Naging busy na si Lenna sa trabaho nang mga sumunod na araw at kasabay noon ang pag-aasikaso naman niya sa mga property na paghahatian nila ni Harold since may mga napundar din naman sila. Ang bahay na tinirhan nila ay pag-aari nito at hindi na siya naghabol ng parte pa kahit nakasaad na conjugal property pa rin ito.
Ang balita niya ay may bago nang karelasyon si Harold at kasalukuyan nitong ibinabahay na sa dati nilang tahanan. Nang malaman niya ang bagay na iyon ay ni hindi siya nakaramdam ng kirot sa puso niya, and that only proves na wala na talaga ang damdaming naramdaman niya noon sa ex-husband niya at wala na siyang pakialam kung mayroon na itong iba.
At siya ay ni hindi na naisip na maghanap pa ng panibagong pag-ibig. More than a year na din silang hindi nagsasama sa isang bubong ni Harold simula nang mag file nga sila ng anullment at sa loob ng panahong iyon ay nakaramdam siya ng kapayapaan dahil sa nakawala din siya sa isang toxic na relasyon. Sa araw araw kasi noon na ginawa ng Diyos ay puro pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ang mayroon sila ng lalaki at dumating na nga sa puntong nawalan na sila pareho ng respeto kaya nagdesisyon silang tapusin na lamang ang lahat.
Ipinilig ni Lenna ang ulo at nag-concentrate sa trabaho. Mag-aalas singko na noon ng hapon at malapit na silang mag-uwian.
"Uy besh--- Mamaya ha yung usapan natin doon tayo sa Makati may magandang bar doon, Kasama natin sila Jerald." Napatingala siya nang biglang magsalita sa harap niya si Brianna, ni hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa cubicle niya.
"Bakit ba kasi kailangan mo akong isama--sinabi ko na namang ikaw na lang at wala ako sa mood na uminom." Nakalabing sambit niya sabay baling ulit sa monitor ng computer.
"Ano ka bang bakla ka! ang ayos na ng usapan natin kagabi at pumayag ka na tapos ngayon babawiin mo na naman---
Hoy Lenna ha baka nakakalimutan mo 34 ka na girl at legally annulled na kayo ni Harold may karapatan ka na ngayong maglandi ulit." Nanlalaki ang butas ng ilong na litanya pa ng kaibigan at ngali-ngali na siyang sabunutan ng bakla niyang kaibigan.
Napatirik na lamang siya ng mata dahil tiyak na hindi na naman siya titigilan nito.
"Okay fine! sige na bumalik ka na sa table mo at tapusin na muna natin ang mga trabaho natin." Pagsuko na lamang niya at dali dali nang tinapos ang trabaho.
Namataan niyang may response na ang credit card application ng client nilang si Larry De-Villa kaya naisip niyang tawagan na muna ang cellphone number nito para ma inform ang lalaki but she couldn't contact him, ilang attempt pa ang ginawa niya but still unattended ang number nito. Naalala niya ang sinabi noon ng binata na kung hindi siya makontak ay sa email na lamang niya ito i-reach out kaya hinanap niya ang form nito na finill-upan nito two months ago.
Kinopya niya ang email address nito at ang balak niya ay sa bahay na lamang niya ito ie-email since pauwi na sila at weekend pa kinabukasan.
Naghanda na siya para maka-uwi at maya maya pa nga ay nasa harap na niya si Brinna at awrang awra na ang bakla para rumampa.
"Atii, Are you readi?" Maarteng tanong nito na abot hanggang tenga ang pagkakangiti.
"Ano?,hindi na ako magbibihis te?" Nanlalaki ang matang tanong niya dahil ready to gora na ito.
"Syempre magbibihis pa tayo girl--halika na at excited na akong rumampa." Yakag na nito at sinagupa na naman nila ang matinding traffic sa kahabaan ng edsa pauwi sa kanilang apartment sa Paranaque.
Mayroon siyang sariling sasakyan nabili niya iyon sa sarili niyang ipon at hindi siya humingi ng kahit sentimo kay Harold dahil katwiran niya noon ay premyo niya ang sasakyang iyon sa sarili for working so hard. Kaya kahit anong pigil nito noon sa kanya ay wala na din itong nagawa dahil talagang ipinaglaban niya iyon kay Harold.
"Besh excited na ako sa bar hopping natin, alam mo ba ang chika sa akin ng mga bakla kong friendship, madami daw doong hot and yummy fafa---baka doon mo na ma-meet ang magpapatibok ulit diyan sa puson mo-- este sa puso mo pala." Natatawang turan ni Brianna habang nasa loob sila ng sasakyan at naipit sa gitna ng traffic pauwi na sila sa apartment nila.
"Tumigil ka nga diyan bakla!, wala akong balak makipag landian doon noh." Mataray na sikmat niya sa kaibigan sabay buga ng hangin dahil naiinip na siya, paano ba naman kasi ay usad pagong ang mga sasakyan at kanina pa niya gustong maligo dahil sa sobrang lagkit ng pakiramdam niya.
"Aysus, wag kang OA ha--- You need a man para may magdilig na ulit sayo, kita mo ang sungit-sungit mo na, kasi nga tagtuyot na ang peg mo girl." Tawang-tawa pang hirit ni Brianna na lalong nagpainit sa ulo niya.
Kahit kailan talaga ay masyado itong atrabida.
