Tumingin si Lenna sa gawi ni Larry at napataas ang kilay. 'wow naman ang tindi ng isang 'to.' aniya sa isip patungkol sa binata. "Hahaha---ikaw ha, hindi ka na ata makapaghintay na maka-score." tawang biro niya pero ang totoo ay kanina pa siya kinakabahan dahil baka pag nag-aya ito ng bakbakan ay hindi siya umurong. Natawa ng lihim si Lenna sa kapilyahang naisip. "Oo Lenna simula pa nga lang nang una kitang makita ay talagang naakit na ako sa kagandahan mo--kaya ang saya ko nang magkaroon tayo ng chance para makapag-chat." anito na titig na titig sa kanya. "Wow talaga lang ha? So tell me Mister seaman ilang babae na ba ang nasabihan mo niyan?" nakangising tanong niya pa dito trying to pissed him off. "Ikaw lang ang sinabihan ko 'nyan Lenna at totoo sa loob ko 'yun--- You really are b

