CHAPTER 5

1823 Words
Deanna Point of View Wala kaming training ng hapon dahil may meeting lahat ng coaches ng UAAP. "Deans tumatawag daw sayo si ate Jia." Ate Maddie said. "Naiwan ko yung phone ko sa car, pakisabi saglit lang." Lumabas ako ng dorm at kinuha ang cellphone ko sa kotse. Pagkakuha ko sakto tumawag ulit si ate Jia, sinagot ko ito. "Hello ate Jia?" "Wong i need you." "Bakit ate?" "Pumunta ka dito sa providence hospital ngayon na, dinala namin si Jema dahil nahimatay siya sa kalagitnaan ng training namin." Hindi na ko nagsalita at pinatay na agad ang tawag. Tumakbo ako papasok sa dorm at kinuha ang susi ng kotse ko na nakasabit sa pader. "Deanna saan ka pupunta?" Tanong ni ate Bea. "May pupuntahan lang ako." I said. Narinig ko pa na tinatawag ako nito pero mabilis ko ng pinaandar ang kotse. Ano kaya ang nangyari sa kanya? s**t! Sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Mabilis akong nakarating sa hospital dahil malapit lang naman ito sa ateneo. Habang naglalakad ako papasok sa hospital kausap ko si ate Jia sa phone. "Nasan kayo ate Jia?" "Nasa room 513 kami, fifth floor." "Okay, malapit na ko." Sasakay dapat ako ng elevator kaso puno na kaya naman nag hagdanan nalang ako. After a few minutes nakarating nadin ako sa tapat ng room. "Deanna." Naabutan ko si ate Coleen sa labas ng kwarto. "Ate kamusta na si Jema?" "Pumasok kana lang sa loob." She said and siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sakin. Dahan-dahan akong pumasok, nakita ko si Jema na nakahiga at nakapikit, chine-check ng doctor. "Ate Jia, anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay ate Jia. "Hindi ko alam." Lumapit ako sa doctor na kasalukuyan chume-check up sa kanya. "Excuse me dr. Kamusta na siya?" Humarap ito nagulat ako ng malaman kung sino ito. "Kuya Adrian?" "Deanna, ikaw pala." Niyakap ako nito. "Kamusta kana?" "Okay lang. Ikaw? Bakit pala nandito ka? Diba sa cebu ka naka-assigned?" "Nilipat ako dito. Nga pala girlfriend mo ba 'tong si Jema Galanza?" He asked. "How do you know?" "Nabanggit sakin kasi ni tito ang pangalan ng girlfriend mo." He said. "Kamusta na siya?" I asked. "Mukhang pinapaiyak mo girlfriend mo ah, mugto ang mata tapos kitang-kita sa mukha ng girlfriend mo ang stress." Narinig kong tumawa ang teammates ni Jema pero hindi ko sila pinansin. "Dami mo naman sinasabi pinsan, ano nga lagay ng girlfriend ko?" Inis kong tanong. "Okay na siya, kulang lang siya sa pahinga at tulog. Nilalagnat din siya and kailangan niya mag-stay dito ng one week para ma-observed siya." "Cge makakaalis kana." "Sungit mo pa din." Sabi nito at lumabas na. "Deans lalabas muna kami ah." Ate Jia said. Isa-isa silang lumabas hanggang sa kami nalang ni Jema ang natira. Dahan-dahan akong naupo at tinitigan ang kanyang mukha. Jema Point of View Dahan-dahan akong nagmulat. "Nasan ako?" Puro puti ang nasa paligid ko. Inangat ko ang aking kamay at may natamaan akong tao. "Aray!" Napatingin ako sa aking gilid, nagulat ako ng makita ito. "Anong ginagawa mo dito?" "Maayos na ba yung pakiramdam mo?" "Maayos naman talaga ako." Inikot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa hospital pala ako. "Bakit hindi mo sinabi sa teammates mo na may sakit ka? Hindi kana sana nadala dito sa hospital kung nagpahinga ka lang." Sermon nito sakin. "Bakit ka ba nandito? Nasan sila ate Jia?" I asked. "Nasa labas si ate Jia and ate Ly, yung iba naman umuwi na sa dorm niyo." "Umuwi kana." Tumalikod ako dito ng higa. "Hindi ka ba magpapasalamat sakin? Pinuntahan kita dito