Jassie POV Natigil ang pagtatalo namin ni Keano nang biglang bumukas ang pinto ng office niya. Humahangos si Ma’am Ruth. “Sir Keano!” Napalingon kami pareho. “Someone corrupted our files. Proposal pa naman iyon para sa prospect client natin… at may iba pang files na nakuha.” Nanlaki ang mata ni Keano. “What?!” Parang agad nawala ang galit niya sa akin. Sa isang iglap naging seryoso ang mukha niya. “Paano nangyari iyon?” matigas niyang tanong. “Sir, biglang nag-error ang system. Nawawala na rin ang ibang documents sa server.” Agad siyang tumayo mula sa harap ko. “Let’s go.” Mabilis siyang lumabas ng office. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Pagdating namin sa IT department, abala ang lahat sa harap ng mga computer. “Anong nangyari?” tanong agad ni Keano. Lumapit ang head

