CHAPTER 3

1810 Words
Deanna Point of View Hanggang sa makapasok ako sa kwarto iniisip ko pa rin kung bakit ako binigyan ni Cci ng rose at chocolate. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. "Deanna?" Boses ni Ricci. "Ricci, napatawag ka?" "Natanggap mo na ba yung rose at chocolate?" He asked. "Yes, thank you ah." "Welcome, happy Valentine's." "Happy valentine's Cci. Nga pala Cci pwede mag tanong?" I asked. "Deans nagtatanong kana nga eh." He laughed. "Joke. Sure pwede ka mag tanong, kahit ano pa yan sasagutin ko." "Bakit binigyan mo ko ng rose at chocolate?" "Bakit magagalit ba si Jema?" "Hindi naman." I said. "Deanna kaya lang kita binigyan ng rose at chocolate dahil valentine's, isa pa bestfriend mo ko. Wala naman siguro masama kung bibigyan kita, diba?" "Yeah, thank you again." "Welcome. Bye, i have a training pa." He ended the call. Ang bait talaga ni Cci kahit medyo iniwasan ko na siya naaalala niya pa rin ako. Mula kasi ng pag-awayan namin ni Jema si Ricci, medyo dumistansya na ko kay Cci and nawalan din kami ng communication. Ngayon nalang kami ulit nag-usap, sa phone pa. "Deans dami mong chocolates ah, penge." Sabi ni ate Kim na biglang pumasok sa kwarto. Nakakagulat talaga 'to. "Hm . . Nasa baba, nilagay ko lahat sa ref." "Penge." "Kumuha nalang kayo dun ate Kim sa ref basta tiran niyo ko." I said. "Thank you Wongskie!" Humalik muna ito sa pisngi ko bago lumabas ng kwarto. Hay! Kailangan ko pala mag-review kasi may exam kami bukas, tapos may training pa kami ng umaga at hapon. "Guys kailangan natin ng received!!" Coach O shouted. "Guys habulin niyo yung bola kahit sobrang layo sa inyo." Sabi ni Coach Mona. Nag-set ako kay Ponggay at siya naman ang umispike. "Lakas pa, Ponggay!" Coach Vince said. Hay! Ang hirap ng training, puyat pa ko. Langya! Nakaka-stress! "Water break!" Coach O said. Puntahan agad kami sa kanya-kanya namin gym bag, uminom agad ako. Tapos hinilot-hilot ko ang aking balikat. "Masakit?" Ate Bea asked me. "Yes ate, nangawit ata." I said. "Lagyan mo ng salompas, ito oh." Binigyan ako nito ng salompas. Nilagay ko naman ito sa mga balikat atsaka muling hinilot, medyo nawala na din yung sakit. "Girls mamayang hapon darating yung courtside reporter natin." Coach O said. "Sino coach? Anong name?" Ponggay asked. "Basta, malalaman niyo din mamaya." Coach Vince said. Tumango naman kaming lahat. Maya-maya pinabalik na ulit kami sa ginagawa namin kanina. Jema Point of View Habang naglalakad ako sa trinoma, biglang may nakabangga sakin. "Sorry." Sabi nung nakabangga sakin. Nang mag-angat ito ng tingin, biglang tumaas ang kilay nito, tumaas din ang aking kilay. "Ikaw pala." I said. "Tsk! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Nabangga mo tuloy ako." Frannie said. Yung obsessed na babae kay Deanna. "Opps! Ikaw kaya yun, ikaw na nga ang nakabangga tapos ikaw pa galit. Wow ha!" "Ikaw kaya yun." She said. "Hay na ko! Sa ateneo ka pa naman nag-aaral pero ang engot mo. Alam mo mabait ako pero kung sayo, hindi ako magiging mabait." I said and inirapan siya. Hindi naman ito nagpatalo at inirapan din ako. "Alam mo hindi ko alam kung ano ang nakita ni Deanna sayo. Hindi ka naman maganda tapos may marka ka pa sa mukha. Yuck!" "Oo hindi ako maganda, hindi din maganda ugali ko kaya wag mo ko subukan." Buti nalang nasa gilid kami kaya walang nakakapansin samin. "Sabi ko na nga ba basta galing adamson, pang-iskwater yung ugali." Nilapit ko sa tainga niya ang mukha ko. "Pasalamat ka maraming tao kundi binasag ko na yan mukha mo." Binangga ko ito at naglakad na palayo. Narinig ko pa ang mura nito. Tsk! Hindi ko siya papatulan, hindi ko hahayaan na masira ang image ko nang dahil lang sa kanya. Gusto ko sana puntahan si Deanna sa dorm niya kaso naman sobrang busy ng batang yun kaya wag nalang. Nakasalubong ko si ate Jia sa labas ng dorm, pasakay sa kotse niya. "Saan punta ate Jia?" "Pinaki-usapan ako ni Deanna na ako muna umattend ng hearing niya." "Ah . . Cge ingat." I said. Hindi pa rin kasi inaatras ni Deanna ang kinaso niya kay Fhen, gusto talaga ni Deanna na magkaron ng record si Fhen sa NBI. Hindi ko na siya kinulit sa pag-atras kasi ayaw ko naman na mag-away kami. Bahala na si Fhen, kaya niya na ang sarili niya and ex ko na siya, wala na akong dapat pakialam sa kanya. "Jema kilala muna ba kung sino ang courtside reporter ng ateneo?" Tanong ni ate Michele. Umiling ako. "Hindi ate. Bakit?" "Mygosh! Siguradong magulalat ka kapag nalaman mo." Sabi ni ate Rizza. "Sino ba?" I said and sit on the couch. "Si Frannie Reyes, yung obsessed kay Deanna." Kyla said. "Ah yun la——Ano?!" Napatayo ako dahil sa gulat. "Nagbibiro ba kayo?" "Hindi, totoo yun." Sabi ni ate Ly. "Tumawag nga si Deanna kanina kay Jia, badtrip na badtrip nga si Deanna eh." Sabi ni ate Pau. "Grr . . Nakita ko kanina sa mall yung babae na yun, binangga pa ko at muntik pa kami mag-away. Mabuti nalang naisip ko yung carrer ko kundi mag-sasapakan talaga kaming dalawa." Gigil kong sabi sa kanila. "Bakit? Anong ginawa sayo?" Risa asked. "Binangga lang naman ako tapos nang malaman nyang ako yung nabangga niya, sasabihin niya ako daw bumangga sa kanya. Galing gumawa ng kwento, diba?" "Siraulo pala yun eh." Natatawang sabi ni Kyla. "Hayaan niyo na, mabuti pa kumain muna tayo." Hinila ako ni ate Ly papunta sa dining area. Habang kumakain kami ay masaya silang nag-uusap habang ako ay nakasimangot. Bwiset kasing babae na yun! Sinira araw ko. Deanna Point of View "Deans tingnan mo." Sabi sakin ni Ponggay at pinakita ang cellphone niya. Picture ni Jema kasama niya si kuya Josh at Joric, kasama niya din sa picture yung lalaking heartthrob sa saint benilde, dating player ng volleyball. "Anong meron dyan?" Tanong ko kay Ponggay. "Hindi ka ba magseselos?" "Hindi." Sagot ko. "Tsk! Ikaw parang wala lang kung makita mo si Jema na may kasamang iba. Pag yan si Jema naagaw sayo, wag kang iiyak sakin." "Alam mo Pongs may tiwala ako kay Jema." I said. "Hindi porket may tiwala ka sa kanya, kampante kana lang. Tandaan mo maraming naghahabol na babae at lalaki kay Jema." Sa totoo lang nagseselos ako dahil masyado silang dikit sa isa't-isa kaso naaalala ko na may tiwala ako kay Jema. "Ano naman kung maraming naghahabol sa kanya?" Taas kilay kong tanong. "Deanna tandaan mo kapag lalaki ang karibal mo, talo ka. Kaya kung ako sayo kumilos-kilos ka, wag mong hayaan na maagaw nung lalaki si Jema sayo." "Hindi naman inaagaw ni Vic sakin si Jema." I said. "Sinabihan na kita, Deans. Lalaki yan, mahirap pag lalaki ang kalaban." Umalis na si Ponggay sa harap ko. Hay! Napaka-nega talaga ni Ponggay, ang dami pang napapansin. Pero sa totoo lang kinabahan ako sa sinabi ni Ponggay. Hay! Hindi naman siguro gagawin yun nung Vic na yun tsaka may tiwala ako kay Jema. Hindi siya gagawa ng ikakasira namin, alam ko yun at napakalaki ng tiwala ko sa kanya. "Girls kailangan natin mag-ready dahil bukas na ang laban niyo, wala tayong training sa hapon para hindi kayo pagod." Coach O said. "Guys tiwala lang. Faith trust courage, okay?" Coach Vince said. "Yes Coach!" Sabay-sabay namin sabi. "Cge makakapag-shower na kayo." Coach Mona said. Tumayo na kami at nag-shower. Nang matapos ako mag-shower, nag-desisyon akong puntahan si Jema sa apartment niya. Wala naman kasi akong class, susurprise ko nalang. Dumaan muna ako sa isang donut store para bumili. Habang papalapit ako sa apartment ni Jema, may nakita akong kotse na nakaparada sa harap nito. "Hindi ito kay Jema." I said to myself. Hininto ko ang kotse, malapit sa apartment ni Jema. Naghintay ako ng ilang minuto at lumabas si Jema sa apartment niya. May kasama itong lalaki, hindi ko makita ang mukha nung lalaki dahil nakatalikod ito at kausap si Jema. Napamura ako ng mahina nang makita ang mukha nung lalaki. Si Vic, anong ginagawa niya sa loob ng apartment ni Jema?! Bumaba ako ng kotse at pinuntahan sila. Jema Point of View Hinatid ko sa labas ng apartment ko si Vic, may kinuha siya sakin kaya nandito siya. "Jema." Napatingin ako sa taong nasa gilid namin. "Deanna?!" Nagulat ako ng makita ito, galit ang expression ng mukha niya. "Ang ganda naman ng nadatnan ko, nice." Mapait na sabi ni Deanna. "Deanna it's not what you think." I said. "Sinasabi mo bang mali ang nasa isip ko?" Galit nyang tanong. Hinarap ko si Vic. "Vic mabuti pa umalis kana, sasusunod nalang natin pag-usapan yung sasabihin mo." "Sure." Ngumiti ito. Ang akala ko ay aalis na ito pero hinalikan nito ang pisngi ko dahilan para hawakan siya ni Deanna sa kwelyo at sinapak. "Vic!" Napasigaw ako. Dahil sa sobrang lakas ng sapak ni Deanna kay Vic, napahiga ito. "Bakit mo yun ginawa Deanna?!" Tinulungan ko si Vic tumayo. "Jema aalis na ko." Sumakay si Vic sa kotse niya habang nakahawak sa panga niya. "Vic sorry." Sabi ko pa kay Vic bago niya paandarin ang kotse niya paalis. Hinarap ko si Deanna. "Bakit mo yun ginawa kay Vic? Nakakahiya sa tao!" Bulyaw ko dito. "Sakin hindi ka ba mahihiya?!" "Jusko Deanna! Wala kaming ginagawang masama." "Walang ginagawa? Lalaki yun tapos papapasukin mo sa apartment mo!" Galit nyang sabi. "Ano naman kung papasukin ko siya? Eh apartment ko naman yun!" "Alam mo dahil sa nakita ko, nawawala yung tiwala ko sayo." She said and tinalikuran na ko. Napaupo nalang ako. Hindi ko ine-expect ng dahil lang dun mawawala ang tiwala niya sakin. s**t! Sobrang sakit marinig sa taong mahal mo yun. Wala akong gana mag-training kaya naman pinagpahinga ako ni ate Ly muna. "Jema kaya mo pa ba? Gusto mo na ba umuwi?" Ate Ly asked me. "Kaya ko cap." I said. "Alam ko iniisip mo pa rin yung sinabi sayo ni Deanna, wag mo muna yun isipin ngayon, isipin mo muna yung training natin." "Sorry cap." Naramdaman ko nalang na tumulo ang aking luha. Mabilis ko itong pinunasan. Yinakap ako ni ate Ly. "Kaya mo yan Jema." Napaiyak na ko ng tuluyan. Alam nila ang nangyari samin ni Deanna. Tuwing naaalala ko ang nangyari samin ni Deanna, naiiyak pa rin ako at nasasaktan. Two days na kami walang communication at balita ko down na down nga daw ito dahil sa pagkatalo nila sa dlsu. Gusto ko sana siya icomfort kaso sumabay pa yung away namin. Miss na miss ko na siya at everytime na makikita ko yung picture niya nasasaktan ako dahil naaalala ko yung sinabi niya sakin. ••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD