabanggaan na naman kami.
Okay fine.
Habang tumatagal, mas lalo akong nakukunsume sa lalaking iyon. Ang hirap niyang intindihin… parang mas mahirap pa i-spell ang pangalan niya kaysa sa thesis ko noon.
Lumabas na ako ng gate ng bahay para mag-book sana ng Grab nang may biglang humintong sasakyan sa harap ko.
Bumaba ang bintana.
“Morning, Jas.”
Nagulat ako. Si Sir Alvin.
Ngumiti siya. “Tara, sabay na tayo. Papunta rin naman ako sa airport.”
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa tabi ng driver’s seat.
Saglit akong nag-alangan.
“Sir, okay lang po. Mag-Grab na lang ako—”
“Come on,” natatawa niyang sabi. “Team tayo sa trip na ’to. Sayang naman kung magkaiba pa tayo ng sasakyan.”
Napakamot ako sa ulo.
Kung nandito si Keano… siguradong kung ano na naman ang sasabihin nun.
Pero wala naman siya.
Saka… trabaho naman ’to.
“Sige po,” sabi ko sa wakas.
Sumakay ako sa sasakyan niya.
“Seatbelt,” paalala niya habang paandar na kami.
“Thank you po sa sundo, Sir.”
“No need for the ‘Sir’ kapag wala tayo sa office,” biro niya. “Alvin na lang.”
Napangiti ako nang bahagya. “Sige po—ay… Alvin.”
Natawa siya.
Tahimik ang biyahe sa unang mga minuto. Nakikinig lang kami sa mahinang music sa radyo.
“Excited ka ba sa Davao?” tanong niya.
“Opo. First time ko po kasi pupunta doon for work.”
“Good,” sabi niya. “Kailangan natin ng confidence sa meeting kay Mr. Perez. Pero sa tingin ko kaya mo ’yon.”
Napalingon ako sa kanya. “Ako po talaga ang pinapaharap niyo?”
“You’re the one who prepared the proposal. Ikaw ang pinaka-nakakaintindi sa project.”
Napalunok ako.
Ang weird.
Sa office, may mga taong naniniwala sa kakayahan ko.
Pero si Keano…
Bigla ko siyang naisip.
At parang may kutob ako na hindi magiging simple ang trip na ’to.
Pagdating namin sa airport, nandoon na ang ilan sa team.
“Uy, sabay kayo!” tuksong sabi ni Abby.
Ngumisi si Alvin. “Nadaanan ko lang si Jas.”
“Wow ha, special service,” biro ni Sharon.
“Hoy, tigilan niyo nga ako,” sabi ko habang nangingiti.
Pero habang naglalakad kami papasok sa terminal…
bigla kong naramdaman na parang may nakatingin.
Malakas.
Matalim.
Dahan-dahan akong lumingon.
At doon ko siya nakita.
Nakatayo si Keano sa kabilang side ng departure area.
Nakatitig sa amin.
Partikular,
sa akin.
At sa katabi kong si Alvin.
Hindi ko maintindihan ang expression niya.
Hindi galit.
Hindi rin malamig.
Mas delikado.
Parang may iniisip siyang hindi ko magugustuhan.
Napabuntong-hininga ako sa isip ko.
Ay naku…
Bakit pakiramdam ko hindi magiging tahimik ang biyahe na ’to?
Jassie POV
Nagulat kaming lahat nang makita namin kung sino ang papalapit.
Si Keano.
Kasama pa ang dalawang secretary niya—si Sir Jason at Ma’am Ruth.
Halos sabay-sabay kaming nagkatinginan ng team ko.
Napakunot ang noo ni Abby. Si Sharon naman ay napabulong, “Bakit nandito si Boss?”
Hindi rin ako makapaniwala.
Akala ko maaga siyang umalis para iwasan ako.
Pero bakit… nandito siya?
Huminto siya sa harap namin. Diretsong nakatingin sa grupo, pero ramdam kong sa akin tumatama ang mga mata niya paminsan-minsan.
“Good morning, Sir,” bati ni Alvin nang propesyonal.
Tumango lang si Keano.
“Sasama ako sa flight,” malamig niyang sabi.
Mas lalo kaming nagkatinginan.
“May iba kaming pakay sa Davao.”
Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.
“Business.”
Pagkatapos ay idinagdag niya na parang walang pakialam.
“Hindi ito tungkol sa project niyo kay Mr. Perez. I don't care about that.”
Halos mapairap ako sa sinabi niya.
Talaga?
Hindi ka concerned pero sumama ka sa flight?
Napansin ko rin na panay ang sulyap niya kay Alvin.
Parang sinusukat.
Tahimik lang si Alvin pero sumagot pa rin nang maayos.
“Understood, Sir. Coincidence lang pala na same flight tayo.”
“Coincidence,” ulit ni Keano.
Pero ang tono niya parang hindi naniniwala sa salitang iyon.
Bigla siyang tumingin sa akin.
“Jassie.”
Napatuwid ako. “Yes, Sir?”
“Ready ka na ba sa presentation mo?”
“Opo.”
“Good.”
Lumapit siya ng kaunti, sapat lang para ako lang ang makarinig.
“Make sure you focus on the project.”
Naramdaman ko ang bahagyang diin sa boses niya.
“Not on anything else.”
Napairap ako.
“Professional naman ako, Sir,” sagot ko pabulong din.
Saglit siyang natahimik.
Pagkatapos ay ngumisi nang bahagya.
“Good.”
Pagkatapos ay tumalikod na siya at kinausap ang dalawang secretary niya.
Habang naglalakad siya palayo, napansin kong nakatingin sa akin si Abby.
“Girl…” bulong niya.
“Ano?”
“Parang may tension kayo ni Boss ah.”
Napailing ako.
“Imagination mo lang ’yon.”
Pero sa totoo lang,
kahit ako nararamdaman ko.
At mas lalo itong lumalala.
Dahil sa unang pagkakataon…
tatlong araw kaming magkakasama ni Keano sa iisang lugar.
Malayo sa Maynila.
Malayo sa lahat.
At hindi ko alam kung alin ang mas delikado,
ang project kay Mr. Perez…
o ang lalaking iyon na parang mas lalo akong pinapahirapan intindihin.