Liara's POV
"Nakakatakot naman ang new student na yan. Maganda sana eh kaso katakot talaga. Di pa ata marunong ngumiti." Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid ko. Di ko nalang sila pinansin at nagsapak lang ako ng headphone.
"Kuya san ang office of the principal?" Walang kaemo emosyon kong tanong sa lalaking nakasalubong ko.
"Oh Hi sweetie. I'm Onyx Havier" at kumindat pa ang malantod.
"Asan ang office of the principal?" Bored parin na tanong ko at hindi ko lang pinansin ang pagpapacute niya kasi hindi naman siya cute
"Eh? Samahan nalang kita dun sweetie." Malanding sabi niya. Nakakawalang ganang kausap ang isang to.
He reminds me so much of that Gangster Cassanova.
Tinitigan ko siyang maigi. I smirked. Oh well. I think I know who this guy is.
Sa T-quar, Kahit nakamask kami kilala ko ang mga mata nila. Isang bagay na magaling ako, I can easily recognize.
"Just tell me where I can find it." I said.
"Hindi ka ba naaapektuhan ng charms ko?" He asked. Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa sabay sabi ng...
"Charms? Nah." I said then leave him there.
Psh =____=
Principal's office lang di pa maituro.
Puro kalandian kasi ang alam nung Romantic Guy na yun.
Onyx Havier huh?
Alam ko na rin ang Identity niya.
Naglakad lang ako at may nakabunggo ako.
Nalaglag lahat ng librong hawak niya.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Mataray na sabi ng babae. Taray naman neto, Sabunutan ko to eh.
"Psh." I just said at iniwanan siya dun. Tutulungan ko dapat siya kaso tinarayan niya ako kaya wag na.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Hinabol niya ako at hinawakan niya ang balikat ko. I looked at her.
"Obvioulsy, Paki ko sayo?" Malamig kong sabi.
"You don't know me." She said.
Tinignan ko ang I.D. niya at ngumisi.
"Kaira Park." I said na ikinagulat niya.
"Y-you know me?" Utal niyang sabi.
"I.D." Maikli kong sagot.
"Huh?!"
"Psh. Stupid." I just leave her again.
Naglakad lakad lang ulit ako hanggang sa wakas ay nakarating ako sa office.
Walang katok katok.
"Where is your manners young lady?" Kunot noong tanong ng principal.
"Whatever tita." I said. Tama kayo. Tita ko ang principal dito.
"Pinalipat ka ng nanay mo dito para magtino ka." Sabi niya sakin.
"Matino naman ako. Si mommy lang ang di makatanggap nun." Bored na bored na sabi ko sabay upo sa upuan sa harap ni tita.
"Here." Inabot na sakin ni tita ang kailangan ko. I.D. and uniform.
"Nanjan na yung map." Tumango nalang ako kay tita. Palabas na ako ng pinto nung biglang may nagbukas dito.
"TABI." Sabi niya. Aba! Kung makautos naman akala mo amo ko!
"Ikaw ang tumabi." Sabi ko sa kanya.
"Inuutusan mo ba ako?" Maangas niyang tanong.
"Psh. Bobo." Sabi ko nalang at binangga ko siya. Kaso di nagpatinag ang loko. Ano ba? Gusto ko ng makalabas dito ha?
"Xandrei let her out." Sabi ni Principal s***h tita.
"Pero mama ang angas ng isang to!" Sigaw niya.
Mama?
"Ganyan talaga yan iho. Tsaka wag mo nga siyang angasan babae yan. Tsaka anak siya ng bestfriend ko." Sagot ni Tita. Kaya ko lang naman tinatawag na tita yan ay dahil bestfriends sila ni Mommy.
"Anak ka ni tito Kiel at Tita Monica?" Tanong ng kumag.
"Oo." Bored na sagot ko.
"Psh." Sagot niya nalang.
"Nagbago ka na Ara." Sabi niya, Akmang lalabas sana ako ng pintuan nung napatigil ako.
Did he just call me Ara??
Ayokong may tumatawag sakin ng ganun maliban kila mommy at sa mga friends ni Mommy.
"Don't call me Ara. I'm Liara!" I shouted.
He just smirked.
"Don't you remember me?" Tanong niya.
"Ofcourse I don't! Ngayon lang kita nakita! Psh." Tanga ba siya? Ngayon ko nga lang siya nakita dahil baguhan ako eh.
"You don't?" Tanong niya.
"Fool. I'm a transfer student." Sagot ko.
"Psh." Yan nalang din sabi niya at tuluyan na akong lumabas.
First day of school may nameet akong tatlong bwisit.
Si Romantic Guy na nilalandi ako kahit nung ako pa si Blinder Princess.
Si Kaira Park na napakataray.
And lastly, Yung Xandrei na anak ni tita Ana! Psh!