Chapter 1
Disclaimer
All the characters appearing on this work is fictional, any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Warning: This work of fiction contains mature content and some harsh words that is not suitable for young readers.
It also contains typos and grammatical errors so, read at your own risk.
Please this is rated SPG po.
*********************
Chapter 1
Hawak hawak ni Lenna ang isang papel na dumating galing sa post office.
Pagkabukas niya kanina sa sobre kung nasaan nakapaloob ang sulat na iyon galing sa korte ay agad na siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib and when she finally read what was it, her tears automatically fell down her eyes.
"Hoy! Beks, anong iniiyak -iyak mo diyan?" Nagulantang siyang napalingon sa atrabidang baklang kaibigang si Brianna, pero sa totoong buhay ang pangalan talaga ng bruha ay Bryan pero dahil self confessed woman at heart ito ay mas gusto nitong tawaging Brianna na lamang daw.
"Ano ka ba bakla!, bakit ka ba biglang sumusulpot ha?" sikmat niya at inirapan pa ang kaibigan.
"Eh paano po nakita kitang nag momoment habang nagbabasa ng sulat, ano ba ‘yang binabasa mong nakakaiyak besh?" Tanong pa nito at sinilip pa ang sulat.
Napasinghot si Lenna at umatungal ng iyak sa harap ni Brianna.
"B-besh dumating na iyong annulment grant mula sa korte, Legally annulled na kami ni Harold, bakla." Ngawa pa niya at parang namatayan kung maka atungal.
Napatirik naman ng mata ang bakla niyang kaibigan at ngali-ngali siyang batukan.
"Wehh Ang OA mo besh, if I know deep inside tuwang- tuwa ka dahil sa wakas single ka na ulit." Nakangising turan pa ng kaibigan.
"Ano ka ba besh, k-kahit naman kasi papano may pinagsamahan pa rin kami ng lalaking iyon, kaya parang may kurot pa din." Sambit niya pa dito sabay singa sa tissue ng sipon.
"Gaga!, alin ‘dun sa lagi niyong pag-aaway? naku tigil-tigilan mo ako Lenna sa mga drama mong ganyan, parang kamakailan lang halos isumpa mo yung ex-husband mo tapos ngayon kung maka react ka para kang namatayan diyan." Nakatikwas ang kilay na litanya ni Brianna habang nakapamaywang pa sa harap niya.
"Tseh! Siyempre charot lang ‘yun noh, alam mo naman na matagal ko na ‘tong hinihintay bakla, kyeme ko lang na mag react ng ganito." Biglang kambyo niya sa akting niya kani-kanina lang.
Biglang hinila ni Brianna ang buhok niya at kunyari siyang sinabunutan.
"Kita mo na! Ang arte mo girl." Gigil nito tsaka siya inirapan.
Tawang-tawa naman si Lenna pagkakita sa reaction ng kaibigang bakla.
A totoo kanina pagkatanggap niya ng sulat na ‘yun galing sa korte ay medyo nalungkot siya.
Not because of regrets or pain for being legally annulled to Harold but because of uncertainty.
At nag reflect lahat ‘yun sa maling desisyong ginawa niya noong magpadalos-dalos siyang magpakasal sa kanyang ex-husband na ngayon na si Harold. Tatlong taon din ang pinagsamahan nila bilang mag asawa at sa loob ng mga taong iyon ay ang unti- unti nilang pagkakakilala sa isa't-isa.Nakilala niya si Harold when she was 29 years old at nagta-trabaho na bilang bank teller, while he is a restaurant owner and very successful in his business. Ipinakilala sila noon ng isa niyang ka work mate na si Abby at common friend nito noon si Harold. In their first meeting ay agad ng nagpakita ng interest sa kanya ang binata and from then on ay palagi na siya nitong kinukulit sa chat and even fetch her in the bank she works every afternoon.
Until after a week ay nagsabi na itong gusto siyang ligawan nito at dahil masyado siya noong overwhelmed na pinag aaksayahan siya ng panahon ng isang kagaya nitong well established man ay agad siyang pumayag. Sino ba namang babaeng aayaw sa katulad ni Harold, bukod sa guwapo at matikas ay may maganda pang career at napaka responsible nitong tignan and she was blinded by that traits he showed her. Kaya after 3 months of courtship ay agad na niya itong sinagot at naging mag nobyo na nga sila. By that time Lenna is too much in-love with him na ayaw niyang makita ang negative sides nito at madalas ipagsawalang bahala na lang. Until one day Harold proposed a marriage to her,at kahit sa una ay labis siyang nabilisan sa mga pangyayari ay hindi naman siya tumanggi, dahil at that time ang nasa isip niya ay magiging perfect husband ang binata. Kaya naman walang kagatol-gatol siya noong sumagot ng Yes, at doon they decided to get married immediately. Sa bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ay para silang nangapa sa isa’t-isa at nanibago.Iba kasi kapag nagkasama na sa iisang bubong doon na lalabas ang ugali ng bawat isa. She learned all new things about him, ‘yung mga bagay na hindi niya nakita noong mag nobyo pa lamang sila.
Harold is the kind of man na very controlling na kahit pananamit niya ay pinakikialaman nito, he's too demanding din at very perfectionist na lahat ng gagawin niya ay mali sa paningin nito at lagi na ay naka kontra. Sa pagsasama nila naging mahigpit din ito financially dahil lahat ng bibilhin ay kailangang naka record for budgeting purposes daw.
At pagdating naman sa kama ay ito pa rin ang nasusunod sa kanilang dalawa. Masyado itong mapusok pero gusto ito lang ang na-sasatisfy dahil after nitong makaraos ay matutulog na agad at ni hindi man lang siya tanungin kung na satisfy din ba siya. But the worst thing that happened inside their marriage is when she get a miscarriage because of him. She was already 6 months pregnant when that terrible thing happened na siyang dahilan kung bakit labis niya noong kinamuhian ang asawang si Harold. Bumalik sa alaala ni Lenna ang pangyayaring ‘yun.
"Mahal! Asan ka?" Tawag ni Lenna sa asawang si Harold.
Kadarating lamang niya noon galing sa trabaho at hindi siya nasundo ng hapong ‘yun ng asawa kaya ang isip niya ay naka uwi na ito subalit mukhang wala pa, sa isip isip niya habang nagtatanggal ng sapatos.
At dahil pagod na ang katawan niya ng sandaling yun ay dumiretso na siya sa kanilang silid para sana makapag pahinga muna.
She's about to open the door when she heard her husband's voice talking to someone she wasn't sure if sa telepono or may kasama ito sa loob? She asked herself curiously.
At dahil labis siyang naguguluhan ay dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto para lamang magulat sa eksenang naabutan.
Halos natulos pa siya sa kinatatayuan ng makita ang asawa.
Wala itong saplot sa katawan at hubo't hubad habang nakaharap sa camera ng cellphone while m**********g his own manhood at halos tumirik pa ang mata. Nagimbal si Harold upon seeing her.
"M-mahal?" Gulat na sambit nito at agad agad pinatay ang cellphone.
Nakita pa niya ang babaeng kausap nito na pareho din nitong hubad habang nag- fifinger.
Hindi malaman ni Lenna ang nadarama niya ng mga sandaling iyon.
'Mga baboy!!' Sigaw ng isip niya sabay tulo ng luha habang nakatingin kay Harold na noon ay nagsuot na ng brief nito.
"H-hayop ka!, anong ginagawa mo ha?!" Sigaw niyang galit na galit at dinaluhong ng malakas na sampal ang asawa.
Napabaling ang mukha nito at tinutop ang pisnging nasampal niya.
"What? Anong kinakagalit mo? Iyong nakita mo, wala ‘yun mahal isa lamang iyong pampalipas oras while you are still pregnant, alam mo naman ang needs ko as a man right?" Parang walang anumang turan ni Harold sa kanya.
Naglakad ito papunta sa kinaroroonan ng damit nito at tsaka isinuot.
“Ano?! Wala lang ‘yun? Ang baboy mo Harold. Alam mong buntis ako, bakit ha libog na libog ka na ba talaga at nasisikmura mong makipag online s*x?!" Nangagalaiting sikmat pa niya sa asawang parang walang anuman ang nakita niyang ginagawa nito.
"Ano ba Lenna! Wag kang eksaherada--- Bakit nakita mo bang nakipagtalik ako sa iba? Sa videocall lang yun at walang masama!" Sagot nitong may halong iritasyon sa tinig.
'At ito pa talaga ang may ganang magalit sa kanya.' Sa isip isip ni Lenna habang sobrang nagngingit ngit ang kalooban para kay Harold. Oo nga at hindi niya maibigay dito ang pangangailangan nito ngayon sa kama dahil nga sa kondisyon niya at malaki na din ang tiyan niya, subalit hindi iyon sapat na rason para gawin nito ang malaswang bagay na iyon at ang matindi pa ay sa loob pa ng kanilang tahanan. Masyado nitong binababoy ang pamamahay nilang mag-asawa.
"So anong gusto mong maramdaman ko ha? Na okay, sige hahayaan kita sa kababuyan mo? Ano ako Harold walang pakiramdam?" Humihikbing turan niya at doon nakaramdam siya bigla ng pananakit ng puson at dahil sa sobrang sakit niyon ay napa salampak siya sa sahig at namalayan na lamang niyang may umaagos ng dugo sa kanyang mga hita.
Nanlaki ang mga mata ni Lenna sa nakita.
"H-harold!!! Tulong! ‘yung baby natiinn!" Malakas na sigaw niya para kunin ang atensyon ng asawa na ‘nung mga sandaling ‘yun ay papasok na sana sa banyo. Agad napalingon si Harold sa gawi ni Lenna at halos takbuhin ang gawi ng asawa nang makita ang dugong umaagos mula sa hita nito. Binuhat nito ang asawa at dali-daling isinakay sa sasakyan para dalhin sa pinakamalapit na hospital. Pagkarating nila doon ay agad nang dinaluhan si Lenna ng mga doctor sa E.R at agad minonitor ang lagay niya. Habang nasa ER at nakikipaglaban sa antok si Lenna ay ipinagdarasal niyang sana ay makaligtas sa kapahamakan ang baby niya pero maya maya pa ay nawalan na siya ng malay tao.
*to be continued*