agad ng malaman kong may sakit ka." "Kung nanunumbat ka mabuti pa umalis kana kasi hindi masyado okay ang pakiramdam ko." I said. Shit! Gusto na naman tumulo ng luha ko, tuwing nakikita o naaalala ko siya naiiyak talaga ako. "Hindi ako nanunumbat tsaka pwede ba harapin mo nga ako." Tumulo ang aking luha. Nagulat ako ng pumunta ito sa kabilang side kaya mabilis kong pinunasan ang luba ko. "Umalis kana." "Umiiyak ka ba?" Malumanay nyang tanong. "Hindi." Umupo ito at hinawakan ang aking kamay. "I'm sorry." Dahil sa sorry niya ay tuloy-tuloy ang luhang lumabas galing sa aking mata. "I'm sorry Margarett if I not allowing you to explain." "S-sorry l-lang? Matapos m-mo akong pagsalitaan n-ng masakit n-na s-salita." Umiiyak kong sabi. "Masyado lang ako nag-over react, i'm sorry kung ngayon ko lang narealize na mali ako. Tama si ate Kat, napaka-immature ko." Umiiyak na rin ito, hinalikan niya ang aking kamay na hawak niya. "Pleass forgive me, ibalik na natin yung tayong dati." "Masakit Deans pero mahal kita kaya papatawarin kita." I said and dahan-dahan syang hinalikan sa noo. "Hindi ko maipapangako na babalik na yung dating tayo but lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita." Deanna Point of View Tulog si Jema nung umalis ako ng hospital kaya naman hindi ako nakapagpaalam dito. Naiwan nyang kasama dun ay si ate Jia lang pero uuwi din si ate Jia, si Cy muna magbabantay kay Jema. "Kamusta si Jema?" May pag-alalang tanong ni ate Mads. "Okay lang siya ate, kailangan niya lang mag-stay sa hospital ng one week para ma-observed siya." I said and sit on the solo couch. "Mabuti naman, akala namin kung anong nangyari na sa kanya." "May kilala ako sa hospital na yun eh. Sino doctor na chume-check up sa kanya?" Ponggay asked. "Yung pinsan ko na si Adrian Wong." "Hala! Hindi nga? Crush na crush ko yung ate Deans." Sabi ni Dani. "Sumbong kita dyan kay Mavy eh." Ate Bea said. "Uy wag." Sabi ni Dani. Nilipat ko ang channel ng TV, nilipat ko sa cartoons channel. "Ano ba yan Deans pambata." Jules said. "Manahimik ka, ito gusto ko." Napatingin ako sa rookies na nanonood din. "Tingnan mo sila, gusto din nila 'to panoorin kaya manahimik ka nalang." "Napipilitan lang sila." Tumingin ito kila Aya. "Diba guys?" Sabay-sabay naman silang umiling. "Gusto po namin yung pinapanood ni ate Deans." Jaja said. Napasimangot naman si Jules kaya sabay-sabay kami nagtawanan. "Tumatawa na si Deans, nagka-ayos na ba kayo?" "Nino?" I asked to ate Bea. "Ni Jema, nagka-ayos na kayo?" "Yeah but." Napatigil ako ng maalala ko ang pakikitungo sakin ni Jema. "Ang cold ng pakikitungo niya, nawala ata yung sweetness niya sa katawan." "Syempre nasaktan nga siya, diba? Babalik din yun not now but soon." Dani said. Nakakalungkot pero okay lang, kasalanan ko naman kung bakit ganun ang pakikitungo niya sakin eh. I stood. "Guys pwede ba tayo lumabas?" "Oo. Bakit?" Ate Kat asked. "Nalulungkot ako at nagugutom, samahan niyo ko." "Libre mo kami?" Nakangiting tanong ni Ponggay. "Basta talaga libre nakangiti ka eh." Naiiling kong sabi. "Tara libre ko pero ngayon lang ah." "Dapat araw-araw." Sabi ni ate Bea. "Iba na yun." I said and naunang lumabas. Nagsinuran naman yung iba, sakin sumakay si Jaja at Aya, yung iba ay kila ate Bea at ate Mads. Kinabukasan maaga ang training namin dahil magjo-jogging lang kami sa football field, kailangan kasi namin ng lakas. "Guys sinabihan ko na kayo ah, kapag lumagpas na ang bola wala ng habulin pa. Okay?" Coach Vince said. "Yes coach!" Nauna akong tumakbo sa kanilang lahat. Nang mapagod ako ay umupo muna ako sa bleacher. "Pagod na?" Coach O asked. "Yes coach." Hinihingal kong saad. "Kamusta na si Jema? Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya." "Okay naman siya coach, nastress lang talaga atsaka pagod kaya nahimatay." Hinawakan nito ang aking balikat. "Alam ko ang nangyari sa inyo, Deans kahit hindi mo sabihin sakin." He said and smiled. "Sana maayos na ang relasyon nyong dalawa." "Sana nga coach." I stood. "Cge coach jogging na ulit ako." Nagsimula na ulit ako tumakbo. Jema Point of View Nagising ako ng maaga kaya naman naisipan ko maglakad-lakad sa labas ng hospital room ko. Bumalik din ako agad dahil baka hanapin ako nung doctor. "Saan ka galing?" "Sa labas, naglakad lang." Inalalayan ako ni Cy pabalik sa hospital bed, siya ang nagbantay sakin magdamag. Umuwi din kasi si Deanna kagabi dahil hindi siya pwede magtagal sa labas dahil nga busy siya, isa pa baka pagalitan siya ni Coach. *TOK!*TOK!*TOK!* Binuksan ni Cy ang pinto, pumasok ang isang doctor. "Hi ms. Galanza." "Hello po doc." "Ako si Adrian Wong, ako ang naka-assigned na doctor sayo." Pakilala nito. "Doc kelan ako makakauwi?" Humiga ako. "Baka by monday pa ms. Galanza, kailangan ko pa kasi na masigurado na ayos lang yung lagay mo." He said. "Thank you doc." Tiningnan nito ang blood pressure ko. "Okay naman, normal." Tinanggal na nito ang BP sa braso ko. "Nga pala girlfriend mo si Deanna, diba?" Nagulat ako. "Kilala niyo siya?" "Yeah, cousin ko siya." "Ah . . Walang nabanggit sakin si Deanna." I said. "Hindi din alam ni Deanna nagulat nga siya nang makita ako dito kahapon." May sinulat ito sa dala nyang papel. "Cge aalis na ko, check up ulit kita mamayang hapon ms. Galanza." "Thank you doc." Rinig kong sabi ni Cy. Paglabas nung doctor umupo sa tabi ko si Cy. "Gusto mo tawagan ko si Wongskie?" "Anong oras na ba?" I asked. "Eight o clock palang. Gusto mo tawagan ko si Wongskie?" "May training pa yun tsaka hayaan mo na siya, baka busy siya tsaka may class pa ata yun." "Cge bahala ka. Lalabas muna ako para bumili ng breakfast natin, alam ko naman na ayaw mo ng pagkaing hospital." He said and stood. "Soup gusto ko ah, nilalamig ako eh." "Sure." Kinuha niya ang kanyang jacket at lumabas na ng kwarto. Habang hinihintay ko si Cy bigla naman dumating si ate Jovi. Bakit nandito 'to? Eh kagagaling niya lang dito kagabi. "Hi sister." She kissed my cheek. "What are you doing here?" "Dinadalaw ka." She said and sit on my side. "Kakapunta mo lang dito kagabi ah." "Day off ko ngayon kaya pinuntahan kita, pasalamat ka nalang dahil pinuntahan pa kita." "Hindi kita kailangan." I said. "Ang sama mo talaga sakin." Hinampas ako nito sa braso. "Aray!" "Nga pala kamusta kayo ni Deanna?" "Maayos na." "Maayos, eh bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa kanya kagabi?" "Eh malamig dito sa hospital eh." I said. "Maayos na sagot." Mahina niya akong kinurot sa tagiliran. "Eh kasi nasaktan ako sa sinabi niya kaya ganun yung pakikitungo ko sa kanya." "Eh akala ko ba gusto mo magka-ayos kayo? Ang gulo mo din eh noh." She said. "Hindi ako magulo. Gusto ko lang siya matuto, gusto ko lang mabawasan yung pagiging immature niya." "Ah so gusto mo siya pahirapan?" "Hindi naman, gusto ko lang siya matuto, gusto ko lang malaman niya na mali ang kanyang ginawa at sinabi sakin." I said. Biglang dumating si Cy kaya naputol ang pag-uusap namin ni ate Jovi, buti nalang maraming binili si Cy kaya nakakain din si ate Jovi. ••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD