Deanna Point of View
Today is our game, FEU kalaban namin. Wala ako sa mood maglaro dahil iniisip ko yung pakikitungo sakin ni Jema past few days.
Kaya naman nilabas agad ako ni Coach O first set palang. Araw-araw ko dinadalaw si Jema sa hospital pero ang cold pa din ng pakikitungo niya.
Hay! Akala ko ba ayos na kami, bakit ganun? Ang hirap naman.
"Deanna ayos! Mahalaga ang game natin!" Sigaw sakin ni Coach O.
I nodded. "Sorry coach."
"Puro nalang sorry, first set palang wala kana agad sa sarili mo!"
"Coach kakausapin ko nalang si Deanna." Sabi ni Coach Mona.
Hinatak ako nito papasok sa dugout. "Deans, ano bang problema? Hindi pa din ba kayo ayos ni Jema?"
"Walang problema ate, medyo wala lang talaga ako sa mood ngayon."
Hinawakan nito ang magkabila kong shoulder. "Deans kailangan ka ng team."
"Opo ate, pipilitin ko maging maayos yung laro ko."
"Kaya mo ba? Pwede ko naman sabihin kay Coach O na masama ang pakiramdam mo, namumutla ka eh."
"Kaya ko po, wala akong sakit. Wala lang talaga ako sa mood pero pipilitin ko po na baguhin ang mood ko at maayos ang laro ko." I said.
Ngumiti ito at bumalik na muli kami sa bench. First and second set ay si Jaja ang setter, pinasok lang ako nung third set na.
"Deanna umayos." Rinig kong sabi sakin ni Coach O.
Tumango ako at pumwesto. Si ate Bea ang nag-serve, na received naman ito ni Negrito at inispike agad ni Celine.
Na-block naman ni ate Bea pero outside kaya sa feu ang puntos. Palitan lang kami ng score hanggang sa lumamang na ng five points ang feu.
Masyado na akong frustrated kaya nakataas na ang aking kilay at medyo napagsasalitaan na ang aking mga spiker.
"Ponggay, umaatras ka na ng todo, hinahabol mo na naman! How many times do I have to tell you na lumagpas na sayo, bitawan mo na. Pag iniwan ka, wag mo nang balikan." Tumalikod si Coach pero humarap din agad. "Diba?"
Hinawakan ko sa balikat si Pongs bilang comfort. "Okay lang yan, Pongs." Bulong ko sa kanya.
Bumalik na ulit kami sa pwesto namin, sinerve ni Celine, na received ni Dani at sinet ko naman papunta kay Pongs.
Inispike nito at sa sobrang lakas ng spike niya kahit binlock siya ay lumusot pa din ang bola.
Bumalik ulit ang sigla ng team, tuwing nakakapuntos kami ay ginaganahan ang team kaya sinisikap namin makapuntos.
Jema Point of View
Nakahiga ako sa hospital bed habang nanonood ng UAAP volleyball, may tv kasi dito sa room ko. Oh diba sosyal?
"Nakasimangot na yung baby mo ah." Cy said.
"Naiinis na yan, tingnan mo oh, kanina sinabihan si Bea."
"Oo nga, ikaw kasi eh."
"Bakit ako?" I asked him.
"Hindi mo kasi pinapansin eh, yan tuloy pangit ng laro."
"Gaganda din yan, mamaya aayos din yan for sure. Yan pa! Eh ayaw nyan natatalo, matatalo man siya pero gusto niya binigay niya yung best niya." I said.
"Sa bagay kilala ko si Deanna na hindi basta basta nagpaparaya o sumusuko, kahit immature siya palaban siya."
"Yeah, immature but she very strong."
Nakuha ng ateneo ang third set at fourth set pero hindi talaga ako maka-move on sa ginawa ni Deanna.
Umispike lang naman siya sa fourth set and sobrang lakas, ang taas pa ng talon niya.
Kakaiba siya, ilang beses siya naka-score sa drop ball tapos nakaka-block pa siya, na block niya pa nga si Celine.
"Fifth set na, sana manalo sila." I said to myself.
Fifth set na kaya naman ang mga mata namin ni Cy ay tanging sa TV lang nakafocus.
Nag-apir kami ni Cy nang manalo ang ateneo. "Ang galing talaga ng girlfriend mo."
"Syempre mana sakin." I said while smiling.
"Umiiyak yung jowa mo oh." Sabi ni Cy at tinuro ang TV.
"Tears of joy lang yan. Masaya lang yan kasi hindi niya ine-expect na mananalo sila at makaka-eight points siya. Nakita mo naman kasi ang laro nila kanina, halos walang kagana-gana."
"Yeah, mabuti nga nung pumasok ulit si Wong naayos na ulit yung laro eh, napaka-charming talaga ng jowa mo."
"Charming lahat ng tao pwera lang sayo." I laughed. "Joke!"
"Bukas lalabas kana ng hospital." He said.
"Yeah, sa wakas makakapag-training na din ako."
"Magtra-training kana agad? Diba dapat magpahinga ka muna?" He asked.
"Cy isang linggo na akong pahinga, kailangan ko na kumilos."
"Medyo malayo pa naman yung PVL season 3 ah."
"Eh kahit na tsaka may bago daw na darating sa team eh, ipapakilala daw ni coach Oliver samin pag nakalabas na ko dito sa hospital, kapag complete na daw kami." I said.
Isa kasi si Coach Oliver sa assistant coach ng creamline.
Ngayon na ang labas ko sa hospital at si ate Ly ang sumundo sakin, kasama si ate Mel.
"Si Deanna ang dapat susundo sayo kaso si Deanna may interview daw kaya kami nalang ang sumundo sayo." Ate Mel said.
"Okay lang po, lagi naman busy yun." I said.
Hay! Nakakatampo siya, huling kita ko sa kanya nung sabado pa, lunes na ngayon.
"Jema nandito na tayo."
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa dorm dahil sa kakaisip kay Deanna.
"Tulala, anong iniisip mo?" Tanong ni ate Ly habang naglalakad kami papasok sa dorm.
"Wala ate." Pagpasok namin sa loob, sumabog samin ang confetti. "Taray."
"WELCOME BACK MARENG JEMA!!"
"Thank you guys." I said to them.
"Bes namiss kita." Sabay yakap sakin ni Kyla.
"Opps! Mamaya na yan. Jema magpahinga ka muna." Ate Jia said.
Tumango naman ako at nagpaalam sa mga ka teammates ko. Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga agad ako at pinikit ang aking mata. Kahit wala akong ginawa feeling ko pagod na pagod ang katawan ko.
Deanna Point of View
Pagka-gising ko palang ay chinat ko na agad si Jema sa messenger. "Good morning love. ♥"
Dahan-dahan kong ginagalaw ang aking balikat dahil sa sobrang sakit nito. Hay! Hindi naman kasi ako spiker, bakit ba kasi pumasok sa isipan ko iispike yung bola?
"Masakit?" Sabay hawak ni ate Mads sa balikat ko.
"Aray!" Daing ko.
Biglang sumulpot si Aya. "Anong nangyari?"
"Masakit balikat ni Deans." Ate Mads said. "Maupo ka muna, Wongskie. Hihilutin kita."
"Thanks ate." I said and sit on the couch.
Habang hinihilot nito ang aking balikat ay napakagat nalang ako sa unan dahil sa sobrang sakit.
"Kaya pa?"
"O-oo." Nahihirapan kong sabi.
Shit! Sobrang sakit talaga. Parang ayaw ko na umispike ulit, bakit kasi ginawa ko pa yun eh?
Makalipas ang ilang minuto ay nakahinga narin ako ng maluwag pero masakit pa din.
"Okay ka na?" Ate Mads asked.
"Bakit masakit pa rin?" Reklamo ko.
"Gusto mo isa pa?"
Akmang pwe-pwesto ulit 'to pero umiwas na ko. "Okay na ko."
"Hahahah! Cge na maligo kana para makaalis na tayo maya-maya, may training pa." She said while laughing.
Umakyat na ko ng kwarto, kinuha ko muna yung bathrobe at phone ko bago pumasok sa CR ng kwarto namin ni Pongs.
Nang matapos ang aking klase nagkita kami ni Luigi sa zen garden dahil may sasabihin daw siya.
"Gi!"
He looked at me and smiled. "Deanna."
"Ano yung sasabihin mo?" Naupo ako sa kanyang tabi.
"Kumain ka na? Kumain muna tayo, treat ko."
"Sure, ramen ah."
"Let's go."
Pumunta na kami sa pinagparadahan niya ng kotse niya, iniwan ko nalang yung kotse ko sa harap ng SSB dahil hindi naman ito mawawala.
"So ano nga yung sasabihin mo, Gi?" I asked him while eating.
"Kasi m-may nakita a-ako."
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya. "Bakit nauutal ka?"
"Eh kasi baka sabihin mo sinisiraan ko siya sayo."
"Sino ba tsaka ano ba yun?" Takang tanong ko.
Napakamot muna ito sa kanyang batok bago nagsalita. "Napadaan kasi a-ako kanina sa harap ng CMS-Asia."
"Oh tapos?" Pinagpatuloy ko na ang pagkain ng ramen ko, baka lumamig eh.
"Tapos nakita ko si Jema, kasama sila ate Jia at ate Ly . . . May kasama din silang lalaki papasok ng CMS."
Isusubo ko sana yung noodles kaso napatigil ako ng marinig ang salitang lalaki. "Sinong lalaki?"
"Inabutan nung lalaki ng bouquet flower si Jema tapos chocolate ata yun."
Nakita kong napalunok si Luigi nang biglang magbago ang expression ng mukha ko.
"Kilala mo yung guy?" I asked.
"Ha——Oo . . Si John Vic."
Sabi ko na nga ba eh! Hindi niya ba alam na girlfriend ko si Jema? O hindi sinabi ni Jema?
Jema Point of View
"Vic maraming salamat sa flower ah."
"Wala yun, para sayo." He said and smiled.
I smiled pero pilit lang. Ayaw ko sana tanggapin yung bulaklak dahil baka malaman ni Deanna at pag-awayan na naman namin.
Kaso ayaw ko naman maging bastos tsaka baka nagbigay lang 'to dahil tinulungan ko siya.
"Bakit mo pala ako nito binigyan?" I asked.
"Uhm . . Pasasalamat dahil tinulungan mo ko. Nga pala pwede mag tanong?"
"Sure." Naupo kami sa couch ng lobby dito sa CMS.
"Bakit ang ganda mo?"
"Hahahah! Bolero mo naman."
"Hindi ah, sobrang ganda mo kasi kaya natanong ko." He said and smiled.
"May kailangan ka ba sakin?"
He laughed. "Wala, sinabihan ka lang ng maganda, may kailangan agad?"
"Ganun kasi yung ibang lalaki eh."
"Hindi nila ako katulad, nagsasabi ako ng totoo."
"Salamat." I stood. "Aalis ka na ba?"
"Yeah." He stood. "Jema pwede ba kita iinvite ng dinner?"
"Ah——Eh busy ako eh." I said.
"Hindi naman ngayon eh, kapag free ka."
Nag dalawang isip muna ako bago nagsalita. "Sure."
"Okay, text nalang kita." He kissed my cheek before umalis.
GOSH! Bakit ba ang hilig niya manghalik sa pisngi? Hindi niya ba naiisip na maiissue kami? Hay! Palibhasa lalaki kaya walang pakialam sa mga issue.
"Nakita namin yun." Ate Mel said.
"Ang alin?" Kunwaring hindi ko alam kahit alam ko naman.
"Sus, hindi pa nga kayo masyadong ayos, may umeeksena na agad sa inyo ni Deanna." Ate Michele said.
"Hindi naman po, gusto lang ata makipag-kaibigan nung tao." I said.
"Ata . . Ibig sabihin hindi ka sigurado, naku Jema mahirap yan." Ate Coleen said.
"Mukhang may gusto sayo si Vic, kitang-kita namin." Kyla said.
"Oo nga, nakita namin kung paano ka titigan ni Vic. Hindi kaya makasira yan sa relasyon niyo ni Deanna?" Ate Ly said.
"Kung manliligaw man po siya, hindi ako papayag."
"Ang tanong. Mapipigilan mo ba si Vic? Balita ko kay Vic kapag may gusto yang isang babae, talagang pinaglalaban niya kahit ayaw sa kanya nung girl." Ate Mel said.
"Bahala po siya basta ako walang balak sa kanya makipagrelasyon dahil may girlfriend na ko." I said.
Hindi naman na sila umimik pa, pumunta ako sa isang cabinet kung saan nakalagay ang mga ladders.
Nang matapos ang training namin ay nag-shower agad ako. Pupunta ako ng UST balak ko bisitahin si madam Mafe.
"Saan punta mareng Jema?" Kyla asked.
"May date kayo ni Vic?" Mapang-asar na tanong ni Risa.
"Pupunta ako ng UST, bibisitahin ko yung sister ko. Tsaka wala akong balak makipagdate kay Vic, friendly date pwede pa." I said habang sinisintas ang shoes ko.
"Bye ingat Jema!" Rinig kong sabi ni ate Jia habang naglalakad ako palabas.
Lumingon ako at nag-wave, muli na kong naglakad. Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar patungo sa UST.
••••••••••••••••••••••••