Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Lenna ng tapikin siya sa balikat ng kaibagang si Brianna.
"Hoy! bruha, natulaley ka na naman diyan? Balik na tayo at patapos na ang lunch break,” saad ng kaibigan sabay tayo. Agad na din siyang tumayo at sumunod na sa kaibigan pabalik sa banko kung saan sila nagta-trabaho. Para ulit siyang nalungkot upon remembering that sad memory na nangyari noon. Doon siya nag umpisang makaramdam ng poot kay Harold noon, nawala yung magiging anak sana nila nang dahil sa kagagawan nito. Ipinilig niya ang ulo at pilit binubura sa isip ang nangyaring ‘yun noon.
Tapos na siya dito at gusto na niyang ibaon sa limot ang nakaraan.
Ngayon she will start all over again after a year bago na grant ang kanilang annulment case and ang sarap lang sa pakiramdam na legal na silang hiwalay ni Harold wala nang nag-uugnay sa kanilang dalawa, she is now free as a bird.
Nang makabalik sa mesa ay agad na niyang inatupag ang mga tambak na trabaho. Mga account ng mga client nilang hawak niya.Pinasadahan niya ng basa ang nasa unahang file.
It was a certain Mr.Larry De-Villa, 28 years old at isang Seaman, ayon sa file na hawak niya ay nag-open ito ng credit card sa banko nila at may savings account na din ito.
The guy is earning well dahil sa nakita niyang laman ng savings account nito at very qualified naman para magbukas ng credit card.
'Malaki talaga ang sahod ng mga seaman' Sa isip isip niya habang naghahanda ng form para ipa-fill up sa client.
"Mr. Larry De-Villa-- teller 4 please." Pag a-anunsiyo niya sa intercom para tawagin ang client.
At habang naghihintay siya sa loob ng kanyang cubicle ay pinapasadahan niya ng basa ang profile ng client dahil baka may ma-miss siya, nang dumako ang tingin niya sa naka silid doong 2x2 picture ng kliyente.
Gwapo ang nasa larawan at mukhang di gagawa ng kalokohan.'Hmmnn, mukhang matindi ang isang to ah', sa isip-isip pa niya sabay basa sa nakalagay doong info.
'Whoa! Single pa.' Saad niya ulit sa sarili at nagpatuloy sa pagbabasa ng personal information nito.
"Ehemmm, ano miss, marami ka na bang nalaman tungkol sa akin?" Halos naman maihagis ni Lenna ang papel na hawak nang bigla na lamang may magsalita sa harap niya.
Agad siyang bumaling sa nagsalita at halos mapanga-nga siya ng masilayan ang napaka oh-so-yummy na lalaking nasa harap niya ngayon.
And that was none other than the client na hawak hawak niya ang file. “At talaga nga namang walang itulak kabigin sa tindi ng karisma nito, ang gwapo nga sa personal.” Sa isip-isip niya habang hindi malaman kung paano kikilos sa harap nito.
"Ahh Y-yeah, M-Mr. De-Villa?
So You want to open a credit card right?" Halos magbikig ang lalamunang tanong niya at iwas na tignan ito sa mata dahil sa lagkit ng tingin nito sa kanya.
"Yes miss, actually I already have one but I've lost it while on the ship, pero nai-report ko na yun dati kaso nga lang dahil sa tagal na on-board ako at hindi ko na naasikaso until they advice me na mag-open na lang ulit ng bago since wala naman akong payable amount when I lost the card." Paliwanag nito habang nakatingin ng diretso sa kanya, oh hindi pala sa mukha niya kundi sa clevage niyang bahagyang nahantad sa harap nito dahil sa suot niyang V-neck na damit.
Madali niyang inayos ang sarili at inirapan ang may pagka manyak din palang lalaki.
'Bastos din tong isang ito' She told herself habang pilit kinalma ang sariling ‘wag itong tarayan.
"Yes I see sir, she told him
“So I will just give you the form you need to fill up at ibalik dito sa amin para mai-process na namin ang application nyo sir." and handed the form to the man.
"Thank you miss, so gaano ba katagal ang process nito?" Tanong ng lalaki na kung makatingin sa kanya ay parang nakakaloko dahil para pa siya nitong hinuhubaran sa klase ng titig nito.
"More than a month or two po sir depende po, but we will contact you as soon na ma-approve ang application nyo." Pag-iimporma niya sabay irap sa binata dahil hindi niya nagustuhan ang lagkit ng tingin nito.
"Oh I see, I will be on-board by that time but if ever you can't contact me on my mobile, pwede sa e-mail ko na lang." Tugon pa nito at agad nang inumpisahang ifill-up ang form na bigay niya dito.
"Pwede po yun sir, just write your e-mail address diyan sa form." Saad niya at hinintay itong maka fill-up.
After nitong ma kumpletong ifill-up ang form he handed it to her. At chineck naman ito ni Lenna para siguruhing wala itong nakaligtaang sulatan.
"So okay na po sir, just wait for our call and we will inform you if approved na po ang application nyo." She informed him and put all his file in one folder.
"Thanks miss beautiful--- Ahhm can I know your name?" Tugon nito na naka ngiti pa sa kanya.
Napataas naman ng kilay si Lenna sa tinuran ng binata.
'At bakit nito tinatanong ang pangalan niya?' Tanong niya sa sarili habang nakatikwas ang kilay.
"My name is Lenna Martinez sir." Sagot na lamang niya habang pilit iniiwas ang tingin mula dito."Lenna---Oh hot name like you." Tugon nitong tinignan pa siya ng makahulugan.
Tinignan niya ito ng masama at tsaka inirapan.
'Iba din ‘tong isang ito. she thought at binalingan na lamang ang ibang files para ipakita ditong busy na siya.
"That's all sir--- you can now leave." She told him at blanko ang ekspresyon ng mukhang binalingan ito.
"Ahh--- Can I invite you out?" Kakamot kamot sa batok na tanong pa nito habang nakatayo na.
Agad lumipad ang tingin ni Lenna sa lalaki at pigil ang sariling supalpalan ito.
"Sir--Im busy and this is not the proper place to flirt." Mataray na tugon niya sabay baling sa paningin sa file ng isa pa nilang client at iparamadam ditong wala siyang oras makipagbolahan.
Halos anim na taon ang agwat ng edad nila, 34 na siya samantalang ito ay 28 years old pa lamang ayon sa personal info na nakita niya sa file nito. Bumalik ang isip niya sa kasalukuyan ng magsalita ito.
"Ang sungit mo naman, ang ganda mo pa naman sana, anyway I will just wait for your call, bye miss beautiful." Sambit ng binata bago umalis na ngiting ngiti pa.
Napabuga naman ng hangin si Lenna nang makaalis ang binata.
Iba talaga ang the moves ng lalaking ‘yun, siguro ay talagang babaero', saad ng isip niya at nag-focus na sa trabaho.
*to be continued*