LULAN na kami ng kotse n'ya at ibinigay ko ang address ng bahay namin. Mga trenta minutos mula sa restaurant. Magkapitbahay kami ni Vi kaya lagi kaming magkasabay umuwi. Maiba tayo, may bitbit s'yang laruan kanina at 'yon ang binalikan n'ya. Ang pagkakaalam ko ay wala naman s'yang kapatid na paslit. Ah, baka pamangkin n'ya. May nakababatang kapatid ito pero kaunti lang ang pagitan ng edad. Hindi nga lang dinisclose sa magazine kung lalake o babae. Gawa siguro ng privacy kaya hindi na isinulat.
"Talk to me, nakakaantok," sabi n'ya sa akin.
Alam mo 'yong mga boss na hindi marunong magplease? Nakakairita. Hindi ko alam kung saan ipinaglihi ang kumag na ito at kahit saksakan ng gwapo ay napakasuplado. Pwede namang s'ya ang magbukas ng usapan.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya na hindi tumitingin.
"Masakit pa ang ulo mo?"
Para namang concern. "Okay lang. Malayo naman sa bituka."
Bahagya itong natawa. "Malayo nga ang ulo sa t'yan."
Nang lingunin ko s'ya ay nakangiti pa rin ito at nakatutok sa daan ang mata. Nagulat pa ako ng biglang magring ang cellphone n'ya at dahil nakakonekta ito sa kotse ay malakas ang tunog. Umiiyak na bata ang narinig ko ng sagutin n'ya ang tawag.
"Daddy, where are you?" sabi ng batang babae na umiiyak. Rinig ko pa ang hikbi n'ya.
Daddy? May anak na s'ya?? Holy s**t. Bakit wala akong nabasa na article tungkol dito? I mean hindi naman talaga ako chismosa... pero parang ganoon na nga kasi binabasa ko ang lahat tungkol sa kanya.
"I'm on my way home. I'm just dropping someone off."
Lalong lumakas ang iyak nito. "I want my toy now!"
Pumiyagak ito ng iyak na pagkalas lakas. At dahil kulob ang kotse ay halos mabingi ako. Imbes na dumiretso ay iniliko ni Bossing ang kotse n'ya at ibang daan na ang tinatahak namin. Twenty minutes na lang nasa bahay na ako. Oh my gosh! Aabutin na yata ako ng sikat ng araw ng padale n'yang ito.
"I have to drop her toy off now at saka kita ihahatid," sabi nito sa akin.
Ni hindi man lang nagsorry? Sabagay, s'ya naman ang nagmamaneho. Pero kung nagcommute ako -- well, dalawa lang 'yon eh. Kung makakahanap ako ng masasakyan kaagad, makakauwi ako ng maaga. Pero kung walang dadaan na taxi, yari ako. Choose the lesser evil.. s'yempre kay Bossing na ako. Ang bango kaya ng kotse n'ya -- kasing bango n'ya. Sa totoo lang nakakaadik ang amoy n'ya kanina eh. Gusto ko na lang ibaon ang mukha ko sa leeg n'ya at matulog.
Nang marating namin ang bahay n'yang sobrang laki ay napa-sana all na lang ako. It's one of those modern luxury homes na bubog ang buong paligid. Maganda na sa labas, paano pa kaya sa loob. Sabagay, afford naman n'ya. Ang garden n'ya ay may mangilan ngilang ilaw at napakaganda. May fountain pa sa gitna. Ang sarap sigurong tumambay dito kapag gabi.
"D'yan ka na lang, ibibigay ko lang ito sa kanya," sabi nito sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko. "Eh --"
"What is it?" kunot noong tanong nito.
Nakakunot na naman? Gusto ko na s'yang i-facial. Dadami ang gatla sa noo n'ya kapag ganito s'ya lagi. Sayang ang kagwapuhan.
"Makiki-cr sana ako eh. Ang haba na kasi ng byahe natin," sabi ko sa kanya.
