Chapter 2

1101 Words
TAMPULAN pa rin ako ng tukso kanina dahil unang beses nilang nawitness na nasunugan ako ng kahit anong baked goods. Gusto ko tuloy silang pagbabatuhin isa--isa ng sunog na souffle at baka saling mabukulan sila. Ngayon ay kami na lang ni Vi ang natitira at patapos na kami sa paglilinis. Magtatapon na lang ako ng basura mamaya. "Kung bakit naman kasi nasunog ang bine-bake mo. Anong nangyari?" tanong nito. Hindi ko kasi ipinaliwanag kanina ang nangyari dahil nakakahiya. Sinabi ko na lang na namali ako ng oras. Nag-yosi break kasi ang ilan at dahil close na ang kitchen at wala ng paparating na order ay ako ang itinira nila. Kami lang kasi ni Vi ang hindi nagyoyosi dito. Palibhasa puro sila lalake. "Dumating nga si my -- si Bossing," nakasimangot kong sabi sa kanya habang nagma-mop ng sahig. "Bossing?? Akala ko ba my loves mo 'yon?" Pinaikot ko ang mga mata ko at ngumuso. "Ayoko na, nagbago na ang isip ko. Sama pala ng ugali. Husto lang sa gandang lalake at galing sa kusina, wagas namang makalait. Huwag na lang!" Napanganga ito sa akin at hindi nagtagal ay biglang bumunghalit ng tawa. Sa tingin ko ay nasiraan na s'ya ng ulo. "Pupusta ako nilait n'ya ang souffle mo? Nagkakaganyan ka lang naman kapag tungkol sa mga niluluto mo ang nasasanggi eh. Buti nga hindi 'yong signature trifle mo ang nadisgrasya!" tawa pa rin ito ng tawa. Kung nasasarapan na ang iba sa souffle ko, tulo laway sila sa trifle recipe ko. Hindi ko 'yon nilalagay sa menu at by request lang talaga. Baka masyado akong sumikat, mahirap na. Baka madethrone ko si my -- Bossing! Bossing, self -- hindi na my loves ano ka ba naman?! Biglang nag-ring ang telepono ni Vi. Nang sagutin nito ay bigla na lang nagpack up at halos hindi magkandaugaga kung alin ang uunahin. "Fire, kailangan ko ng umuwi pero hindi pa ako tapos dito. Si Nanay kasi nadulas eh! Susunod ako sa hospital, on the way na sila nina Kuya," tarantang sabi nito. "Lumakad ka na, ako na ang bahala dito," taboy ko sa kanya. "Sure ka?" apologetic ang mukha nito. "Oo, go. Ako ang bahala. Kokonti na ito. Relax ka lang sa pagdrive, baka maaksidente ka pa sa pagmamadali ay parehas na kayong maoospital ni Nanay. Ingat ka," sabi ko sa kanya. "Eh paano ka uuwi? Mag-aalas dose na, baka mahirapan kang makasakay," nag-aalalang sabi nito. "Sus! Ako pa ba? May taxi naman kung matagal ang bus. Don't worry. Alis ka na. Kaya ko na ito." "Sige, ingat ka ha. Utang ko sa 'yo ito. Anything you need, let me know." Dali dali na itong umalis at ako na ang nagtuloy ng trabaho n'ya. Mga kalahating oras pa ang bubunuin ko pero okay lang naman. Day off ko bukas kaya makakapahinga ako kahit papaano. Dalawa lang kami ni Nanay Sonia. Hindi na s'ya nag-asawa noong hindi sila nagkatuluyan ni Daddy. They met when my father had a flat tire in Sta. Inez. Politiko kasi kaya kung saan saan nakakarating. Si Nanay ay may munting kainan noon pero pinagretiro ko na noong nakatapos ako ng pag-aaral.  Ang totoo n'yan ay hindi ko pa nakakasama ang aking ama. I think my parents had a mutual understanding that if he didn't marry my mother, then he has to leave us be. Sabi kasi ni Nanay noon, kahit anong gawin n'ya hindi naman s'ya mamahalin ni Daddy ng katulad sa una nitong asawa. Ayaw man n'ya akong ilayo dito ay kailangan dahil baka maging tampulan pa ako ng tukso sa eskwelahan. Alam mo naman ang mga bata ngayon, kapag nakitang wala kang ama -- putok ka na kaagad sa buho.  Pero alam mo, gustong gusto kong makilala ang aking ama. Pati si Ate Dye, ang ganda ganda n'ya. Ang alam ko, ako ang pinakabata sa aming apat. Oo, may dalawa pa akong ate. Si Ate Emerald at Ate Ruby. Ang cool ano? Puro kami bato. The Big Four Gemstones. The Four Most Precious Gems. Sabagay, 'yon naman ang business ng mga Mosqueda -- ang pagmimina ng mga diamante.  Nang matapos ako sa kusina at nakapagtapon ng basura ay saglit akong naglinis ng katawan. Hindi ako makapagshower agad at baka magkasakit ako. Mamaya na lang siguro sa bahay kapag nakapagpahinga na ako. I was on my way out at nagpapatay na ng mga ilaw ng bigla akong mabunggo sa isang bulto. Muntik na akong bumaligtad kung hindi naging maagap ang kamay at braso n'ya sa paghawak sa akin.  "Ikaw na naman!" gulat na sabi ko.  Ano kayang ginagawa nito sa restaurant? Pasado alas dose y media na ng matapos ako sa paglilinis ng katawan kaya alam ko ang oras. Matapos n'ya akong maitayo ng ayos ay lumayo ako kaagad sa kanya. Mahirap na, baka matulala na naman ako. Although walang masusunog na pagkain, baka matunaw naman s'ya sa katitingin ko.  "Are you always this clumsy or you're just trying to get my attention?" tanong n'ya na nakakunot. Ano daw? Ako pa ang clumsy? S'ya na nga ang hindi tumitingin sa dinaraanan ay ako pa ang may kasalanan. Talagang isa na lang at bibingo na s'ya sa akin.  "Ano ulit?" tanong ko sa kanya. "Never mind. Bakit nandito ka pa? And why are you alone? You're supposed to have a buddy at night for safety," sita nito sa akin. "Uhm, nadulas kasi ang nanay ni Vi kaya ako na lang ang tumapos ng gawain n'ya para makauwi s'ya kaagad." "Who?" kumunot ang noo nito. Okay, hindi n'ya kilala si Vi. Lalong hindi n'ya ako kilala. Sabagay, uso naman sa mga boss na hindi alam ang pangalan ng mga empleyado nila. Lagi na lang hey or ikaw. "'Yong isa sa mga cook sa kitchen. Mauuna na ako sa 'yo, Sir. Sige po," nakakadalawang lakad pa lang ako palayo sa kanya ay nakapagsalita na s'ya ulit." "Saan ka umuuwi? Ihahatid na kita," offer nito sa akin. Ano daw? Dahil hindi agad ako nakasagot ay inulit n'ya ang tanong at naiinis itong nagsalita.  "Ang sabi ko, saan ka umuuwi? Ihahatid na kita." "Ah, hindi na po. Maiistorbo ko pa kayo. Ayos lang, sanay na akong umuwi kapag ganitong closing. Salamat," tumalikod na ako uli at humakbang pero this time, mas mariin ang tinig n'ya. "I insist. Sagutin pa kita kapag may nangyari sa iyo sa daan. Sandali at kukunin ko lang itong laruan. Naiwan ko kasi kanina. Huwag kang aalis. D'yan ka lang," seryosong sabi nito sa akin. Kung makapag-utos akala mo paslit ako. Kulang na lang sabihan ako ng face the wall. Kung hindi lang s'ya nagmagandang loob na ihatid ako, naku!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD