Chapter 5

1521 Words
"Ang sungit mo naman, pero ang ganda mo pa rin." Saad ng lalaking kausap ni Lenna sa videocall. Napataas ang kilay niya sabay tirik ng mata. "Wag mo nga akong pinagloloko! Ano bang kailangan mo ha at tumawag ka pa talaga?" Mataray na tanong niya sa lalaki. "Easy ka lang, gusto ko lang naman na makipag kaibigan sayo."Aniya pa ng binata. "Nasa bar ka ba?" Dugtong pa nito. "Hindi!,  Nandito ako sa gitna ng kalsada dahil balak kong magpasagasa." Sikmat na tugon niya sabay ngisi sa harap nito. "Hahaha, nakakatawa ka naman Lenna." Ani Larry sabay tawa. "Umiinom ka ba?" Sunod na tanong pa nito. "Bakit ang dami mong tanong? Ano ba talaga ang gusto mo?" Naiiritang tanong ni Lenna sa binata and wonder why she's still talking to him. "Sorry na, gusto ko lang ng makaka-usap ngayon. Ang lungkot kasi dito sa barko pag ganitong pahinga na namin." Tugon ng binata na biglang nalungkot ang mukha. Natigilan si Lenna at para siyang nakonsensya sa pagtataray niya dito. Wala naman kasi itong ginagawang masama sa kanya. Naglakad siya ng mamataan ang isang bench sa labas ng bar at naupo roon and decided na kausapin na lamang ito since hindi naman talaga siya nag-eenjoy sa pagsama sa bar na 'yun. "Okay, p-pasensya na sa pagtataray ko. Nasaan ba kayo ngayon?" Bigla ay naisip niyang itanong sa binata. Nakita kasi niya sa background nito na para itong nasa deck ng barko. "Nandito kami ngayon sa China sea, medyo malamig dito ngayon at narito ako sa may deck para makasagap ng signal." Saad nito at iniikot pa ang hawak nitong cellphone para ipakita sa kanya kung nasaan ito sa kasalukuyan. "Mahirap ba ang reception ng signal ninyo diyan?" Tanong pa niya at hindi na namamalayan na nagiging at ease na siya sa pakikipag-usap kay Larry. "Oo sobra, lalo kapag nasa gitna kami ng karagatan. Pero kapag nasa port kami doon malakas ang signal ng mga telepono namin." Tugon ng binata na matamang nakatitig sa kanya. "Ganun pala 'yun. Baka nakakaistorbo na ako sayo, papasok na ako sa loob ng bar hinahanap na ako ng mga kasama ko." Pagpapaalam niya dahil baka nga kanina pa siya hinahanap ni Brianna. "Teka lang Lenna, Ahhmm pwede ka bang maging kaibigan at kung pwede ba kitang i-chat?" Pigil nito nang akma sana niyang papatayin na ang tawag. Natigilan siya at sandaling nag- isip. "W-wala ka bang asawa o girlfriend na kausap?" Biglang tanong na namutawi sa labi niya patungkol dito, and she instantly get curious. Nakita niyang lumungkot ang mukha nito at napasinghap. "I don't have, dahil kung meron hindi kita kinakausap ngayon." Tugon nito na parang may kaakibat na pait ang tinig nito. "G-ganun ba o baka naman mahilig ka talagang mambola." Bigla ay sambit niya at naisip na baka nga nambobola lang ang binata dahil hindi naman imposible iyon sa klase ng propesyon nito. Ang sabi nga ng iba 'every port report' daw ang mga seaman na ang ibig sabihin ay sa lahat ng dinadaungan ng barko ng mga ito ay may mga babae. And that was an old saying actually. "Hindi ako ganoong uri ng lalaki Lenna." Ani Larry na matiim na nakatitig sa kanya. "Actually ako nga ang naloko ng dati kong girlfriend." Dugtong pa nito sa sinasabi at nakita niyang lumungkot ang mukha nito. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa binata sa nalaman niya tungkol sa masamang karanasan nito sa pag-ibig. "S-sorry, hindi naman kita sa hinuhusgahan. Ano bang nangyari?" She asked him curiously. Bumuntong hininga muna ang binata bago nagsalita. "Nahuli ko siyang may ibang lalaki at inuwi pa sa bahay na pinagawa ko para sana sa amin." Kwento ni Larry sa naging karanasan niya sa kanyang ex-girlfriend na si Jelay. Hindi naman inaasahan ni Lenna ang mga naririnig na kwento ng kausap niyang binata kaya bigla ay nakuha nito ang kanyang simpatya "Ahmm- Larry I really hate to interupt sa pagku-kwento mo but I need to go now, pwedeng sa susunod na lang tayo mag-usap?" Paghingi niya ng paumanhin at pagpapaalam na din niya sa binata. "It's okay Lenna, tatawagan na lang ulit kita sa susunod kung ayos lang sayo?" Tanong nito sa nagsusumamong mukha. "Sure, walang problema, bye!" Paalam na niya at pinatay ang tawag nito. Agad agad naman na siyang bumalik sa loob ng bar para hanapin ang kaibigang si Brianna. "Besh! Kanina pa kita hinahanap saan ka ba nanggaling ha?" Hila sa kanya ng kaibigang bakla nang mamataan siya nito sa loob