Chapter 6

1567 Words
Nakatitig pa rin sa hawak-hawak niyang cellphone si Larry, ibinababa na ng kausap niya na si Lenna ang tawag pero nanatili pa rin siyang nakamata sa cellphone. The reason why he wanted to talk to her aside from the attraction that he instantly felt for her, the very first time na nagkita sila ay parang may agad ng nabuong connection between them, kahit sagilit pa lamang silang nag-kakausap. Masarap kausap si Lenna at may kaunting humor kahit pa napakasuplada din ng dating nito. Nakaramdam agad siya ng longing to talk to her again at dahil ang buhay sa barko ay talaga nga namang nakaka-homesick ay sadyang naghahanap talaga mostly sa kanilang mga seaman ng makakausap kahit man lang through chat or videocall. Siyempre para sa kanilang mga single lang dahil yung ibang kasamahan niyang may mga asawa ay ang mga pamilya na ng mga ito ang madalas na kausap. He took a deep breath at bumaling ang tingin sa malawak na karagatan na siyang tangi nilang nakikita araw-araw. "Hey Larry boy, mukhang may nabola ka na namang babae sa chat ah." Nakangising sambit ng kasamahan niyang cadete din na si Andrew, isa itong second engineer at ito ang madalas niyang kahuntahan sa barko. "Ulol, anong nabola? hindi ako tulad mo na mahilig mang-uto ng chicks 'no." Hayag niyang ngiting ngiti rin sa kaibigan. "Hahaha- may seaman bang hindi bolero tol?" Pagbibiro ulit nito sabay abot sa kanya ng isang latang beer in can. Hindi niya napansing may dala-dala pala ito. "You know what pare, nakausap ko lang naman 'yung crush kong chicka babe, naalala mo 'yung nakwento ko dati na nakilala ko sa bangko sa atin, iyong hot at sexy na chicks, kinontak niya ako pare." Pagku-kwento niya na ang ngiti ay umabot na sa kanyang mata. He was like a teenage boy na biglang kinilig dahil napansin siya ng crush niya. "Wow! Iba talaga ang karisma mo 'tol, ikaw na talaga, imagine siya pa 'yung nag-reach out talaga para makontak ka." Ngising turan ni Andrew habang sumisimsim ng beer. "Well ganyan talaga kapag ma-appeal sa mga babae, palay na ang lalapit." Mayabang na saad pa niya sa kaibigan habang tumatawa. "Matindi ka talaga Larry boy, ano siya na ba ang papalit diyan sa puso mo kay Jelay o isa lamang siya sa dadagdag sa listahan mo ng babaeng pinaasa mo?" Ngising tanong ni Andrew. "Hindi ko sila pinaasa 'tol, sadyang may mga babae talagang madaling makuha, and you know Im just a very kind-hearted man willing to give what they want." Saad niya na makahulugang tinignan ang kaibigan tsaka sumimsim din ng beer. Ang totoo nang magkahiwalay sila ni Jelay ay nag-umpisa na siyang maging mahilig sa mga babae. Marami na siyang nakaka-date kahit noong nasa lupa pa siya at hindi pa nakakasampa. But inspite of all those women na dumaan sa kamay niya at pumuno sa mga malalamig niyang gabi ay hindi pa rin nito napapawi ang sugat na nilikha ng babaeng una niyang minahal ng sobra at ito nga ay si Jelay. Naisip niya din noon na patawarin na lamang ito at mag-umpisa sila ng panibago subalit kapag naiisip niyang posibleng ulitin lang nito ang panloloko sa kanya ay pinili na lamang niyang iwasan at kalimutan ito, kahit panay din ang pagmamakaawa ng babae sa kanya na balikan niya ito noon. Kahit mahirap at masakit ay pinili niyang mag-moved on at isa nga sa ginawa niya ay ang makipag flirt sa iba't-ibang babae na alam niyang may gusto rin sa kanya. Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng maramdaman niyang tinapik siya sa balikat ni Andrew. "Alam mo pare hindi naman lahat ng babae ay katulad ni Jelay, why don't you try to open up your heart again, besides matagal na kayong wala ng ex mo. And maybe that woman you are talking to right now is the one." Seryosong hayag ng kaibigang si Andrew. Napatingin siya dito at biglang bumunghalit ng tawa sa harap nito. "Sayo pa talaga galing ang salitang yan pare ha, ikaw bakit hanggang ngayon hindi mo maiwas-iwasan yang si Mona?, habang kasal na kayo ni Ingrid.?" Balik niya sa kaibigan. May asawa na si Andrew at bagong kasal lamang ang mga ito, si Ingrid ang asawa ng kaibigan at si Mona naman ay ang matagal na nitong ka-chat na mayroon ding asawa. Hindi nagkaroon ng relasyon sila Andrew at Mona dahil na din sa ito ang gusto ng babae sa kadahilanang kasal ito sa asawa kahit pa ang sabi ay hiwalay na ang mga ito, alam niyang may nararamdaman ang kaibigan niyang si Andrew kay Mona dahil sa tagal na din naman ng mga itong magka-chat at minsan na ding nagkita. Subalit girlfriend na din noon ni Andrew si Ingrid at naka set na ang kasal ng dalawa at alam iyon ni Mona, kaya sinabihan nito ang kaibigan na pakasalan na nito ang nobya at maging magkaibigan na lamang sila ni Andrew. Alam niyang mahirap iyon sa parte ng kaibigan niya but he still pursue and marry his girlfriend, pero hindi nito nagawang bitiwan si Mona. "Iba ang kaso namin ni Mona at alam mo 'yan pare, kung sana pareho kaming malaya noong nagkakilala kami." Malungkot na saad ng kaibigang si Andrew, at alam niyang labis itong nahihirapan sa sitwasyon nito ngayon dahil kahit gusto nitong ipaglaban ang pagmamahal nito kay Mona ay hindi na maari dahil kasal na ito kay Ingrid. "Naiintindihan ko yang nararamdaman mo pare, at kung ako din siguro ang nasa sitwasyon mo maaring mahirapan din ako," Aniya kay Andrew. "Pero sa tingin ko kailangan mo nang mamili sa kanilang dalawa kung sino ba talaga ang mas mabigat diyan sa puso mo. Dahil kung ipagpapatuloy mo pa rin ang komunikasyon niyo ni Mona ay baka sa huli pareho din kayong masaktan at mahirapan." Payo ni Larry sa kaibigang si Andrew. Bumaling ang tingin nito sa karagatan at napabuntong-hininga . "Kung sana ganoon lang kadali yun pare, iba si Mona kay Ingrid. Siya iyong tanging babaeng nakaka-intindi sa akin, tanggap niya ako with my imperfections." Turan nito na mababanaag ang lungkot sa tinig. "Sobrang na-attach kayo sa isa't-isa kahit sa chat lang kayo nag-uusap kaya siguro mahirap para sayo ang bumitaw." Tugon niya na tinapik ito sa balikat tanda ng pakikipag simpatya sa pinagdadaanan nito. Sa mga katulad nilang marino ay hindi talaga minsang maiwasang makaramdam sila ng lungkot lalo na at malayo sa mga mahal sa buhay at minsan ang tanging libangan nga ng ilan sa kanila ay ang pakikipag chat sa mga nakikilala nila madalas sa mga online dating app. Talamak ang ganoong site ngayon lalo sa mga ofw at hindi lang mga katulad nilang seaman, dahil kasi doon kahit paano ay may mga nakakausap silang ibang tao through chat or videocall. Kaya madalas nagkakaroon ang iba ng karelasyon bukod sa mga totoong partner na nasa Pinas sa kadahilanang mas nakukuha ng ibang lalaki ang comfort na kailangan nila sa ibang nakakausap lang nila sa social media, and most of the time love develops kaya nga nagkakaroon ng bawal na relasyon. Napabaling siya sa kaibigan ng tumikhim ito. "Kapag naranasan mo na ang katulad ng sitwasyon ko at makahanap ka ng tulad ni Mona ay 'dun mo lang ako maiintindihan pare." Saad pa ni Andrew na tipid siyang nginitian at inubos ang iniinom na beer in can. Napatingin lang siya sa kaibigan at umiling-iling. Ayaw niyang magsalita ng patapos but in time na dumting siya sa ganoong sitwasyon ay sisiguruhin niyang gagawin niya ang tama at ipaglalaban ang pagmamahal niya whatever it takes. Naghuntahan pa sila ni Andrew bago nagpaalaman na sa isa't-isa para makapagpahinga na din. Nang makapasok siya sa loob ng kanyang kabina ay muli na naman niyang naramdaman ang lungkot at pag-iisa. Kinuha niya ang kanyang cellphone and decided to send a chat message to Lenna. 'Hi ganda, naka-uwi ka na ba?' Pagta-type niya sa message na pinadala sa dalaga. Sandali siyang naghintay at maya-maya pa ay tumunog na agad ang message alert tone kaya madali niyang binuksan ang mensahe na galing nga sa dalaga. 'Oo, naka-uwi na ako, oh bakit gising ka pa, ala-una na ng madaling araw ha?' Tanong sa chat ni Lenna. Napapangiti pa siya habang binabasa ang chat ng babaeng hinahangaan niya. Agad siyang nagtipa ng isasagot sa message nito. 'Hindi pa kasi ako makatulog, iniisip kasi kita.' Aniya pa sa chat. 'Bolero ka talagang seaman ka!' Halos matawa si Larry sa sagot ng dalaga, mukha talagang ayaw ng binobola. Sa isip-isip niya. 'Hindi kita binobola, sa talagang nagagandahan ako sayo.' He replied with smiley emoji pa. 'Hoy mister, hindi mo ako mau-uto ano! Pwede tantanan mo ako!' Nabasa niyang sagot ng dalaga na mas lalong nagpasidhi sa nararamdaman niyang thrill. Mukhang hindi ito easy to get kaya na-excite siya lalo dahil gustong-gusto niya ng mga challenges sa buhay. 'Sorry but I can't do that, especially now that you already captured my heart.' Reply niya at tsaka nahiga na ng may ngiti sa labi. Hindi na siya nireplyan ni Lenna but he knew na nabasa nito ang huling message niya. Larry decided na hayaan muna ito at baka napagod din kaya nakatulog na. He closes his eyes but still mukha ng magandang si Lenna pa rin ang nakikita niya. It seems that she really captured his attention. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD