CHAPTER 2

1934 Words
Deanna Point of View Ramdam kong gusto ni Jema tumakbo kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Dad." Lumingon ito samin at nang makita kami ay tumayo ito. He smiled. "Deanna." Nanginginig ang kamay ni Jema, gusto ko sana tumawa kaso yari ako kay Jema kapag tumawa ako. "Uhm . . Dad si Jema, girlfriend ko." Biglang sumeryoso ang mukha ni Dad kaya lalong humigpit ang hawak ni Jema sa polo shirt ko. s**t! Masisira pa ata ni Jema yung polo shirt ko. "Dean wag mo nga takutin si Jema." Saway ni mommy kay dad at nilapitan si dad. Tumawa si Dad. "Hi Jema, welcome to my family." Yinakap ni Dad si Jema, si Jema ay nakatulala lang. "Baby." Mahina kong bulong kay Jema. "Ha? Hello po." "Don't worry tanggap ko na ang relasyon niyo ni Deanna, wag kana matulala dyan." Daddy said to Jema. "Uhm . . Thank you po." Jema said. Mukhang hindi makapaniwala si Jema na tanggap na ni Dad ang relasyon namin dalawa, akala niya ata na nananaginip lang siya. "Guys let's eat na, gutom na ko." Ate Cy said. "Ang takaw mo talaga ate Cy." Sabi ni ate Nicole. "Let's sit." Mommy said. Naupo ako sa tabi ni mommy habang si Jema ay naupo sa tabi ni Peter, pinagigitnaan namin si Peter my baby. "Ate may pasalubong ka sakin?" Tanong ni Peter pagtapos namin kumain. Nandun si Jema sa kitchen kakwentuhan si mom, si dad naman ay umalis na, may aasikasuhin daw siya sa office niya eh. "Kakakain lang natin Peter ah." Joseph said. "Mamaya ko na ibibigay, Peter. Nasa taas kasi yung maleta ko." I said. "Ako masakiton. (I'm sick.)" Napatingin kami kay ate Nicole. "Anong sakit mo?" I asked. "I have a fever." "Jusko, akala namin kung ano." Sabi ni ate Cy. "Oo nga ate, nag-alala tuloy ako sayo." Joseph said. "Deanna." Napalingon ako kay mom. "Deanna umakyat na kayo sa taas ni Jema, dun siya sa kwarto mo matutulog." "One o clock palang mom, tulog agad?" "Magpahinga muna kayo ni Jema kasi mamayang hapon ililibot natin siya dito sa cebu." Mom said. "Ah . ." I stood. "Let's go." Umakyat na kami sa taas ni Jema.  "Nice room." Sabi ni Jema habang nililibot ang paningin. "Gusto mo matulog love?" I asked her. "Nope. Gusto ko lang mahiga." Nahiga siya sa bed ko. Binuksan ko ang maleta nito at kinuha ang sando niya, hindi kasi 'to comfortable kapag naka-tshirt. "Magpalit ka." Hinagis ko sa kanya ang sando nyang black. Bumangon naman ito at hinubad ang t-shirt niya, sinuot niya ang kanyang sando. "Inaantok pala ako baby, matutulog muna ako ah." She said. "Matutulog tayo." Nagpalit muna ako ng damit bago tumabi dito. Nag-alarm ako sa cellphone ko ng three thirty bago niyakap si Jema at pinikit ang aking mata. Jema Point of View *TOK!*TOK!*TOK!* Nagising ako dahil sa katok, si Deanna ay mahimbing pa rin ang tulog. Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Ms. Jema pinapatawag na po kayo ng mommy ni ms. Deanna, aalis na daw po kayo." Sabi nung katulong nila Deanna, hindi ko ito kilala kasi si manang lang naman pinakilala sakin ni Deanna kanina. "Cge bababa na kami, gigisingin ko lang si Deanna. Thank you sa pagsabi." Sinara ko na ang pinto. Dahan-dahan akong lumapit kay Deanna. "Baby wake up." I whispered in her ear. She slowly opened her eyes. "What time is it?" "Three fourty na, pinapatawag na tayo ng mommy mo." "Okay, maghilamos kana, susunod ako." She said and nag-unat unat. Kumuha ako ng damit ko sa maleta bago pumasok sa loob ng CR ng kwarto ni Deanna. Jusmiyo! Pati Cr ang laki, kasya limang tao dito sa loob eh. Kakaiba talaga sila. Sana all mayaman. Nandito kami sa isang park, ang sabi ni tita Judin maganda daw dito lalo na kapag seven o clock na kasi may fireworks daw rito. "Manonood tayo ng fireworks mom?" Peter asked. "Yes baby." "Mom hihiramin ko muna si Jema ah, may papakita lang ako sa kanya." Paalam ni Deanna kay tita Judin at hinatak na ko. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hatak hatak niya ako. Hindi ito sumagot sapagkat patuloy lang ito sa paghila sakin. Tumigil kami sa tapat ng isang puno na malaki. "Here." Inabot nito sakin ang marker. "Isulat mo yung name mo dyan sa puno." "Bakit ko naman isusulat?" I asked and nag-cross arms ako. "Basta, isulat mo nalang." Sinulat ko nalang para matapos na. Nang maisulat ko na siya naman ang nagsulat. "Bakit mo sinulat ang pangalan mo din dyan?" Takang tanong ko. "Nangako kasi ako kay grandma dati na kapag nagmahal na ako, isusulat ko ang pangalan ko at pangalan ng mahal ko sa puno." "Ah . ." "Tsaka sabi ni Grandma romantic daw yun." She said. Hahahah! Para syang bata. Mga bata lang ang gumagawa nito pero infairness kinilig ako sa ganito nyang pakulo. "Balikan na natin sila Nicole." I said and grabbed her hand. Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik kila tita Judin, habang papalapit kami kila tita nakangiti lang sila habang nakatingin samin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag tanggap kana, yung tipong parang nakalaya na kayong dalawa sa kulungan. Hindi na namin kailangan pa mag-alinlangan sa mga gagawin namin, pwede na namin gawin yung mga gusto namin kasi support na kami ng family ko at family niya. Two Weeks Later . . . . Nandito kami ngayon ni Deanna sa condo niya, nakaupo ako habang siya ay nakahiga at nakaunan ang ulo sa hita ko. "Three days before UAAP." I said. "Linggo pa naman laban namin kotra dlsu." She said, nakapikit ang kanyang mata. "Magiging busy kana, galingan mo ah." I kissed her forehead. "Babalik na naman ako sa dati. Training, kain, aral, dorm." "Okay lang yan, para rin naman sayo yan tsaka sa team niyo." She opened her eyes. "Lagi ka mag-iingat ah, hindi na kita mababantayan pa." "Magkapagsalita ka naman dyan parang hindi na tayo magkikita." "Magkikita nga tayo pero saglit lang." She said in a sad voice. "It's okay basta tandaan mo lagi lang ako nandito, pag kailangan mo ko anytime pwede mo ako tawagin." Bumangon ito at hinawakan ang pisngi ko. "Thank you." She said before kissed my lips. Ilang segundo ang tinagal ng paglapat ng mga labi namin bago naghiwalay. "Gabi na, kailangan ko na ata umuwi." "Pwede bang dito kana lang matulog?" Malumanay nyang tanong. "Hm . . Bakit? Hindi ka ba sa dorm niyo matutulog?" "Hindi, dito ako matutulog kailangan ko ng masarap ng hangin." She said and sumandal. "Cge sasamahan nalang kita, sulitin na natin ang mga araw na natitira bago ang UAAP." Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap sa bewang niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa ganung pwesto. Maaga ako gumising para ipagluto si Deanna ng breakfast, may training din kasi ako. Pagtapos ko magluto tsaka ako naligo at nagbihis, nag-iwan ako ng note bago lumabas ng condo unit ni Deanna. Wala naman syang training kaya hindi ko na siya ginising, sa pagkakaalam ko puro photoshoot sila ngayon. "Good morning, Jema." Bati ni ate Jia sakin pagpasok ko sa CMS gym. "Mukhang maganda ang gising ngayon ni Mareng Jema ah. May nangyari ba?" Mapanuksong tanong ni ate Ly. I laughed. "Wala po, maganda lang talaga gising ko eh." "Nababasa ko sa mata ni mareng Jema na nagsisinungaling siya." Kyla said. "Oo nga, may nangyari sa inyo ni Deanna noh?" Risa said. "Wala. Kayo talaga, mabuti pa magsimula na tayo kahit wala pa si Coach Mark." I said. "Sus, lumilihis si mareng Jema." Sabi ni ate Coleen. Hindi ko nalang sila pinansin, wala naman kasi talaga nangyari, natulog lang kami. Stretching muna bago kami nag-warm