Gangster 2

704 Words
Liara's POV "Ang panget grabe!" Naiinis kong sabi habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. "Napakaikli na palda naman neto!" Reklamo ko pa. Pero wala akong magagawa. Ito ang uniform namin eh. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng girls locker room. Tinignan ko ang I.D. ko. Liara Vanessa Arceo 4-A Nairita ako. Kung naging maingat lang sana ako edi sana hindi ako pinalipat ni mommy. Ruford Academy ang school ko dati. Pero pinalipat ako nila mommy dito kasi akala nila gangster ako. Which is true. Pero hindi sila sigurado dahil wala naman silang proof. Tsaka hindi ako umuuwi na may pasa no. Pero dahil pinagdudahan nila ako pinalipat nila ako dito sa Royal Gates academy. School ito nila Dad dati. Dito rin nag-aaral ang mga kinakapatid ko. Matanda ako sa kanila ng 3 taon. Sina Zewel Na anak ni tita Liya at Tito Ivan at si Dustin na anak nila Tita Yanna at tito Cloud. Highschool Friends sila nila Mom and Dad. Ex nga ni Dad si tita Liya eh. Ah basta mahaba story nila. Basahin niyo yung 'Foolish Heart' Para malaman niyo ang tungkol sa kanila. (A/n: Plug ceremony! Hahaha) Kung hindi lang talaga ako pinagdudahan nila mommy at daddy hindi ako magquiquit sa T-quar. Napa buntong hininga ako. Naglalakad ako papunta sa classroom ko nung may bumangga sakin. Seriously? Kanina pa ako binabangga =____= "S-sorry." Sabi nung lalaking hingal na hingal. "Psh." Sabi ko lang at naglakad na palayo pero napatigil ako nung marinig ko yung lalaki. "Hindi p-po ako lalaban." Napalingon ako at nakita ko na nakatayo sa harap niya ang dalawang lalaking nakamaskara. Nakajacket sila pareho ng black. Hindi sila madaling makilala pero dahil ako si Blinder Princess ay nakilala ko sila. "Zero... unmerciful." Bulong ko sa sarili ko. Nagulat ako nung sinipa ni Zero ang lalaki. Napaaray ang lalaki. Si Zero, Siya ang number 1 enemy ko. Siya ang Rank 1 sa D-home. Siya ang lagi kong nakakalaban. Si Unmerciful, Tulad ng pangalan niya, Hindi niya pinapatawad ang mga nakakalaban niya. Napakuyong ang kamao ko. Lumapit ako sa kanila at Sinuntok ko si Zero. "S-sino ka? Pano mo nagawa kay Zero yun?" Tanong ni Unmerciful. "Nabobored ako." Sagot ko at tinulungang makatayo ang lalaki. "Wala pa kami sa right age para pumatay. Yun ang batas sa D-home. Pero mapapatay ata kita." Sabi ni Zero. Tinignan ko lang siya ng matalim. "Kaya mo?" Tanong ko. Napaiwas siya ng tingin. Hindi ko akalaing iiwas siya ng tingin sakin. Napasmirk ako. "Sino ka?" Tanong ulit ni Unmerciful. "Liara Vanessa Arceo." Sabi ko sabay smirk at iniwan ko silang tulala dun. ***************************** "Liara Vanessa Arceo." Bored kong sabi sabay humanap na ako ng upuan. Sabi kasi ng teacher magpakilala daw ako. Kaya ayun ang ginawa ko. Yung lalaki kanina hinatid ko sa clinic. "Mr. Kim and Mr. Reyes san kayo galing?" Tanong ng teacher sa kapapasok lang na dalawang tao. "Paki mo?" Bastos na sabi ni Xandrei sa teacher. Hayop! Porket anak ng principal. "Naflat yung kotse namin maam." Buti pa yung kasama niya mejo mabait. Naglakad lang sila papunta sa direksyon ko. "Alis jan." Sabi ni Xandrei. Tinignan ko siya ng malamig. "Ayoko." Sabi ko. "Tabi." Utos niya ulit. Yung kasama niya umupo na sa harap ko. "Upuan ko yan." Sabi niya. "Nabili mo?" Cold parin ako. "Sinabi ng umalis ka jan eh!" Sigaw niya. Bwisit na lalaki to! "Eh bat hindi nalang ikaw ang umalis??" Sigaw ko rin. Ha! Di uso sakin ang magpatalo! "Tatamaan ka na saking babae ka!" Sigaw niya sakin. Nginisian ko lang siya. "Wala akong paki sayo." Sabi ko at umub-ob na sa lamesa ko. Pabayaan mo yang baliw na yan jan. Maya maya pa ay hinila niya ako patayo. Ang sakit ng buhok ko letche! "Problema mo?" Malamig kong tanong sa kanya. "Umalis ka jan. Ayaw kitang katabi." Sabi niya rin. "At sinong may sabing gusto kitang katabi?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Lumayas ka!" Sigaw niya. "Psh." I just said at naupo ulit. "Iniinis mo talaga akong babae ka." Sabi niya sakin. "Good." I said. Dumukmo ulit ako. Nakatingin halos lahat samin. "Ara." He said. "What?" Naiinis ko siyang tinignan. "Gangster ka ba?" Natahimik ako sa tanong niya. Bakit niya natanong?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD