Larry is smiling widely habang papalabas ng Filbank, kung saan siya nag-apply ng bago niyang credit card.
Two weeks na lang kasi ay sasampa na naman siya sa barko at babalik sa pagiging marino.
He'd been working in the ship for almost 6 years now at isa na siyang chief Engineer sa isang malaking shipping company na base sa U.S.
He graduated as a Marine Engineer at sinweteng agad nakapasok sa isang malaking kumpanya.
Cargo vessel ship ang sinasampahan niya at maituturing nang very established ang career niya at 28.
Isa na lang ang kulang sa buhay niya ngayon, and it’s a wife.
Sa edad na bente otso ay binata pa siya hindi dahil sa pihikan siya pagdating sa babae but because he wasn't certain kung makakanap pa ba siya ng babaeng loyal at faithful dahil sa klase ng trabahong mayroon siya.
Nagkaroon siya dati ng 2 years relationship and was planning to get married when he discovered that she's cheating on him at dinadala pa sa mismong bahay na ipinatayo niya.
Si Jelay, isa itong Elementary teacher at naging nobya sa loob ng dalawang taon.
Akala niya noon ay napaka swerte niya dahil ito ang naging nobya niya, dahil bukod sa maganda ay napaka responsable pa nitong babae. At ni hindi sumagi sa isip ni Larry na magagawa siya nitong lokohin habang siya ay on-board noon sa barko.
Nagpa-plano na sila noong magpakasal dahil dalawang taon na din naman silang magkasintahan, at kahit pa LDR na madalas ay hindi pa consistent ang communication nila. Dahil nga sa limited internet signal sila madalas sa barko ay hindi niya naramdamang nagbago o nagtampo ito sa kanya bagkus ay inintindi nito ang ganoong sitwasyon niya habang nasa barko siya.
Akala ni Larry ay hindi siya nito magagawang lokohin dahil labis ang tiwala niya sa nobya. But one day sa pag-uwi niya ang balak niya ay i-surprise si Jelay kaya hindi niya naipaalam dito ang biglaan niya noong pag-uwi, subalit di niya aakalaing siya pala ang masusurpresa sa daratnan sa kanilang tinitirhan.
Nagsasama na sila noon ng nobya dahil mas kampante siyang sila na ang magkakatuluyan, kaya labis siyang nasaktan nang madatnan niyang may kasiping itong ibang lalaki sa loob pa mismo ng silid nila.
He immediately broke up with her that night nang makita itong nakikipagtalik sa ibang lalaki.
At agad pinalayas sa bahay niya kasama ng lalaking kasiping nito.
Sobra siyang nasaktan noon sa ginawa ng babaeng ihaharap na sana niya sa dambana.
Minahal at pinagkatiwalaan niya si Jelay at sobra siyang nasaktan sa ginawa nitong panloloko sa kanya at natagalan din bago siya naka moved on sa dating nobya.
After 6 months ay sumampa siya ulit noon sa barko at pinilit ang sariling mag focus sa kanyang trabaho sa barko kahit sobrang hirap pa ‘nun para sa kanya.
Until sa tuluyan na din naman siyang nakalimot. But things never been easy for him dahil nagkaroon siya ng trust issues sa mga babae.
Nakikipagdate at pumapasok pa rin naman siya sa isang relasyon but he never take them seriously at agad na siyang nakikipaghiwalay kapag nararamdaman niyang seryoso na ang gusto ng mga ito sa kanya.
Naging ganoon ang pananaw niya sa buhay until this day that he met Lenna ang babaeng bank teller na siyang may hawak ng kanyang bank account.
Iba ang karisma ng babaeng yun she was oozing with s*x appeal,at idagdag pa ang napakaganda nitong mukha na kahit medyo may pagka suplada ay litaw na litaw pa rin ang striking aura nito.
Maganda ang pangangatawan ng dalaga at almost perfect ang curves nito. As he saw her walking kanina papasok ng banko kasama ang isang bakla na malamang ay ka-trabaho din nito.