ng bar. "Nagpahangin lang ako sa labas bakla, ano uwi na ba tayo?" Tugon at tanong niya kay Brianna. "Mamaya na, ang aga pa eh, nagyaya sila Jerald sa bahay ng isang kasama niya bet mo bang sumama?" Tanong pa ni Brianna na ikinatirik naman ng mata niya. Paano ay kanina pa siya nabo-bore sa mga kasama dahil hindi naman niya masakyan ang mga trip ng mga ito. "Hindi ako sasama Brianna, uuwi na ako ikaw kung gusto mong sumama eh bahala ka." Walang kangiti-ngiting turan niya pa sa kaibigan. "Oh siya hindi na kita pipilitin ako na lang ang pupunta." Saad ni Brianna na hindi na siya pinilit pa. "Ikaw bakla ka sinasabi ko sayo wag kang uuwi na naman ng lasing." Pagpapaalala niya sa kaibigan bago siya lumabas ng bar na 'yun. "Oo na besh, mag-ingat sa pagdi-drive." Sambit naman ng kaibigan before she leave. Nang makarating sa apartment si Lenna ay agad na siyang nagbihis ng damit pantulog at dahil talagang hapong hapo na siya  kanina pa ay agad na ding siyang nahiga para makapag pahinga. Habang nakahiga sa kanyang kama ay lumitaw sa balintataw niya ang imahe ng isang lalaki and it was Larry ang seaman na nakausap niya kani kanina lamang. Ewan ba niya but there's something in his eyes and his smile that capture her interest and it was odd dahil sa unang pagkakataon sa buhay niya ay na-attract agad siya sa lalaking mas bata sa kanya ng halos anim na taon. Simula nung magkakilala sila two months ago sa bangko na kung saan ay personal itong pumunta para asikasuhin ang credit card application nito ay hindi na nawala sa isip niya ang malagkit na titig at ngiting mapang-akit nito sa kanya. And she wasn't that naive not to recognize that kind of look that a man could give to a woman like her. A lustful kind of look ika nga at 'yun ang nakita niyang tingin nito ukol sa kanya. Well who would have thought na isa na siyang 34 years old na kagagaling lang sa annulment at ngayon ay single na ulit. She was baby face ika nga at maraming nagsasabing mukha siyang 27 years old lang. Maputi kasi siya at slim ang pangangatawan at higit sa lahat ang asset niya talaga ay ang kanyang medyo malulusog na dibdib at ang kanyang balakang. Nasa 36,26,36 ang kanyang vital statistics kaya no wonder most men chase after her lalo pag nalamang single na siya ulit. After kasi ng pagkakahiwalay nila ng kanyang dating asawang si Harold ay hindi na siya sumubok na makipag date sa ibang lalaki kahit pa on-process na ang annulment nila noon, samantalang si Harold ay nakahanap naman agad ng bago anim na buwan mula ng maghiwalay sila ng tirahan. Ang bilis para sa lalaking 'yun na makapag-move on samantalang siya ay hindi mawala-wala ang sakit ng dahil sa pagkawala ng magiging anak sana nila. After she lost her baby ay naging malulungkutin na kasi siya noon at doon na din nagsimulang maging toxic ang pagsasama nila ni Harold. Lagi na niya itong inaaway sa walang kabagay bagay at nagsimula din siya noon maging paranoid na lagi na niya itong pinag-iisipan ng masama, until one day Harold talk to her. Flashback "Lenna, Im sorry but we have to part ways alam kong ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng magiging anak natin, and Im guilty dahil alam kong sumama ng sobra ang loob mo sa nakita mo." Simula ni Harold sa pag-uusap nila noon. "And Im so sorry, I will forever bear that in my heart. But it doesn't mean na habang buhay mo na akong sisihin kaya para mawala na din ang sakit diyan sa puso mo na kinikimkim mo para akin ay mas mabuting tapusin na  natin ang lahat. Let's file an annulment case." Saad ni Harold na matamang nakatingin sa kanya. Nangilid ang mga luha sa mata niya pagkarinig sa tinuran ng lalaki. Napalingon siya dito at pinigil na mapahagolgol. "Iyon ba ang gusto mong mangyari?, para magawa mo lahat ng gusto mo ha?" Mapait na tanong niya kay Harold. "Wala akong ibang gustong mangyari Lenna, I want us to free ourselves dahil hindi na tayo babalik pa sa dati." He said. Huminga siya ng malalim at malungkot ang mukhang nilingon ulit ito. "S-sige Harold, pumapayag na ako. Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin, I will cooperate para ma grant agad ang annulment." She uttered sabay tayo at iniwan niya ito sa sala. Naipilig ni Lenna ang ulo and tried to erase that memory in her mind and decided to close her eyes to sleep. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD