Deanna Point of View
"Hi Deanna." Bumeso ako kay Brent. Isa sa mga bestfriend ni Ricci, isa din sa close friend kong lalaki.
"Kamusta?" I asked him.
"Okay naman, tagal natin hindi nagkita." He said.
"Guys maiwan ko muna kayo." Ricci said and umalis sa aming tabi.
"Busy eh lalo na UAAP ngayon."
"Kamusta kayo ni Jema? Balita ko going strong daw yung relasyon niyo ah." He said.
"Yeah, strong na strong."
"Wow. Siya na ba si the one?" Mapang-asar na tanong nito.
"Ewan pero sana siya na nga." I said while smiling.
"Deans kain tayo." Biglang sumulpot sa tabi ko si Jules, may dala itong plato pero walang laman na pagkain.
"Cge." I stood. "Brent kuha lang kami ng food."
"Sure, hintayin ko kayo." He said.
Pumunta kami sa food area para kumuha ng food, pagtapos ay bumalik na kami sa pwesto ko kanina.
Nine o clock na kailangan na namin bumalik sa dorm dahil maaga pa ang training tsaka hindi kami nakapag-paalam kay coach Oliver.
"Tita, tito aalis na po kami." Paalam namin sa parents ni Ricci.
Hinatid kami ni Ricci at Brent sa labas ng bahay. "Cci thank you, aalis na kami." Bumeso ako sa dalawa, ganun din si Jules at Ria bago kami sumakay sa kotse.
Hinatid muna namin si Ria sa apartment niya bago kami tumuloy pauwi sa ateneo. "Bakit ngayon lang kayo?" Cap asked me.
"Eh cap traffic." I said.
"Traffic? Gabi na ah." She said.
"Traffic po talaga cap." Jules said.
"Okay, cge matulog na kayo."
Umakyat na ako sa aming kwarto ni Ponggay. I called Jema. "Hi baby."
"Nakauwi na kayo?"
"Yeah. Kakauwi lang namin."
"Mabuti naman, how's the party?" She asked.
"Okay naman. Nandun yung ibang friends ko din."
"Good, cge pahinga ka na."
"Okay, goodnight." I ended the call.
Ginawa ko muna ang aking night rituals bago ginawa ang aking assignment at report. Halos twelve o clock na ko nakatulog dahil sa dami ng ginawa ko.
"Puyat Deans?" Ponggay asked me pagbaba ko sa sala.
"Yeah, late na ko nakatulog." I sit on the couch.
"Ayan yari ka mamaya kay coach, pati si Jules." Ate Maddie said.
Sinintas ko muna ang aking sapatos bago pumunta sa dining area para mag-almusal. "Grabi laki ng eyebags mo ah. Natulog ka ba?" Ate Bea asked while laughing.
"Napuyat ako sa pag-gawa ng report."
"Hahahah! Pumunta pa kasi kayo ni Jules. Buti pa si Ponggay natulungan ko sa pag-gawa ng report niya." She said.
Kumuha ako ng bread at nagtimpla ng coffee for me. "Eh minsan lang naman tsaka nag-enjoy naman kami nila Ria."
"Sus, buti pinayagan ka ni Jema. Akala ko pag-aawayan niyo na naman yan eh." She said.
"Hindi ah, maayos ako nag paalam sa kanya." I said and kumagat sa bread na hawak ko.
"Deans minsan dalin mo naman si Charlie dito." Sabi ni Jules na kakababa lang ata.
"Bakit?"
"Wala lang, ang cute kasi ng anak niyo ni Jema eh." She said.
HAHAHAH! Si Charlie kasi parang siya muna yung anak namin ni Jema hangga't wala pa kaming tunay na anak.
Pero pinaka-anak talaga namin si Chuichui tapos bunso si Charlie my loves.
Jema Point of View
Nang matapos ang morning training namin nag-decide ako makipagkita kay Ponggay, malapit sa UPTC.
"Hi Jema, sorry late ako."
"Okay lang." Inaya ko ito maupo, nandito kami sa isang coffee shop.
"Nga pala bakit gusto mo makipagkita sakin? May kailangan ka ba sakin?"
"Yeah, about kay Deanna." I said.
"Anong meron kay Deanna?"
"Ikaw yung nilapitan ko kasi alam kong isa ka sa mga malapit kay Deanna. Matanong ko lang, may problema ba siya?"
"Wala naman siyang naikwe-kwento sakin." She said. "Bakit ba?"
"Nung isang araw kasi pumunta si Deanna sa apartment ko tapos ang lungkot, halatang may malaking problema."
Matagal ang lumipas na oras bago nagsalita ito, she laughed. "Hahahah! Alam ko na kung ano yun Jem."
"Ano?" I asked.
"Ma'am oorder na ba kayo?" Biglang singit ng isang waiter.
"Frappe lang sakin." Pongs said.
"Coffee lang." I said and umalis na ito. "Pongs ano nga ulit yun?"
"Sinabi kasi sakin ni Deanna yung tungkol sa pagtawag sayo ni Vic tapos tinanong ko siya kung pinaandar niya ba yung pagiging immature niya."
"Tapos?"
"Ayun nag-drama yung jowa mo. Tinanong sakin kung immature daw ba siya, sinagot ko naman."
"Anong sagot mo?" I asked.
"Sinabi ko na sobrang immature niya tapos ayun nag-walk out, nagising na ata sa katotohanan."
"Ah . . Kaya pala, napagsabihan mo."
"Hahahah! Hayaan mo siya, dapat lang yun. Hindi na kami bata kailangan din namin mag-matured katulad niyo." She said.
"Kahit naman immature si Deanna mahal na mahal ko siya."
"Jema hindi pwedeng lagi na pag-aawayan niyo agad ang maliit na bagay, hindi pwede na tumanda siya hindi niya pa rin alam ang salitang matured."
"Tama ka naman pero kasi . ."
"Jema hayaan mo siya, hindi naman laging nasa likod ka niya para saluhin ang problema na dumadating sa kanya."
"Hindi ko naman sinasalo ah." I said.
"Hindi mo sinasalo pero tinutulungan mo siya. Jem walang masama tumulong pero dapat matuto din si Deanna sumolved ng problema niyang siya lang, yung walang tutulong sa kanya. Hindi sa lahat ng oras may tutulong sa kanya."
Ponggay is right, tama siya hindi pwedeng lagi kong tutulungan si Deanna sa mga problema niya. Dapat din siya mag-matured pero kahit immature si Deanna mahal na mahal ko siya, hindi yun ang dahilan para iwanan ko siya sa ere.
One Week Later . . . .
Papasok palang ako sa CMS-asia nang sumulpot sa harap ko so Vic, may hawak na naman itong bouquet flower.
"Good morning Jema, para sayo."
Palihim naman akong napairap. Hay na ko! "Vic, can we talk?"
"Sure." Naupo kami sa couch ng lobby. "About saan?"
"Pwede ba tigilan muna ako?"
"Ha? Wala naman ako ginagawang masama ah."
"Tigilan muna yung pagbibigay mo sakin ng flower." I said.
Biglang naging seryoso ang mukha nito. "Bakit naman? May magagalit ba?"
"Oo, si Deanna."
Napatawa ito. "Si Deanna? Hay Jema, iwanan mo na siya. Ang tulad mong magandang babae, hindi nababagay sa isang tulad niya."
Biglang sumama ang aking mukha dahil sa sinabi nito. "Wala kang pakialam sa relasyon namin, Vic. Kahit kailan wag mo ko didiktahan dahil hindi naman kita magulang o kaibigan."
He smirked and stood. "Hay Jema, tuluyan na ngang nalason ni Deanna ang iyong pag-iisip, sayang ka maganda ka pa naman kaso maganda din ang gusto mo." He smirked again. "Don't worry babalik ka din sa pagiging straight, maghintay ka lang." Iniwan nito sa tabi ko ang bouquet flower at umalis na.
Grrr . . . Nakakabwiset siya! "Oh bakit nakasimangot ka mareng Jema? Kay aga-aga." Risa said.
"Si Vic kasi eh." I said in an irritated voice.
"Bakit? Anong ginawa sayo?" Ate Rose asked me.
"Eh kasi sabi sakin hindi daw kami nababagay ni Deanna sa isa't-isa, babalik din daw ako sa pagiging straight, wait lang daw ako."
"Opps! Mukhang may balak si lover boy, mag-ingat ka Jema." Ate Pau said.
"Naku! Subukan niya lang kundi may mangyayari din sa kanya."
"Ah tapang bata." Kyla said while laughing.
"Guys let's start." Coach Joyce said.
Nilapag namin ang aming gym bag sa gilid atsaka sinimulan na mag-warm up. Warm up muna bago hard training para nasa condition yung mga katawan namin.
