Chapter 24

1129 Words
Jassie POV Nagising ako na parang may mabigat na nakapulupot sa akin. Mainit. Mabigat. At… may braso sa bewang ko. Dahan-dahan akong dumilat. Paglingon ko, Si Keano. Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy!” mabilis ko siyang tinulak. “Ikaw ha! Bakit ka dito natulog?!” Napabitaw siya agad, muntik pang mahulog sa kama. “Ano ba—” pupungas-pungas niyang sagot, halatang bagong gising. Bigla rin siyang napatingin sa paligid. Tahimik ang kuwarto. At doon ko napansin, Nasa higaan ko pala siya. Yung kama sa loob ng walking closet area niya. Nasa lapag ang extra comforter, at andoon ang laptop ko sa side table, maayos na nakasara. Napakunot ang noo ko. “Sandali…” bulong ko. Napatingin siya sa akin, magulo ang buhok, medyo gusot ang shirt. “Nakatulog ako dito,” sagot niya, bahagyang paos ang boses. “Pinilit kong tapusin ’yang trabaho mo kagabi. Dito na pala ako nakatulog.” “Ha?!” mas lalo akong napaupo. “Eh bakit ka katabi ko?!” Napakamot siya sa batok. “Hindi ko alam.” “Hindi mo alam?” inulit ko, nakataas ang kilay. “Natulog lang ako saglit. Nakahawak ka sa kamay ko. Hindi ko na namalayan…” Namula ang pisngi ko. “H-hindi ako hahawak sayo!” “Talaga?” napatingin siya sa kamay ko, nakapulupot pa pala ang daliri ko sa manggas niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko. “Reflex lang ’yon!” “Sure ka?” may bahagyang ngiti sa labi niya. “Bakit parang kasalanan ko pa?” iritadong sabi ko, pero ramdam kong umiinit ang mukha ko. Tumayo siya at inayos ang buhok. “Relax. Wala namang nangyari.” “Aba’t dapat lang!” Saglit kaming nagkatinginan. Ewan ko ba kung bakit parang may kakaibang tensyon sa hangin. Hindi awkward… pero hindi rin normal. Napatingin ako sa laptop ko. “Ikaw ba nag-ayos nito?” “Baka,” sagot niya, kunwari walang pakialam. Napatingin ako sa kanya nang mas mabuti. “Binasa mo?” “Office lang. Hindi ko ginalaw thesis mo,” mabilis niyang sagot. Huminga ako nang maluwag. “By the way,” dagdag niya, kaswal ang tono, “magaling ka pala.” Natigilan ako. “Ha?” “Yung reports mo. Professional. Mas pulido pa sa ibang staff ko.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi siya madalas magbigay ng compliment. “Basic lang ’yon,” kunwari dedma kong sagot, pero hindi ko mapigilan ang bahagyang pagngiti. Lumapit siya sa pinto. “Maghanda ka na. Ihahatid kita sa school.” “Ano? Hindi ko kailangan—” “Hindi ako nagtatanong,” putol niya, pero hindi mataray ang tono. “May defense ka diba? Ayokong antukin ka sa biyahe.” Natigilan ako. Si Keano ba ’to? “Salamat,” mahina kong sabi. Hindi siya lumingon, pero nakita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. At habang inaayos ko ang sarili ko, hindi ko maiwasang isipin— Bakit parang mas lumalapit kami kaysa dati? At bakit… hindi na ako sigurado kung gusto ko pa bang panatilihin ang distansya? “Siyempre gusto ko mataas ang grade ng asawa ko sa thesis niya,” sabi ni Keano habang nakasandal sa pinto, may nakakalokong ngisi sa labi. “Kapag naging Summa c*m Laude ka, papakasalan kita sa simbahan.” Natigilan ako sandali. “Hindi bale na,” pagtatataray ko agad, sabay kuha ng bag ko. “Okay na ’ko sa civil wedding. Dahil soon mag didivorce din tayo. " Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Hindi ba isa ’yon sa pangarap mo?” pang-aasar niyang dagdag. “Yung naka-white gown ka, tapos ako naka-barong, tapos iyakan sa altar?” “Abat ewan ko sa’yo!” sagot ko sabay tayo. “Ikaw yata may pangarap niyan, hindi ako.” Lumapit siya, masyadong malapit. “Sigurado ka?” bulong niya, nakayuko nang bahagya para pantay ang tingin namin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. “Keano, male-late na ako,” kunwari kalmado kong sabi. “Hindi mo sinagot,” giit niya. “Wala akong kailangang sagutin,” depensa ko. Ngumisi siya. “So hindi mo pangarap pakasalan ako sa simbahan?” Napasinghap ako. “Grabe ka, ang kapal mo!” “Totoo naman,” sagot niya. “Hindi naman ako pangit. Mayaman pa.” “Mayabang!” tinulak ko siya nang bahagya. Tumawa siya, pero bago siya umatras, seryoso ang naging tingin niya sa akin. “Pero seryoso,” sabi niya, mas mababa ang boses. “Kaya mo ’yan. Mataas magiging grade mo.” Sandaling nawala ang asaran. “Salamat,” mahina kong sagot. Bigla ulit siyang ngumisi. “Kasi pag hindi ka naging Summa, hanggang reception hall lang tayo. Walang simbahan.” “Keano!” Tumawa siya at binuksan ang pinto. “Tara na. Ihahatid na kita, future Summa c*m Laude.” Napailing ako habang naglalakad palabas. Ang kapal talaga ng mukha niya. Pero habang magkatabi kaming naglalakad papunta sa sasakyan, hindi ko mapigilang isipin, Kung sakaling mangyari nga ’yon… Handa ba talaga akong marinig siyang magsabi ng “I do” sa harap ng altar? At bakit parang hindi na ako natatakot sa ideyang ’yon? Jassie POV Hinahatid na ako ni Keano sa school. Tahimik lang kami sa biyahe, pero ramdam ko ang kaba ko, defense day na. Pagdating sa gate, pinatay niya ang makina. “Good luck sa defense mo,” sabi niya, nakatingin diretso sa akin. “Ayos lang ’to,” kunwari kampante kong sagot kahit parang lalabas na ang puso ko sa dibdib. Bigla siyang lumapit. At bago pa ako makapag-isip, Smack. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nanigas ako. Parang natuklaw ng ahas. Hindi ako nakapag-react. Natulala lang ako habang nakatingin sa kanya. “Bakit ngayon ka lang ba nahalikan ng lalaki?” nakangisi niyang tanong. “Ha?” namumula kong sagot, sabay hawak sa pisngi ko na parang may marka pa ng halik niya. Tumawa siya sa reaksyon ko. “Isipin mo na lang, halik lang ’yon ng kuya.” Kuya. Parang may kung anong bumagsak sa loob ko. Kuya? Biglang nawala ’yung kakaibang kilig na saglit kong naramdaman. Parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa ulo ko. Ah. Ganun pala. Tingin niya sa akin… bata. “Kuya na manyakis,” inis kong bulong sabay bukas ng pinto. “Ano ’yon?” tanong niya. “Wala!” sagot ko, masama ang tingin. Bumaba ako ng sasakyan, dere-deretso sa paglakad papasok ng campus. Hindi ko na siya nilingon. Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko siyang sumigaw— “Uy! Future Summa! Tawagan mo ’ko pagkatapos!” Hindi ko siya pinansin. Pero habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hawakan ulit ang pisngi ko. Kuya lang ba talaga ’yon? Kung kuya lang… bakit parang hanggang ngayon mainit pa rin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD