Deanna Point of View
Sobrang down na down ako dahil sa pagkatalo namin sa dlsu, ako ang pinaka-down sa team dahil sinisisi ko ang aking sarili sa pagkatalo namin sa dlsu.
Ako naman talaga ang dapat sisihin dahil ako ang magdadala ng game pero ako pa yung wala sa sarili.
Nababadtrip ako tuwing naaalala ko yung nangyari samin ni Jema. Kung sana hindi pumunta si Vic sa apartment ni Jema, hindi mangyayari samin ulit 'to ni Jema.
Una kay Ricci, ngayon kay Vic naman. Ewan! Parang sinusubukan kami ng tadhana.
"Deanna, are you okay?" Tanong sakin ni ate Bea.
"Ate mukha ba akong okay?"
"Deans hindi mo pa rin ba siya kinakausap?"
"Hindi ko pa siya kaya kausapin." I said.
"Alam mo tumawag sakin kanina si Jia, ang sabi wala daw sa sarili si Jema at tuwing naaalala ka umiiyak."
Gusto ko man siya puntahan at yakapin pero may pumipigil sakin, tuwing naaalala ko kasi yung mukha nung Vic na yun gusto ko pumatay ng tao.
"Sa ngayon wala muna akong pakialam sa kanya."
"Napaka-heartless mo naman, Wong." Sabi ni ate Maddie at naupo sa tabi ko.
"Hindi ako heartless, masyado lang ako nasaktan sa nakita ko."
"Ano bang nakita mo? Nakita mo lang naman silang lumabas ng apartment tapos kung maka-react ka parang niloko ka dyan." Ate Maddie said.
"Maddie's right. Dapag kausapin muna si Jema, Wong. Hindi ka naman niya niloko eh, kaya mo nararamdaman yan kasi hindi mo siya hinayaan mag paliwanag."
I stood. "Mag-focus nalang muna tayo sa training." Pumunta na muli ako sa gitna ng court at sinetan ng bola si Jules.
Habang nakaupo ako biglang may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako dito. "Hi baby." Humalik agad ito sa pisngi ko kaya hindi ako nakaiwas.
Napatayo ako. "s**t! Bakit mo ginawa yun?!"
"Masama ba? Diba break na kayo ni Jema? Pwede na maging tayo." Frannie said.
"Shut up! Hindi kami nag-break, nagkaron lang kami ng misunderstanding."
"Mauuwi din kayo sa wala." Tumayo din ito. "Hindi kayo bagay ni Jema, mahirap lang siya hindi mo siya kagaya na mayaman. Ako mayaman katulad mo kaya tayo ang nababagay."
"Hindi man siya mayaman atleast nasa kanya yung hinahanap ko."
"Bakit magaling ba si Jema sa kama kaya gusto mo siya?" Nilapit nito ang kanyang bibig sa tainga ko. "Mas magaling ako sa kama, you wanna try?"
Naitulak ko ito at masama syang tiningnan. "Subukan mo pa ko lapitan, hindi lang yan ang mangyayari sayo."
Iniwan ko syang nakaupo sa sahig, nababagay sa kanya yun. Masyado syang malandi, wala sa lugar ang kanyang landi.
"Bakit nakakunot yung noo mo?" Tanong ni Jules pagpasok ko sa dorm.
"Hindi ba pwede palitan natin yung courtside reporter?"
"Bakit? Anong ginawa sayo ni Frannie?" Tanong ni Dani.
"Hinalikan niya lang naman ako."
"What?!" Nagulat ako sa sigaw ni ate Kat.
"Sa pisngi lang naman." I said.
"Kahit na, paano kapag may nagsabi kay Jema? Nasaktan mo na nga yung tao tapos sasaktan mo pa lalo." She said.
I looked at her. "Hindi ko siya sinaktan."
"Alam mo Wong napaka-immature mo." Ponggay said.
Masama kong tiningnan si Ponggay dahil sa kanyang sinabi. "Hindi ako immature, totoo naman hindi ko siya sinaktan."
"Sinaktan mo siya. Sa tingin mo hindi mo siya nasaktan sa pagsabi mo sa kanya na wala ka ng tiwala sa kanya." Ate Kat said.
Tinalikuran ko na sila at umakyat sa kwarto, ayoko na sila sagutin pa at baka magkaron ng away sa team.
Jema Point of View
Umuwi na lahat ng teammates ko sa dorm, ako nalang ang natira dito sa gym. "Jema hindi ka pa ba uuwi?"
"Coach Mark mauna kana po, dito na muna ako."
"Sure ka?" He asked.
"Opo."
"Cge, sabihin ko nalang sa guard na nandito ka." He said and umalis na.
Pinagpatuloy ko ang pagbubuhat at ginawa yung ibang workout tulad ng five hundred push up.
Naupo ako sa gilid para saglit na magpahinga, habang umiinom ako ng tubig biglang dumating si manong guard.
"Ms. Jema may nagpapabigay po sa inyo." Inabot nito sakin ang isang sobre.
"Sino nagbigay?"
"Hindi ko po alam basta babae na medyo katangkad niyo pero mas matangkad kayo tapos maputi at may kaiklian ang buhok." Sabi nito.
"Cge salamat kuya."
Nang makaalis ito tsaka ko lang binuksan ang sobre. Kinuha ko ang laman nito at napatakip nalang ako sa aking bibig nang makita ang picture.
Ang luha na namumuo sa aking mata ay dahan-dahan dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko alam na magagawa sakin 'to ni Wong, hindi lang ito isang picture kundi dalawa.
Ang unang picture ay nakahalik si Frannie sa pisngi ni Wong habang ang pangalawa ay nakalapit ang bibig ni Frannie sa pisngi ni Deanna.
Naibato ko nalang ang picture dahil sa sobrang inis at galit. Akala ko wala ng laman ang sobre, meron pa pala. Isang letter na naglalaman ng sulat para sakin.
Dear Jema
Alam ko sa oras na'to nababasa mo na ang sulat, nakita mo naman siguro yung picture diba? Siguro sapat na yan para hiwalayan mo si Wong at iwan siya. Nakikita mo naman kung gaano ako kamahal ni Wong, kitang-kita dyan sa picture. Kung mahal ka ni Wong hindi siya papayag na halikan ko siya sa cheeks. Kawawa ka naman hayaan mo makakamove on ka din, sa ngayon gawin mo muna ay hiwalayan na si Wong dahil hindi kayo bagay at niloloko ka lang niya. Kanina nag-usap kami at sinabi niya na mahal niya ako kaya tigilan mo na siya, ako ang mahal niya hindi ikaw kaya please stay away from her.
Frannie Reyes
Pinulot ko ang pictures at binalik sa sobre pati ang sulat. Tama si Frannie, hindi magpapahalik si Wong sa kanya kung mahal talaga ako ni Deanna.
Ewan ang gulo! Sa ngayon gusto ko muna magpahinga, pagod na akong umiyak. Three days straight akong umiiyak dahil kay Deanna, hindi bang pwede magpahinga muna?
Ayoko man manood dahil makikita ko si Deanna pero kailangan ko suportahan si Mafe.
"Ate Fille samahan mo ko." I said.
"Saan?"
"Manood ng UST vs ADMU."
"Bakit? Kaya mo na yan." She said.
"Cge na ate, please." Nag-puppy eyes ako.
"Naku wag ka nga mag-puppy eyes dahil mugto yan mata mo, nakakatakot tingnan." She said.
"Cge na kasi ate." Pilit ko dito.
"Cge na nga basta libre mo yung ticket ah."
"Oo ate, thank you." I smiled pero pilit lang.
Nang matapos ang training namin, kumain muna kami ng lunch ni ate Fille bago pumunta sa fil oil.
Deanna Point of View
Inaasahan ko na darating si Jema mamaya sa game namin, i'm sure naman kasi na darating siya kasi kalaban namin ngayon ay UST sila Mafe.
"Hinahanap mo ba siya?" Napatingin ako sa aking gilid.
"Sinong siya? Hindi ko alam ang sinasabi mo ate Kat."
"Sus kitang-kita sa mata mo, Wong. Bakit kasi hindi mo pa siya kausapin? Pinapahirapan niyo lang yung mga sarili niyo." She said.
Lumayo na lang ako kay ate Kat, naiinis ako tuwing pinagsasabihan nila ako tungkol sa kanya. Feeling ko kasi wala akong alam.
"Wong look." Tumingin ako sa tinuturo ni Ponggay.
Napaiwas ako nang makita kong tumingin ito samin. "Papansin ka talaga, Gaston."
"Bakit? Ayaw mo ba siya makita?"
"Ayaw ko."
"Sus ayaw mo pero iba ang sinasabi ng mata mo."
"Nagsasalita ba yung mata?" Taas kilay kong tanong at sinetan ng bola si Jules.
"Hindi, nakakakita lang."
"Tsk!" Hindi ko na ito pinansin.
Shit! Mawawala na naman ako sa game dahil nakita ko siya, dapat hindi nalang siya nanood baka masira ko yung game namin.
"Ano ba Deanna?! Ayusin mo yung set mo, bigyan mo yung open hindi yung may bantay!" Sigaw sakin ni Coach O at masama akong tiningnan.
Hindi ako sumagot patuloy lamang ako sa pagpunas ng mukha ko. Kuha ng UST ang first set at malapit na nila makuha ang second set kaya nagsisimula na magalit si Coach Oliver.
"Girls kaya natin yan." Cap said.
"ONE BIG FIGHT!!"
Bumalik na muli kami sa gitna ng court at pumwesto. Sinerve ni ate Si at sakin napunta ang bola, sinet ni Dani papunta kay Ponggay at umispike si Ponggay.
"PONGGAY . . . GASTON!!!" Sigaw ng announcer.
Hindi sadyang napatingin ako kay Jema, sa gawi nila ni ate Fille. s**t! Lord naman please kahit saglit iayos niyo naman yung laro ko.
Ako ang server at error, tumawag ng timeout si Coach Oliver. "Deanna ikaw na naman! Ano bang problema mo?! Puro error kana lang. Jaja palitan mo muna 'to!!"
Napabuntong hininga nalang ako naupo sa bench. I closed my eyes and nagdasal ng taimtim.
Nakuha namin ang second set and third set, nilabas na ulit si Jaja sa fourth set at pinasok muli ako.
Hiyawan agad ang tao pero wala akong pakialam, gusto ko na matapos ang game na'to. Pagod na ko kaya hindi ko na papaabutin ito ng fifth set.
Niyakap ko si Mafe at hinagod ang likod niya, alam ko malungkot siya sa pagkatalo nila.
"Deanna." Napatingin ako sa tumawag sakin.
"Ate Fille." I approached her. "Bakit ate?" Bumeso ako dito.
"Kailangan natin mag-usap."
"Para san ate?" I asked. Nandito kami ngayon sa dugout.
"Pwede ba sa bus nalang tayo mag-usap?"
"Sure."
Lumabas na kami ng fil oil at sumakay sa bus, pwede naman siya kasi creamline bus ang service namin.
"Deanna gusto sana kita makausap tungkol kay Jema."
"Ate yung teammates ko gusto na nilang kausapin ko si Jema. Don't tell me gusto mo din?"
"Deans kailangan niyo na magka-ayos ni Jema, pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo."
"Pero at——" Hindi natapos ang aking sasabihin dahil nagsalita ito.
"Isa pa 'to." May inabot sakin itong sobre. "Alam mo ba na labis nasaktan si Jema nang makita yan, apat na araw kana nyang iniiyakan. Labis syang nasaktan sa sinabi mo mo sa kanya tapos makakakita pa sya ng ganyan."
Binuksan ko ang sobre at nagulat ako sa nakita ko. Putcha! Sabi ko na nga ba may balak si Frannie eh.
Jema Point of View
Hindi na sumabay sakin si ate Fille, so bali ako lang mag-isa umuwi ng dorm. Pagdating ko sa dorm wala pa si ate Fille, halos lahat ng teammates ko wala si ate Jia lang nandito tsaka si Risa.
"Kamusta panonood mareng Jema?" Risa asked me.
I sit on the couch. "Ayun talo sila."
"Nanalo kaya sila." Sabi ni Risa.
"Talo yung UST."
"Ah . . Akala ko si Deanna eh." Sabi ni ate Jia.
Hay! Nalulungkot ako sa nangyayari samin ni Deanna. Gusto ko na siya makausap kahit sobrang sakit ng sinabi at ginawa niya sakin.
"Mareng Jema, anong balak niyo ni Deanna sa relasyon niyo? Habang buhay nalang ganyan?" Risa asked.
"Hindi ko alam eh, hindi pa naman kami nag-uusap."
"Pero ikaw? Anong balak mo?" Ate Jia asked me.
"Gusto ko lang maayos yung relasyon namin, ayoko mangyari samin ni Deanna yung nangyari samin ni Fhen. Ayoko masayang yung maganda namin relasyon, ayoko mapunta kami sa wala."
Hinawakan ako ni Risa sa balikat. "Hindi kayo mauuwi sa wala, tiwala lang, maaayos din kayo."
"Tama si Risa, tutulungan namin kayo ni Deanna para maayos. Maghintay ka lang, maaayos din kayo." Ate Jia said.
Tumango ako at ngumiti. Mabuti nalang may teammates akong ganito kundi baka hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nag training pa rin ako kahit sobrang sakit ng katawan ko, nanghihina ako tapos nilalagnat pa ko.
"Jema bat namumutla ka?" Tanong ni Risa sakin na kasalukuyan nagbubuhat.
"W-wala." Umiiwas ako sa kanila dahil baka malaman nilang may sakit ako at pauwiin.
Ayoko umuwi sa dorm mabobored lang ako tsaka mas mabuting pagpawisan ako, mawawala din 'tong lagnat ko.
•••••••••••••••••••••••••••