Habang hinihintay ni Larry si Lenna na nasa loob pa ng shower room ay naisip niyang tawagan ang pamilya niya na nasa Bataan para ipaalam na darating siya sa isang araw at balak niyang isama doon si Lenna. Kinuha niya ang cellphone and dialled his mom's number na agad naman nitong sinagot. "Hello mang, si Larry 'to---kumusta?" masayang bungad niya ng sagutin ng mamang niya ang tawag. Isang Principal ang mamang niya sa pam-publikong paaralan sa kanilang lugar at ang kanyang ama naman ay isa din dating marino na siyang nag-encourage sa kanya to pursue Marine Engineering at sumampa nga din sa barko. Ang una talaga niyang gustong kurso ay Pag-pupulis but his father wanted na sundan niya ang footstep nito bilang isang seafarer at magtrabaho sa barko, at dahil masunirin siyang anak ay sinunod n

