Deanna Point of View
Pagtapos ko ihatid si Jema sa gym nila, pumunta na ko sa BEG. "Hi ate Deans." Jaja greeted.
"Hello."
I sit on the bleacher. "Deans!"
"Ang ingay mo, Pongs." I said to her.
"Sungit mo naman." She sit on my side. "Ang aga-aga ang sungit mo."
"I'm not masungit."
"Hahahah! Conyo."
"Edi wow!"
Sinintas ko ang aking sapatos, pagtapos ay tinulungan ko si ate Maddie mag-kabit ng net.
Nang matapos ang aming training ay tumungo na ko sa klase ko, kasabay ko si Ponggay.
"Deans, kamusta?"
"Anong kamusta?" I asked while walking.
"I mean kamusta naman kayo ni Jema, diba nagseselos ka dun sa Vic?"
"Hindi naman na siya nagpaparamdam, kaso nagparamdam kagabi lang."
"Talaga? Anong reaction mo?"
"Wala." I said.
"Weh? Hindi ka nagalit kay Jema?"
"Nope."
"Akala ko pinaandar muna naman yan pagiging immature mo eh." She said.
Napahinto ako sa paglalakad, ganun din ito. "Sobra ba pagiging immature ko?"
"Yeah, dapat magbago kana. Hindi na tayo mga bata, Wong. Lalo na't may mga kasintahan tayo, sa isang relasyon bago ka pumasok dapat alam muna ang salitang mature at dapat alam muna kung paano gawin at kailangan mo gawin."
Hindi ako nagsalita, nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Ponggay. Oo baliw si Pongs at makulit pero mabuti pa siya alam ang salitang mature at alam kung paano gawin.
"Tara na." Nauna na akong maglakad.
Nakakahiya ako . . . . . sobra pa sa sobra. Oo tahimik at hindi ako katulad ni Ponggay na makulit pero hindi ibig sabihin nun mature na ko.
Minsan sa taong akala mo immature pero minsan sila pa yung alam yung salitang matured at kayang gawin.
Ponggay Point of View
Alam ko nasaktan si Deanna sa sinabi ko pero para rin naman sa kanya yun, gusto ko malaman niya na immature niya at gusto ko siya magbago.
"Mauna na ko." She said and umalis na.
Natawa nalang ako. Sa inaasta niya kitang-kita talaga ang pagiging immature niya, sana mabago siya ni Jema.
"Pongs!" I look. "Nasan si Deanna?"
"Kaaalis lang eh."
"San dumaan?" Cci asked.
"Dun." Sabay turo sa dinaanan ni Deanna.
"Salamat." Tumakbo na ito paalis.
Bakit hinahanap niya si Deanna? Hm . . Siguro may pag-uusapan sila. "Hi ate Pongs, pwede papic?" Tanong ng isang fans na nakasalubong ko sa hallway.
"Sure." Nag picture kami, nakailan shot din kami bago tumigil.
"Wala po ba si ate Deanna?"
"Umalis na eh, next time kana lang magpa-picture kapag nakasalubong mo siya." I said.
"Cge po, thank you ulit." Umalis na ito.
Lumakad na ko papunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Nakita ko si ate Trey na kumakain kasama si Jamie.
Jema Point of View
Kasalukuyan kaming kumakain nila ate Ly at ate Mel nang biglang i-open ni ate Ly ang tungkol sa pagkaso ni Deanna kay Fhen.
"Kamusta na pala yun? Ang tagal na nun ah." Ate Ly said.
"Oo nga Jema, ano bang nangyari na dun?"
"Sabi ni ate Jia malapit na daw matapos yun eh, mga tatlong hearing nalang." I said.
"Edi ilang araw nalang pala magkakaron na ng record si Fhen sa NBI."
"Yeah." Ate Ly said.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip ni Deanna?" Ate Mel asked.
"Hindi na siguro. Si Deanna kasi may isang salita yan tsaka kung ano yung sasabihin niya, gagawin niya talaga, pwera nalang kung sinabi niya agad na joke lang." Ate Ly said.
"Wag na natin pag-usapan yun, pag-usapan natin nalang yung tungkol sa pag-try out natin sa NT." I said.
"Opps! Hindi ako nag-try out, kayo lang kaya kakain muna ako. Kayo ang mag-usap diyan." Ate Mel said.
"Hindi pa nagtetext si Coach Cesael kung pasok tayong apat nila Jia." Ate Ly said.
"For sure pasok kayo. Isa kayo sa mga kailangan ng national team para manalo ang Philippines." Ate Mel said while eating.
"Hindi ah." I said.
"Humble." Ate Ly said.
Nang matapos kami kumain ay umuwi na sila sa dorm, sa apartment naman ako umuwi. Dun ako matutulog tsaka may sasabihin daw sakin si ate Jovi.
"Hi ate Jo——Teka! Bakit may dala kang maleta?" Takang tanong ko.
She smiled. "Aalis na ko, sa laguna na ulit ako titira."
I sit on the couch and looked at her. "Bakit aalis ka na? May problema ba?"
She sit on my front. "Na-assign ako magturo sa laguna, sa isang public school. Tinanggap ko kasi malapit kila mama at papa tapos mababantayan ko na silang dalawa, tutal ako lang naman din nalang tumitira dito eh. Madalas wala ka tsaka si Mafe."
Nalungkot ako sa narinig na salita kay ate Jovi. "Cge mag-iingat ka." Tumayo ako at niyakap ito. "Mamimiss kita kahit mapang-asar ka."
"Mamimiss din kita, dalasan mo yung pagdalaw mo ah."
Lumayo ako. "Yeah, galingan mo sa pagtuturo ah?"
"Oo naman." She said.
Ilang minuto pa ito nag-stay bago tuluyan umalis, dadaan pa daw kasi ito kay Mafe para mag paalam.
Kasalukuyan akong gumagawa ng cookies for me dahil wala akong makain ngayong hapon.
Pagkalagay ko sa oven ng cookies, saktong may nag-door bell. Hinubad ko ang aking apron at lumabas para tingnan ang taong nag-door bell.
"Deanna?"
She smiled. "Pwede pumasok?"
Binuksan ko ang gate at pinapasok ito. "What are you doing here? Hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko kanina."
"Nalowbat yung phone ko eh." She sit on the couch.
"May problema ba?" I asked her. Malungkot kasi ang mukha nito eh. "May nangyari ba sayo?"
Hinila niya ako paupo sa lap niya. "Nothing, napagod lang ako sa klase namin kanina ni Pongs."
I cupped her face. "Hindi nga? May problema ka eh, kitang-kita sa mukha mo eh."
"May food ka? I'm hungy." Pag-iiba nito sa usapan.
"Yeah."
Siguro mamaya ko nalang siya kakausapin or baka si Pongs nalang kausapin ko, baka alam niya kung anong nangyari kay Deanna.
I stood at niyaya ito pumunta sa kitchen.
Nanonood kami ni Deanna sa sala, tahimik lang ito habang pinaglalaruan ang aking daliri, hindi ito nakatingin sa TV.
"Hindi ka naman nanonood eh."
"Nanonood ako." She said, patuloy pa rin ito sa paglalaro ng aking daliri at tanging sa daliri ko lang siya nakatingin.
"Hindi ka naman nakatingin sa TV eh."
"Kailangan pa ba yun? Naririnig ko naman eh."
"Dapat kapag nanonood nakatingin ang mata sa pinapanood." I said.
"Eh gusto ko sayo lang tumingin."
"Hindi ka naman sakin nakatingin, sa kamay ko ikaw nakatingin."
She looked at me. "Ayan, nakatingin na ko sayo."
"Tsk! Parang ang laki ng problema mo ah."
She smiled. "Wala akong problema, napagod lang talaga ako." She hugged my waist. "Nga pala baby may sasabihin ako sayo."
"Ano yun?"
"Nagkita kami kanina ni Ricci."
"Tapos?" I asked.
"Hm . . Iniinvite niya ako."
"Saan?" Kunot noong tanong ko.
"Birthday ni Riley, yung bunso niyang kapatid."
"May kasama ka?"
"Yeah, isasama ko si Ria tsaka Jules."
"Cge." I said.
"Payag ka?"
"Yup. Wala naman dahilan para hindi ako pumayag, isa pa i trust you."
"Thank you." She kissed my cheek.
"Nga pala kelan ba yung birthday ng kapatid niya?"
"Bukas na."
"Cge, mag-iingat kayo. Behave ah." Paalala ko sa kanya.
"Sayo lang ako."
I smiled. Maya-maya umuwi na ito sa kanilang dorm, sa dorm siya matutulog kasi maaga na naman training nila bukas.
Pinaghahandaan kasi nila ang UP, may laban sila sa linggo, four pm.
Maaga akong gumising para kunin si Charlie sa condo ni Deanna. "Hi ms. Jema."
"Wag niyo na po akong tawagin na ms. Jema, Jema nalang po." I said. "Where's Charlie?"
"Nasa kwarto po ni ms. Deanna."
"Pwede ka na umuwi sa inyo, dadalin ko si Charlie sa kaibigan namin ni Deanna."
"Cge po." She said and leave.
I went to the bedroom and nakita ko si Charlie na mahimbing na natutulog sa kama ni Deanna. Lamig kasi sa condo ni Deans kaya masarap matulog.
Hinatid ko si Charlie sa bahay nila Cy tsaka pumunta sa gym. "Morning Jem."
"Morning guys." I greeted my teammates.
"Nasan si ms. Jema?"
Nagtaas ako ng kamay. "Bakit?" I asked to guard.
"Ms. Jema para po sayo." Inabot sakin nito ang isang bouquet flower.

"Kanino 'to galing?" Takang tanong ko at kinuha ang bulaklak.
"kay sr. Vic De Guzman po, cge balik na po ako sa lobby." He said and leave.
"Mukhang balak ka ligawan ni Vic ah." Ate Jia said.
"Hindi naman po ako papayag."
"Paano kung mag-pilit siya?"
"Edi mag-pilit siya, basta ako wala akong pakialam." I said.
"Guys simula na tayo." Coach Ed said.
Nilagay ko sa gilid ang bouquet flower atsaka pumila.
Deanna Point of View
Tumawag sakin si Cy at sinabi na nasa kanya si Charlie, dinala daw sa kanya kanina ni Jema.
Tinawagan ko si Jema pagtapos ng class ko. "Kumain ka na?"
"Yeah. Kumain ako kasama sila ate Ly tsaka ate Jia."
"Good. Nandito kanina si Ced tsaka Tots eh, gumagala dito sa ateneo." I said.
Kanina kasi habang naglalakad ako papasok, nakita ko si Ced at Tots na naglalakad sa edsa walk.
"Sinundo kasi kanina ni Tots si Ced dito sa gym namin."
"Dyan ba siya madalas mag-training sa inyo?"
"Nope, two times a week lang siya pwede mag-training samin kasi mas focus siya dapat sa UAAP." She said.
"Ah okay. Cge bye na, kakain muna ako sa gonzaga canteen."
"Okay, madaming kainin."
"I love you." I ended the call.
Nakasabay ko sa paglalakad si Trina at kakain din ito kaya sabay kami kumain, kasabay din namin si Pongs dahil nakasalubong namin ito sa gonzaga.
Nang matapos ang hapon namin training, pumunta na kami ni Jules at Ria sa bahay nila Cci dahil doon gaganapin yung birthday ni Riley.
"Ganda talaga ng bahay nila Ricci noh." Ria said.
"Mas maganda ka." Hininto ni Jules sa harap ng bahay nila Ricci ang kotse.
"Ayieee! Thanks Deans, pakiss."
Akmang hahalik ito pero hinawakan ko siya. "Wag ka na humalik baka bawiin ko pa yung sinabi ko."
"Hahahah! Sama mo talaga kay Ria, Deans." Jules said.
Bumaba kami ng kotse at nag-door bell sa bahay nila Ricci, lumabas si tita Abi. "Hi girls, mabuti nakarating kayo."
"Yeah tita, sorry late kami bagal kasi nila Jules at Deanna kumilos eh." Ria said then bumeso kay tita Abi.
"Oh siya pasok na, hinihintay kayo ng ibang bisita, alam nila darating kayong tatlo." She said.
Pumasok kami sa loob ng bahay nila Ricci, sa sala pa lang sinalubong na kami ni Cci. "Hi Deans." He smiled.
"Hello." Bumeso ako dito.
"Ako Cci? Hindi mo ko babatiin?" Nakapout na tanong ni Ria.
Napatawa naman si Cci at niyakap ito. "Hi Ria."
"Ihhh! Kilig ako." Parang sira na sabi ni Ria.
"Ate Deans!!" Niyakap agad ako ni Riley.
"Namiss kita baby boy." I said to riley and hugged him.
"Ako walang yakap?" Ricci asked.
"Sira." I laughed. "May gift ako sayo." Binigay ko kay Riley ang isang box na naglalaman ng mamahalin na sapatos.
"Thanks ate." He kissed my cheek.
"Riley go to your room, itago mo muna yan gift ni ate Deanna." Cci said while smiling.
"Okay kuya." Umakyat na si Riley sa taas.
Inaya kami ni Ricci pumunta sa likod ng bahay nila kung saan nandun ang iba nilang bisita.
•••••••••••••••••••••••••