Lizzy's POV Nandito ako ngayon sa loob ng kotse sa may likuran habang si Joaquin naman ay nasa driver seat. "Joaquin, ano'ng gagawin ni Elizar?" Hindi ako mapakali, kaya itinanong ko na dito kung ano ba ang binabalak ng boss niya. "Don't worry Ma'am, panigurado kakalap lang ng impormasyon si Boss." Ang casual na sagot nito sa akin. Sana nga, pero nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano niya binaril ang lalaki, at pinagtatadyakan, hindi ko alam kung ano pang mas malala na kaya niyang gawin ngayon wala na 'ko sa loob. So, ito ang tunay na Elizar, ang pagkataong itinago niya sa akin noon. Isinandal ko na lamang ng husto ang likuran ko sa upuan ng sasakyan, napatingala ako at napapikit, hinilot-hilot ko ang magkabila ko'ng sentido gamit ang dalawa ko'ng kamay. Nagpakawala din ako ng