"Okay, come on in. Bathroom is straight down the hall, first door on your right."
Nang makapasok kami sa loob ay namangha ako sa nakita ko. Jeez! Kahit yata magtrabaho ako ng dalawampung taon sa TSV ay hindi ako makakabili ng ganitong mga gamit. To think na mga decorative pieces pa lang ay isang taon ko ng sahod. Kahit banyo, pang-royalty.
Matapos kong umihi ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. My hair is still short but it's growing. I like pixie cuts at sabi nila ay bagay naman daw sa hugis ng mukha ko. Lately nga lang ay nananawa na ako kaya gusto kong pahabain ng kaunti para maipusod ko. Hindi nga lang advisable sa kusina. At isa pa, mahirap magtuyo ng buhok araw-araw.
"Mommy??" gulat ang rumehistro sa mukha ng batang babae.
Sa tingin ko ay nasa edad lima na ito. Kung nagulat s'ya, mas lalo naman ako. Wala pa akong anak ano? Boyfriend nga ay nganga, anak pa kaya? Tsaka bakit 'yon ang tawag n'ya sa akin? Kamukha ko ba ang nanay n'ya?
"Hello," sabi ko sa kanya.
Wala akong ibang maisip kaya bumati na lang ako. Pero hayun at nilaglag sa sahig ang laruan na bitbit n'ya at nagtatakbo payakap sa akin.
"Mommy! I knew you'd come. You're so tagal. Where have you been? Sabi mo mabilis ka lang but you were gone for a looong time," nakalabing sabi nito.
Hala s'ya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin o sasabihin kaya pinili ko na lang na haplusin ang ulo n'ya. Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya. Kung sino man ang nanay n'ya, sana umuwi na para magkasama na sila ng batang ito. She's super cute, mahaban ang tuwid nitong buhok at female version ni Bossing. Malamang, anak eh.
"Nand'yan ka lang pala, Sierra. Kanina pa kita hinahanap. Did you get your drink of water?" tanong ng yaya nito. In fairness, marunong s'yang mag-inggles. "Pasens'ya na, Miss," pagkuway binalingan nito ang bata. "Halika na, umaga na gising ka pa rin."
Pero ayaw sumama ng bata dito at nakapulupot pa rin sa akin. Lalo akong naawa sa kanya. Mukha kasing antok na. Pinulot ng babae ang nalaglag na laruan at saka inabot ang kamay ng bata pero ayaw nito.
"No, I want my Mommy."
Noong dumating si Bossing at nakita kami. Tinakasan ito ng kulay sa mukha at nabanaag ko ang saglit n'yang pagkalito. Pagkuway pumormal.
"Sweetie, come on. Mom and I will tuck you to bed," sabi nito.
"Really Daddy? She's not leaving us?" kahit antok na ay nagpipilit itong magmulat.
"Yes, she's sleeping here tonight."
"Beside me? Wait, I want to sleep in your room. We will put Mommy in the middle so we can hug her all night," nakangiting sabi nito.
Ano?? Hindi naman siguro seryoso si Bossing sa gustong mangyari ng anak n'ya. I mean, she's a kid. Pagkatulog n'ya ay pwede na akong umuwi.
"I'm afraid you are not going home tonight. Kapag nagising s'ya ng wala ka sa tabi n'ya ay magwawala na naman s'ya. I have a business proposal for you but we can talk about it tomorrow. For now, dito ka muna matulog."
Ayaw ko man, mukhang wala akong choice. Sa exclusive subdivision ay mukhang walang raxi na pinapapasok. "Okay, where's your guest room?"
"You're sleeping my room."
"In your room??"
"Sa kama ko."
"Ha?" napanganga ako.
"Sa gitna ka namin ni Sierra katulad ng gusto n'ya."
Naloka na, dapat kasi talaga nag-commute na lang ako eh. Tingnan mo tuloy ang nangyari, magkakatotoo na ang pagtulog ko na naaamoy ko s'ya. My loves... good mornight.