Keano POV “Sir, may nakita po sa CCTV, sa may circuits. Kahina-hinala.” Napahigpit ang hawak ko sa mouse habang pinapanood ang monitor. Isang taong naka-jacket, may hood, at naka-mask. Halos hindi makita ang mukha. “Call security. Now.” Hindi na ako naghintay. Tumakbo ako palabas ng office, adrenaline agad ang sumipa sa sistema ko. Hacker. At kapag nalaman ko kung sino siya, hindi ko siya patatawarin. Nagkagulo ang buong opisina. Sigawan. Takbuhan. Pero wala akong pakialam. Isa ako sa Seven Pillars. Tinuruan kami ni Rafael El Viejo—hindi lang utak ang ginagamit, pati katawan. Hindi ako basta-basta matatalo. Mabilis akong kumilos. Mas mabilis pa sa mga security na kasama ko. Nakita ko siya—yung naka-hood. “Stop!” Pero lalo lang siyang bumilis. Malapit ko na siyang maabutan nang

