Lizzy's POV "Wala na ko'ng magagawa kung ayaw mo'ng maniwala pero ito ang sasabihin ko sa'yo, sa gusto mo man oh sa ayaw mo ay titira ka sa bahay ko!" Ang madiin niyang sabi sabay labas ng sasakyan. In denial, 'yan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, alam ko naman na about sa pera ang ipinunta ng tatlong lalaki lalo na ng makita nila ang cash envelope na ibinigay sa akin ni Elizar. Hindi lang talaga ako makapaniwala na paanong humantong sa ganito, at saan dinala ni Enrico ang pera. Kaya ba siya biglang nawala, nagtatago ba siya sa mga pinagkakautangan niya? Sinabi ni Elizar na kailangan ko manatili sa poder niya, dahil hindi pa siya sigurado kung may iba pang atraso si Enrico sa ibang tao. Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon, hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng ito. Una p