Nang matapos ang aking training, sinundo ko si Deanna sa ateneo.
Natalo kasi nila yung ADU. Eh nagpustahan kami na kapag ateneo ang nanalo, ililibre ko siya ng lunch.
Tapos kapag ADU ang nanalo, wala siyang kiss sakin for one month. Unfair ba?
"Hi love." Humalik agad ito sakin pisngi pagpasok ng kotse. "Katatapos lang ng training mo?"
"Yeah." I started driving. "Where are we going to eat?"
"Kahit saan basta ikaw ang aking kasama."
I smiled. "Bolera, panget mo!"
"Panget ako? Eh may gusto ka nga sakin eh."
"Sino nagsabi?" Tumingin ako dito tutal naka-red light naman.
"Tsk!" Nagulat ako ng halikan ako nito. "Panget ako?"
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat, nakagalaw lang ako ng marinig ko ang busina ng isang kotse sa likod namin. Ay! Green light na pala.
"HAHAHAHAH!"
masama ko siyang tiningnan bago pinaandar ang kotse. Bwiset! Naisahan niya ako dun ah.
Deanna Point of View
Tawang-tawa ako sa mukha ni Jema. Halata talagang nagulat siya nung bigla ko siyang halikan.
"Saya mo ah."
"Syempre, naisahan kita." I said to her.
She rolled her eyes. "Tsk! Mababawian din kita." She stopped the car in front of the restaurant.
We entered the restaurant, we sat beside the window. The waiter approached us immediately and he gave us a menu.
"What's your order ma'am?" Waiter asked to Jema.
"Grilled chicken strips and vegetable sandwhich."
"Okay ma'am, what is your drink?"
"Water only." She said.
Ako naman ang tinanong nung waiter, nang maibigay namin lahat ng order namin dalawa ay umalis na ito.
"Bakit nandyan ka sa harap ko?" I asked her.
"Wala lang."
"Dito ka nga maupo sa tabi ko."
"Ayoko, mamanyakin mo lang ako dyan." She said.
"Kapal, hindi kaya."
"Tsk." Tumayo ako at ako na ang lumipat sa tabi niya, nakakahiya sa kanya eh. "Dun ka nga."
"Wag ka magulo." I leaned my head over her shoulder. "Inaantok ako."
"Edi matulog ka."
"Wag ka magulo, pagod yung utak ko." I said.
"Napapagod ba yan?"
"Oo." Sagot ko.
Nanatili lang akong nakasandal sa kanyang balikat. Umayos lang ako ng upo nang dumating ang pagkain na inorder namin.
"Tapos ka na kumain?" She asked me.
"Yeah."
"Hindi pa ubos yung food mo oh."
"Eh busog na ko." I said.
"Wow, ngayon lang ata kita nakita na tumanggi sa pagkain."
"Grabe ka naman sa girlfriend mo."
"Eh totoo naman eh." She said while laughing.
Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar niya, baka mapikon pa ko. Pikunin pa naman ako.
Nang mabayaran niya ang bill, umalis na kami sa resto. Tumungo kami kila Cy para bisitahin si Chuichui at Charlie. Yung two dogs namin dun nag-stay kasi yung nagbabantay kay Charlie sa condo koa nagbakasyon.
Kawawa naman si Charlie kung mag-isa lang siya dun sa condo ko, walang mag-aasikaso sa kanya.
"Hi lodicakes, hi madam."
"Hello lodi." Nagbeso sila Cy at Jema ganun din kami ni Cy. Hinanap agad ng mata ko si Charlie. Nakita ko itong tumatakbo patungo samin, niyakap ko agad ito. "Namiss kita, Charlie."
"Anong napunta niyo ditong dalawa?" Cy asked.
"Kukunin ko si Chuichui." Jema said.
"Akala ko ba dadalawin lang natin sila? Bakit kukunin mo si Chuichui?" I asked Jema.
"Sa apartment naman ako tutuloy."
"Hindi sa dorm niyo?" I asked her.
"Hindi. Dun muna ako sa apartment tutal nagbabayad ako tapos hindi naman natitiran, sayang yung binabayad ko." She said.
I nodded. Ilang oras muna kami nag-stay sa bahay nila Cy bago umalis kasama si Chuichui. Hinatid ako ni Jema sa ateneo tapos umalis na siya agad. May training pa kasi ako ngayong hapon tapos gagawa pa ako ng thesis namin dalawa ni Pongs.
••••••••••••••••••••••••