Agad siyang nabighani sa dalaga at naging interasadong makilala ito kaya laking tuwa niya na ito pala ang magha-handle ng application niya sa credit card, but it seems that she's not easy kaya naisip niyang i-stalk ang social media account nito and there he found her. Buti na lang at naitanong niya ang pangalan nito kanina.
Napakunot noo si Larry nang makita ang social media account ng dalaga dahil matagal na palang hindi iyon updated at tanging profile photo lamang nito ang laman. Nakaramdam siya ng panghihinayang at naisip na siguro ay taken na ito.
Ikinibit na lamang niya ang balikat at sumakay na sa kanyang kotse and leave.
**********
"Beks, sasabay ka ba sa akin pauwi mamaya?" Tanong ni Lenna kay Brianna nang hapong patapos na sila sa kanilang trabaho at kasalukuyang nag aayos ng mga gamit.
"Eh beks may lakad kami ng jowa ko ngayon at dadaanan ko siya sa trabaho niya, kaya mauna ka na lang ha." Sagot nitong ngiting ngiti pa pagka banggit sa jowa nitong isang promodizer sa isang mall.
Magkasama sila ni Brianna sa apartment na nilipatan niya noong magkahiwalay sila ni Harold. Kaya madalas sabay silang umuuwi nito, pero magmula ng magka jowa ang baklita niyang kaibigan ay hindi na sila madalas magkasabay sa pag-uwi.
"Oh siya eh di mauuna na akong umuwi, enjoy ka na lang sa date nyo ng jowa mo at wag kang magpapa-umaga na naman sa pag-uwi." Saad niyang pinanlakihan pa ito ng mata. Madalas kasi itong inuumaga ng uwi sa apartment pag ganung kasama nito ang lalaking yun at kahit may sarili naman itong susi ay nagigising pa rin siya kung minsan dahil sa ingay ng pagbubukas nito ng pinto.
Magmula kasi noong maghiwalay sila ng bahay ni Harold ay naging mababaw na ang tulog niya sa gabi,at minsan pa nga ay hindi siya nakaka tulog sa labis na pag-iisip dahil sa naging kahihinatnan ng pagsasama nila ng ex-husband.
Pagka-uwi ng apartment ay nakaramdam na naman siya ng labis na kahungkagan sa pakiramdam. Muli ay dumaloy sa isip niya ang pagkawala sa kanya ng magiging anak sana nila ni Harold.
"Im sorry mahal, w-wala na ang baby natin." Yun ang narinig niyang sambit ni Harold pagkagising na pagka gising niya pagkatapos niyang mawalan ng malay dahil sa dami ng dugong lumabas mula sa kanya.
Natigagal si Lenna at nag-init ang buong katawan sabay ng pamamanhid niyon sa labis na pagka gitla sa ibinalita ni Harold.
'Hindi! Hindi totoong wala na ang anak ko!' Sigaw ng isip niya pero walang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig basta nakatulala lang siya habang isa isa nang pumapatak ang luha sa mga mata niya.
Ang sakit! Nakakasama ng loob and all she wanted to do that time is to shout at sumbatan si Harold but it seems that nawalan siya ng lakas at ni hindi makakilos, her body became numb.
Maya maya pa ay yumugyog na ang mga balikat niya and she cried silently, no words just a silent cry over her lost for her baby.
Anim na buwan niyang dinala ito sa kanyang sinapupunan at sa loob ng buwan na ‘yun ay wala siyang ginawa kundi alagaan at mahalin ito kahit hindi pa niya nakikita.
At ngayon sasabihin sa kanyang wala na ito, God sobrang sakit, ang sakit sakit nun sa kanya.
Habang tumatangis ay hinahaplos naman ni Harold ang likod niya at nang mamalayan ang ginagawa nito ay agad niyang iwinagtang ang kamay nito na humahagod sa kanyang likod. Marahas niya itong binalingan.
"Ano ha,masaya ka na? W-wala na ‘yung anak natin!" Nanggagalaiting sikmat niya sa lalaki habang hindi pa rin maampat ang luha sa mga mata niya.
Sinisisi niya ito sa pagkawala ng anak nila at kahit kailan ay hinding hindi niya ito mapapatawad.
*to be continued*