"Uwi na tayo bakla--- pagod na ako." pag-iiba niya sa usapan nila at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. "Ewan ko sayong bakla ka ang labo mo din eh noh." anito at iiling-iling na sumunod na ding pumasok at nagkabit ng seatbelt bago niya pinaandar na palayo ang kotse. Nang makarating sa apartment nila ay agad na siyang pumasok sa loob ng kanyang silid at naiwang nagtataka si Brianna ngunit hindi na rin nagsalita pa, she felt exhausted dahil sa pagtatalo nila ni Harold kanina. She couldn't believe na malalaman nito ang pinakatago-tago niyang sekreto. Ang tagal na 'nun at ang hayop na matandang 'yun ay ang kapal ng mukhang puntahan pa siya pagkatapos ng kawalanghiyaan na ginawa nito sa kanya noon. Ni hindi man lang natakot na puntahan siya at inisip na isuplong niya ito sa pulis. At