up hanggang sa nagbuhat na kami. Shet! Sobrang bigat naman ata nito. "Jema relax, dapat naka-relax yan hita mo." Coach Mark said. Huminga ako ng malalim then yun nga, nag-relax na yung hita ko, hindi na siya nanginginig. Pero takte! Yung puso ko ang bilis na naman ng t***k, kailangan ko ata ulit pumunta sa UST hospital. Deanna Point of View Habang kinukunan ako ng pictures, hindi ako mapakali kasi malelate na ako sa date namin ni Jema. Natatawa tuloy sakin yung photographer tsaka si kuya Synjin. "Look at her, nagmamadali yan." "One shot nalang ms. Deanna and makakaalis kana." Photographer said. Nakalipas ang ilang minuto nakaalis na din ako but s**t! Traffic, mag-lrt nalang ako. Buti nalang dala ko yung cap ko kaya hindi ako napapansin habang nakasakay sa lrt. After thirty minutes nakarating nadin ako sa UST hospital kung saan kami magkikita ni Jema. "Bakit ngayon ka lang tsaka bakit pawis na pawis ka?" She asked. "Nag-lrt lang ako and sobrang init sa loob ng lrt. Nakakainis!" "Kaya pala late ka, bakit kasi hindi mo dinala yung kotse mo?" "Mas matatagalan ako kapag dinala ko pa yung kotse ko kaya nga nag-lrt nalang ako. Nga pala kamusta na yung pagpapacheck up mo?" Tinanggal ko na ang cap ko atsaka nagpunas ng pawis gamit ang handkerchief ko. "Okay naman daw ako, healthy pa rin naman daw. Kulang nga lang ako sa stamina kaya mabilis daw akong hingalin, kaya din daw nagkakarera ang puso ko. Binigyan ako ni dr. Reyes ng gamot para tumaas yung stamina ko." She said while walking. Naglalakad kami patungo kung saan nakaparada ang kotse niya. "Ako na ang magdadrive." Pumasok ako sa driver seat at siya naman ay sa passenger seat. "Saan tayo kakain?" "Saan mo ba gusto?" I started driving. "Ikaw bahala, ikaw naman ang may sagot." She said. "Hm . . Gusto ko ng italian food, may alam ka ba dito na italian restaurant?" "Yeah, sa cubao meron. Masarap ang mga italian food dun." "Cge dun tayo kakain." I said. After thirty minutes nakarating nadin kami sa italian restaurant na sinasabi niya. Tama siya, masarap nga ang pagkain dito. "Happy Valentine's baby." She said. I smiled. "Happy Valentine's din love." "Picture tayo." She said. "Okay but wag muna ipost sa i********: para wala ng issue." "Sure." Nagpicture kami. Pagtapos namin magbayad ng bill umalis na kami sa restaurant. Hinatid niya na ko sa ateneo dahil may class pa ko ng two o clock. Hay! Valentine's pero may pasok. "Happy valentine's Deans." Sabi ni Ron nang makasalubong ko sa hallway. "Happy valentine's." Bati ko rin dito pabalik at nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok ko sa classroom, sakto pumasok din yung professor namin kaya naman nagsimula agad kami ng class. Pupunta ako ngayon sa locker room para ilagay doon ang book na binigay samin ni Professor. Madami akong nakita na letter, nakadikit sa locker room ko, meron din sa taas nakapatong. May mga chocolates din at flowers. Pinasok ko lahat ng letter at flowers sa locker room ko, dinala ko pauwi sa dorm yung chocolates. "Happy Valentine's Deans." Sabi sakin ni Kobe nang makasalubong ko sila ni Ponggay sa labas ng eliazo. "Happy Valentine's din sa inyo ni Pongs. May date kayo?" I asked. "Yes, ikaw? san ka galing? Nagdate kayo ni Jema?" Pongs asked. "Kanina pa, galing ako sa klase. Cge ingat kayo sa date niyo." I said and tuluyan ng pumasok sa loob. Pagpasok ko binati agad ako ng teammates ko tsaka ng mga rookies. Binigyan pa nga ako ni ate Mads ng chocolate eh. "Deans may nagpapabigay pala." Inabot sakin ni ate Bea ang chocolate at rose. "Sino nagbigay nito?" "Si boy bestfriend, walang iba kundi si Ricci Rivero." Sagot ni ate Mads. ••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD