Deanna Point of View
Nine o clock na ng gabi pero lumabas pa din ako sa dorm, pupunta ako sa BEG naiwan ko kasi ata yung notes ko sa shower room.
Nanghiram nalang ako ng bike sa guard, sayang kasi kung magko-kotse pa ko tsaka paubos na yung gas ko.
Nakasalubong ko si Pauline. "Deans, sarado na ang ilaw sa BEG."
"May flashlight ako sa phone."
"Ano bang gagawin mo sa loob?" She asked.
"May naiwan lang ako sa shower room." I tap her shoulder. "Pasok na ko."
I opened my flashlight and pumasok na ko sa BEG. Dumeretso agad ako shower room, chineck ko ang locker ko dito.
"Buti nalang nandito." I said to myself.
I took the papers and lumabas na ng shower room. "Deanna?"
"Ay putik!" Napasigaw ako dahil biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko. "Nakakagulat ka naman kuya!"
"Can we talk ms. Deanna?"
Hindi ko masyado makita ang mukha nito dahil nalaglag ang aking phone kaya walang ilaw.
"Sino ka ba?" Tinapat ko dito ang flashlight para makita kung sino ito. "Vic?!"
"Kilala mo pala ako."
"Bakit nandito ka?" Tanong ko. The flashlight still focuses on him.
"Can we talk?" He asked again.
Parang bumabalik na naman yung galit ko sa kanya, naaalala ko na naman kung paano kami nag-away ni Jema nang dahil sa kanya.
"I'm busy, sorry." Lalakad na sana ako pero bigla itong humarang. I looked at him seriously. "What?"
"Gusto ko si Jema." Automatic na tumaas ang aking kilay. "Hiwalayan muna siya, hindi ikaw ang bagay sa kanya, isa pa pareho kayong babae, hindi kayo tanggap sa lipunan. Ang tingin sa inyo ng ibang tao ay hindi tao kundi hayop. Si Jema sakin nababagay dahil lalaki ako, gagawin ko ang lahat para mapasakin siya, tandaan mo yan."
I smirked. "Gawin mo lahat ng gusto mo pero isa lang tatandaan mo, hindi mo maaagaw sakin si Jema." Nagsimula na ko maglakad palayo.
May narinig pa akong ingay bago tuluyan nakalabas ng BEG, i think may binato siyang isang bagay.
Tumambay muna ako sa isang garden dito sa ateneo bago bumalik sa dorm namin. "Bakit ngayon ka lang, Wong?" Cap asked.
"Nagpahangin pa po kasi ako."
"Ang tagal ah. Cge umakyat ka na." Tumingin ito sa iba. "Matulog na kayo, may training at pasok pa kayo bukas." Cap said and nauna na umakyat.
Hay! Nakakapagod pala mag-isip, minsan kailangan mo din pala pagpahingahin yung isipan mo.
Jema Point of View
I woke up early because i have a training. I checked my phone after I take a bath. Wala siyang text, himala.
Siya laging nauuna mag-good morning sakin eh. Tulog pa kaya siya? Pero imposible na tulog pa yun, five thirty na eh.
"Jema tara na." Risa said.
"Susunod ako, wait mo ko."
Sasabay kasi ako sa kanya, nasira kasi yung car ko eh. Kukunin ko palang mamaya sa talyer yung kotse ko.
I hide my phone in my bag and sumunod na kay Risa. I played ML habang siya nagdadrive.
Natapos ang aking training pero wala pa rin akong natatanggap kay Deanna na text. Bakit kaya? Matext nga si Ponggay, baka alam niya kung nasan si Deans ngayon.
"Hey Pongs! Alam mo ba kung nasan si Deanna ngayon?"
Maya't-maya nag-reply ito. "Hindi ko alam eh, bakit? Hindi pa ba kayo nagkakausap?"
"Hindi pa nga eh, tinext ko na but wala pa rin siyang reply." I replied.
"Jema mag-shower ka na." Ate Coleen said.
Ngumiti lang ako bilang sagot. I took my gym bag and stood up, habang naglalakad ako papasok sa shower room, tumunog muli ang phone ko.