"Eh ano ngayon? Inaano ka ba ng s*x life ko bakla?" Nakatikwas ang kilay na sambit niya sabay irap sa kaibigan alam na alam nitong napipikon na naman siya.
"Curious lang ako bhe, ilang taon ka na bang walang s*x life?---
Baka ni hindi mo na alam ang gagawin pag nasa harap mo na ang talong--hahaha." Pang-aasar pa nito sabay hagalpak ng tawa.
Nahampas naman ni Lenna sa braso ang kaibigan sa kalokohan nito pero natawa din naman siya. And yes more than two years na din ata siyang walang s*x life at nagsimula siyang mawalan noon ng gana sa pakikipagtalik nang mahuli niya si Harold na nakikipag online s*x at namatayan pa sila ng anak dahil sa kababuyan nito.
Ang parteng 'yun talaga ng pagsasama nila ang labis niyang kinamumuhian dahil magmula ng mangyari iyon ay hindi na sila naging maayos ni Harold at humantong na nga sa hiwalayan.
Ipinilig niya ang ulo at bumaling sa kalsada ang tingin, hindi na niya pinatulan ang pambubuska ng kaibigan dahil umusad na din sa wakas ang mga sasakyan.
Nang matapos silang makapag bihis ay agad na din silang umalis, hinayaan na lamang niyang si Brianna ang mag drive dahil mas kabisado nito ang bar na pupuntahan nila.
"Ang daming tao bakla." Sambit niya pagpasok nila sa loob ng bar.
"Malamang marami besh, weekend bukas---
Ayun na sila Jerald tara na." Turo nito sa grupo nila Jerald ka-trabaho nila ito dati na lumipat ng branch at naging kaibigan na rin. May mga kasama ito sa isang table dalawang babae at tatlong lalaki at sa tingin niya ay mga bata pa ang mga iyon. Katulad ni Brianna ay bisexual din si Jerald pero hindi ito baklang bakla dahil pumapatol pa din naman ito sa babae ayon na din sa kwento nito noon.
"Hey-- mga bakla!" Tili agad ni Jerald pagkakita sa kanila ni Brianna.
"Hello beks-- ano na kanina pa ba kayo?" Masiglang tanong ni Brianna kay Jerald.
"Kadarating lang namin bakla--- hi Lenna, buti naman girl lumabas ka sa lungga mo." Baling ni Jerald sa kanya.
"Naku etong si Brianna eh ang kulit--kamusta ka naman?" Sagot at tanong niya at the same time.
"Eto maganda pa rin-- Nga pala mga friendship sila pala ang mga ka-trabaho sa branch namin dati." Saad nito at isa isang ipinakilala ang mga kasama nito at tama nga siya mga bata pa ang mga ito. Ang pinakabata ay 25 years old.
Nag order ang mga kasama nila ng iinuming cocktail drinks at wine at habang lumalalim ang gabi ay patindi ng patindi ang pagiging wild ng mga kasama niya, at pati si Brianna ay napapansin niyang tinatamaan na din. Nasa dance floor na ang mga ito at nagsisipag sayaw na habang siya ay nakaupo lamang at umiinom na mag-isa.
Maya maya lang ay naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya at nakita niya sa notification na mayroon siyang email.
At dahil medyo bored siya ay minabuti niyang i-check na lamang ang laman ng email.
'Hi miss Martinez, Thank you for informing me but Im already on-board, You can message me on this number.'
Ang nabasa ni Lenna sa email. At naalala niya ang client nilang hina-handle niya ang account, nagsend siya kanina ng email dito.
She saved his number and tried to send him a message using the w******p sapagkat 'yun lamang daw ang pwede sa barko dahil nga sa limited ang signal nito doon.
'Hi, This is Lenna Martinez, thank you for the response sir, so I just want to inform you that your credit card is already approved.'
Pag-type 'nya at tsaka i-sinend dito.
After a few moments ay tumunog ulit ang phone niya at nakita niya ang numero ni Larry.
Ewan ba niya kung bakit parang excited siyang buksan ang message nito. Maybe dahil nabo-bored lang siya o dahil sa may tama na yung nainom niya.
"Hi ganda, thank you sa pag- inform--how are u?" Reply nito.
Natigilan siya sa banat ng binata pero may parang kilig siyang naramdaman.
'Bakit ako kinakamusta ng mokong na to?' Tanong niya sa sarili habang natitigilan and doesn't know kung re-replyan pa ba ito o i-ignore na lamang niya.
Pinili niyang huwag nang pansinin at nagkunwaring wala siyang interest dito.
Hindi niya pa nalilimutan ang itsura ng lalaki dahil sa kakaibang lakas ng loob at karisma nito nang pumunta ito ng personal sa banko nila. At aaminin niyang may dating sa kanya ang binata inspite the thought na malayo ang agwat ng edad nila na halos 6 years din.
Habang nalilibang siya sa panonood ng mga nagsasayaw ay naramdaman ulit niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone kaya agad niya iyong inapuhap sa loob ng kanyang bag.
Nakita niya ang number ni Larry and he's calling through videocall. Napakunot ang noo niya at pinindot ang cancel button but it seems na desidido ito kaya wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag nito pero kinailangan niyang lumabas sa bar para magkarinigan sila.
"Hello? bakit ka ba tumawag ha?" bungad niyang tanong sa iritadong tinig.
Nakita niya ang lalaki na ang luwag agad ng pagkakangiti habang nakatingin sa kanya.
*to be continued*