I checked my phone. "Hanapin ko siya mamaya, sabihan nalang kita."
"Okay, salamat Pongs."
Nag-shower na ko. After thirty minutes natapos na din ako. Naupo muna ako sa couch ng lobby kasi nag-shower pa si Risa.
"Jema mauna na kami ah, ingat kayo." Ate Ly said, kasama si ate Jia.
"Cge ate, ingat din kayo." I said. Naghintay pa ko ng ilang minuto bago nakita si Risa. "Ang tagal mo."
"Sorry, hindi kasi ako masyado nakaligo kanina."
"Tara na." I stood.
"Daan muna tayo sa ateneo." She said.
"Anong gagawin natin dun?"
"May idadaan lang ako sa friend ko na nag-aaral sa ateneo." She said.
Pumasok kami sa kanyang kotse, sinuot ko ang seatbelt. "Okay." Umayos ako ng upo and I closed my eyes.
After an hour nakarating na din kami sa ateneo, medyo natagalan kasi ang traffic sa bandang UPTC.
"Ibaba mo nalang ako sa BEG, Risa."
"Hindi ka na sakin sasabay pauwi sa dorm?" She asked.
"Hindi na, hahanapin ko nalang si Deanna."
"Bakit nawawala si Deanna?"
"Hindi. Hindi lang nagpaparamdam sakin." I said.
"Bakit? Nag-away ba kayo? Lagi nalang kayo nag-aaway ah."
"Hindi kami nag-away."
"Akala ko nag-away na naman kayo eh." She said. Hininto nito sa tapat ng BEG ang kanyang kotse. "Cge na, mag-ingat ka pauwi."
"Salamat." Bumaba na ko ng kotse niya.
Hinintay ko muna makaalis ang kotse nito hanggang sa mawala sa paningin ko tsaka lang ako pumasok sa loob ng BEG.
Inikot ang aking paningin sa buong loob ng BEG pero wala si Deanna. Lumabas ako ng BEG at naglakad-lakad sa ateneo, nagbabasakali na makita si Deanna.
Deanna Point of View
I'm here in the restaurant with my lawyer. "So ms. Wong, bakit pinapunta mo ko dito?"
"Gusto ko na iatras ang kaso ko kay Fhen."
"Why? Malapit na matapos ang kaso ni Fhen." He said.
"Iatras mo nalang, nagbago na ang isip ko."
"Bakit bigla nalang nagbago, ms. Wong? Sayang naman kung iaatras mo pa."
I gave him an envelope containing fifty thousand pesos. "Iatras mo nalang, aalis na ako."
Umuwi ako sa condo ko pero bago yun ay bumili muna ako ng pagkain, hindi pa kasi ako nakakakain ng lunch kaninang tanghali.
E-enter ko sana yung key card ko sa unit kaso nakabukas na ito. Bakit nakabukas ito? Kanina pumunta din ako dito pero alam ko nilock ko ito eh.
Hm . . Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw dito? Imposible naman kasi mahigpit ang security guards dito, hindi sila basta-basta nagpapasok ng hindi tiga dito.
*RING!*RING!*RING!*
I took my phone and answered the call. "Hello?"
"Deanna!! Bakit ngayon mo lang sinagot yung tawag ko?"
"Ang ingay mo naman, Gaston." Pumasok na ko sa loob.
"Eh kanina pa ko tumatawag sayo."
Dumeretso ako sa kitchen para ihanda ang aking makakain. "Sorry naman, na lowbat kasi yung phone ko."
"Kanina ka pa sakin hinahanap ng girlfriend mo."
"Mamaya nalang ulit tayo mag-usap." I ended the call. Hay! Napaka-ingay talaga ni Ponggay, hindi na nagbago.
Makapagbihis nga muna. I went to the bedroom and i'm shocked nang makita kung sino ang tao na natutulog sa bed ko.
I smiled when I saw her face sleeping. Oh my god! She's cute. Very very cute.
I removed my jacket and dahan-dahan umupo sa kanyang gilid. I slowly held her face para hindi ito magising.
(A/N: Ehem! Baka gusto mo muna kumain bago lumandi.)
(Epal ka talaga Author kahit kailan!)
I kissed her forehead before pumunta sa dining area para kumain. Bakit kaya nandito siya?
Isa pa, paano siya nakapasok dito? Ayt! Oo nga pala binigyan ko siya ng isang key card para mabuksan niya 'tong condo unit ko.
Nang matapos ako kumain binalikan ko na si Jema doon sa kwarto, tumabi dito ako ng higa at niyakap siya ng mahigpit.
I'm sure nagtatampo 'to sakin, hindi ko kasi siya naichat or naitext kaninang umaga eh, nawala kasi sa isip ko kasi busy ako sa pag-review para sa exam namin.
"Hm . . ." Patay magigising na. Dahan-dahan akong tumagilid at nagkunwaring tulog. "Nandito na pala 'to." Nanatili akong nakapikit, napadilat lang ako ng biglang may kumurot sa braso ko.
"Aray!"
"Nagtutulog-tulugan ka pa diyan, anong akala mo maloloko mo ko ha?!"
"Hindi naman ako nagtutulug-tulugan eh."
"Mukha mo, kanina pa ko gising." She said.
Tumayo ito at lumabas ng kwarto, sinundan ko naman ito. She sit on the couch and binuksan ang TV.
Jema Point of View
Siraulong Deanna 'to! Akala niya siguro hindi ko naramdaman na dumating na siya. "Galit ka?" Hindi ko ito pinansin. "Sorry na, busy kasi ako eh."
"Pwede naman mag-reply kahit isang beses lang, diba? Hindi yung pinag-aalala mo ko."
"Sorry na nga eh tsaka na lowbat din yung phone ko."
"Tsk!" I looked at the clock, it's eight thirty pm na pala. "Uwi na ko." I stood.
"Hatid na kita."
"Wag na." I took my wallet and phone then lumabas na ko nang condo unit niya. Aba't! Hindi man lang talaga ako sinundan.
Bwiset! Bahala nga siya.
Pumara nalang ako ng taxi at hindi na nag-grab para mapabilis ako. "Saan po tayo ma'am?"
"Sa *******"
Nagsimula na umandar ang taxi. Nakaramdam ako ng antok kaya i sleep muna tutal medyo malayo ang dorm ko sa condo unit ni Deanna.
Nagising ako nang mapansin kong umaandar pa din ang taxi, bakit parang tagal naman ata?
"Manong nasan na po tayo?" Pansin ko kasing hindi ito ang way pauwi sa creamline dorm.
Hindi ito nagsalita, nagsimula na ko kabahan. Dumoble ang kaba at takot ko nang hininto nito ang kotse sa isang madilim na lugar.
"Baba." He said and humarap sakin. "Hi Jema."
"Ikaw?!"
Ngumisi ito at bumaba ng kotse, binuksan nito ang pinto ng backseat. "Bumaba ka!" She grabbed my hands but tinulak ko ito kaya sapilitan niya akong hinatak.
"Anong gagawin mo sakin?" Nanginginig kong tanong dito.
"May gagawin lang ako sayo." He pushed me.
Akmang tatayo ako kaso tinulak muli ako nito. "Bakit mo ba 'to ginagawa?" Nagsimula na tumulo ang aking luha. "TULONG!! TULONG!!"
Tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kamay niya. "Shut up! Kahit magsisigaw ka, walang makakarinig sayo dito."
Pinalo ko ang kamay niya. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Wala naman akong kasalanan sayo."
"Wala nga, pero gusto kita mapasakin. Kahit na mali gagawin ko 'to para mapasakin ka, Jema." He smirked.
He's obsessed to me. Nababaliw na siya! Sunod-sunod tumutulo ang aking luha. Nagsimula na ito maghubad ng kanyang t-shirt.
Sinipa ko ang paa nito at nagsimula tumakbo but nahabol niya ako, hinawakan niya ako sa buhok at tinulak pahiga. Katapusan ko na ba?
••••••••••••••••••••••••••••